"Isa, dalawa..." Sunod-sunod ang malalalim na hiningang pinapakawalan ni Aella habang taimtim na nakapikit at nakatayo sa gitna ng gubat. Ang hangin sa paligid ay tila kinokolekta ng kaniyang katawan na unti-unting naiipon sa kaniyang paligid, tila mga aliping iniikutan ang kanilang pinuno. Sa ikatlong pagkakataon ay sinusubukang muli ng diwata na gawin ang isa sa mga pinakamahirap na galaw na tanging mga nilalang lamang na may kakayahang kumontrol sa hangin ang nakakagawa. Sa bawat pagsasanay ay unti-unting nagagawa ng diwata ng maayos ang gusto niyang gawin. Ilang beses na siyang kinumbinsi ng kaibigan na maaarin na siyang bumalik sa kaharian ngunit ipinipilit nito na hindi pa pagkat sa tingin niya ay hindi pa sapat ang kaniyang kakayahan. "Totoo ba itong nakikita ko?" Parehong napat

