“Ano? Nakapag-usap ba kayo? Ano ang sabi niya?” usisa ni Bebeng sa ‘kin. Natigilan naman ako at alanganing tiningnan siya.
“Sabi mo mabait siya, hindi