COS-5

1307 Words
“Halika na at kumain ka na sa baba mukhang ikaw naman ang kakainin mamaya ni, Orlando,” aniya. “Huh?” “Ang sabi ko kumain ka na at mukhang hindi ka pinakain ni Orlando,” ulit niya. Tumango naman ako at ngayon lang din nag-sink in sa akin na hindi pa pala ako kumakain. Nakasuot lang ako ng dress na hanggang ibaba ng tuhod ko at sleeveless. “Ganda mong dalaga, sa ‘yo lahat ‘yan? Mukhang nanglulunod ng mukha ah,” tanong niya habang nakatingin sa dibdib ko.Napakamot naman ako sa ulo ko. “Bebeng D naman,” nahihiya kong wika. “Ano ka ba? Huwag kang mahiya, ako nga eh meron ding ganiyan noon,” saad niya. Bumaba na kami at pumunta sa napakalaking dining area. “Upo ka,” aniya. Kaagad na naghain naman ang ibang kasambahay at umupo siya sa gilid ko. Napatingin ako sa taas at naglalakihan ang mga chandelier. “Hindi na nakaw ‘yan ha. Galing talaga sa bulsa ’yan ng hudas barabas na Orlando.” Napatingin ako sa mga pagkain at napanganga ako sa kubyertos. Kulay ginto at mabigat. “Huwag kang mahihiyang kumain. Hermes ang platong ‘yan. Nagustuhan ni, paking Orlando kaya ayun, kinidnap ang taga-gawa at pinagtrabaho ng ilang araw rito,” wika niya. Nagulat naman ako sa sinabi niya. “Siyempre kung maniniwala ka ang bobo mo naman,” bawi niya. Hindi ko alam kung ano ba sa sinasabi niya ang totoo at hindi totoo. Humalakhak naman siya at tila tuwang-tuwa sa expression ng aking mukha. “Pakabusog ka, ito A5 wagyu iyan galing pang Japan,” sambit niya at inilagay iyon sa aking plato. Nilagyan niya rin ng mashed potato. “Kung iniisip mo kung nakaw ba ‘yan, well totoo ang iniisip mo. Hindi ka nagkakamali. Ito secret lang natin ha. Nu’ng mangyari ang shipment ng mga premium beef na ‘yan ay hinold ni, Orlando kaya marami kaming supply rito sa mansion,” aniya. Hindi naman ako makapagsalita. “Ultimo asin smuggled ‘yan,” dagdag niya pa. “Magnanakaw ba si, Orlando? Kaya ba sobrang yaman niya?” usisa ko sa kaniya. “Oo, t’saka ano ‘yan siya may sakit sa utak. Nauulol kapag hindi nakakanakaw ng mga mamahaling gamit.” Napalunok naman ako. Ibig sabihin sumama ako sa isang magnanakaw? “Huwag kang mag-alala at isang notorious thief naman ang kasama mo. Mabilis makaalis sa mga problema at siyempre malayo ka sa kapahamakan.” “What are you telling her?” Sabay na napalingon kami sa likuran nang makita si Orlando na poker face lang at naglakad papunta sa kabilang upuan. Pekeng ngumisi naman si Bebeng D. “Pinaalalahanan ko lang siya kung gaano ka kabait. Isa kang hulog ng langit sa aming mga walang lakas at walang boses na mga kababaehan. Niligtas mo kami sa mundong makasalanan. Isa kang tunay na bayani,” sagot niya. Napataas naman ang kilay ko sa narinig mula sa kaniya. Tinaasan lamag siya ng kilay ni Orlando. “Kumain ka na, Adalee at kakainin ka niya maya-maya,” aniya. “Ha?” “Ah, este kumain ka na at kakain na rin siya maya-maya para sabay kayong labasan este sabay kayong mabusog at makalabas na sa dining room,” sagot niya. Kumain na nga ako at minsan ay napapatingin din kay Orlando sa unahan. Kaagad na umiwas ako ng tingin nang makitang nakatitig din pala siya sa ‘kin. Pagkatapos nga naming kumain ay nauna siyang tumayo at nakapamulsang huminto sa gilid ko. “Follow me,” aniya. Tumango naman ako at kaagad na napainom ng tubig. “Relax ka lang,” wika ni Bebeng D. Sumunod naman ako kay Orlando hanggang sa ikalawang palapg ng bahay. Binuksan niya ang pinto sa pinakadulong kuwarto at pumasok. “Huwag mo ng hintaying hilahin pa kita papasok,” saad niya. Mabilis pa sa alas-kuwatrong pumasok naman ako at natigilan. Ang daming magagandang figurines. Mukhang puro mamahalin ito. Nakaw rin kaya ‘to? “Don’t listen to anything that old hag tells you,” aniya. Si Bebeng D ba ang tinutukoy niya? “She’s just messing with your head,” dagdag niya pa at umupo sa kaniyang swivel chair. “Come closer,” utos niya sa ‘kin. Lumapit naman ako at baka kung ano pa ang mangyari sa ‘kin kapag hindi ako sumunod. Napalunok ako nang dumako ang tingin niya sa katawan ko. Ang kaniyang hintuturo ay nakahawak sa ulo niya. Mataman niyang in-examine ang aking kabuoan. Kaagad na nakaramdam ako ng pagkailang. “Maliban sa kalayaan mo ano pa ba ang gusto mong hilingin sa ‘kin?” tanong niya. Napatingin naman ako sa kaniya at hindi makapaniwala sa kaniyang tanong. “I-Ibibigay mo ba?” kinakabahan kong tanong. He shrugged his shoulders. “It depends,” sagot niya. “P-Puwede ko bang mkita ang pamilya ko kahit isang araw lang? Kahit si, mama lang. Kailangan ko siyang makita,” desperada kong wika. “Puwede naman but in one condition…” Napalunok naman ako. “A-Ano ‘yun? Kahit ano gagawin ko. Makita ko lang ang mama ko papayag agad ako,” dagadag ko pa. Ngumisi naman siya na parang demonyo. “I like that,” aniya. Napalunok ako nang makita ang kakaibang ngiti niya. Alam kong hindi maganda ang kondisyon niya basi sa nakikita ko sa kaniyang mga mata. “I’ve sent your nude pictures to a friend. He wanted to sleep with you. If you’ll agree, then I see no reason to refuse your request,” wika niya. Napanganga naman ako sa sinabi niya. Napailing ako at hindi ko mapigilan ang sarili ko na makaramdam ng galit sa kaniya. “How dare you?” singhal ko sa kaniya. “Matapos mo akong pagsamantalahan basta mo na lang akong ibibigay sa kaibigan mo? Are you even human? Hindi ka tao, ang sama-sama mo. Demonyo ka!” “I never said I was an angel. I was just telling you that, nasa sa ’yo pa rin naman ang huling desisyon. Mamili ka, have s*x with him and you get to see your mom or nothing at all.” Umiling naman ako. Naikuyom ko ang aking kamao sa sobrang disappointment sa kaniya. “Akala ko iba ka! Mas malala ka pa! Sana pala hinayaan mo na lang akong mapunta kay Goldy. Sana namatay na lang ako sa kamay niya imbis na mapunta rito sa poder mo. Gagawin mong impiyerno ang buhay ko, kung alam ko lang sana…” mahina kong wika. Nakita ko ang baril sa ibabaw ng lamesa niya kaya mabilis na kinuha ko iyon at itinuon sa aking sarili. “Gusto ko ng umuwi, iuwi mo na ako. Kung hindi mo gagawin ay ako mismo ang kikitil sa buhay ko,” banta ko sa kaniya. Kaysa naman na tumagal pa ako rito mas mabuting mamatay na lang ako para matapos na rin ang pagtitiis ko. Tumayo naman siya at nilapitan ako. Hinawakan niya ang kamay ko at itinuon ang baril sa aking noo. Nanginginig ang aking kamay. Hinigpitan niya pa iyon at sinaktong pinahawak nang maayos ang daliri ko sa trigger. “Hold this tight and bang!” wika niya at napasigaw ako sa labis na kaba nang mahila ko ang trigger. Napaupo ako sa sobrang gulat at shock. Halos hindi ako makagalaw at nayelo na ako sa sahig. Pakiramdam ko ay tinakasan ako ng kaluluwa ko. Ang lamig ng aking pakiramdam. Rinig na rinig ko ang paghalakhak niya. “Next time, asintahin mo ang noo mo para siguradong patay ka. Don’t show your weakness Adalee, dahil lalo akong nakakaramdam ng inis. I am not impressed with your threats. You better do it directly at baka maawa pa ako,” saad niya at tinalikuran na ako. “Don’t even try to kill yourself, halata namang takot kang mamatay.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD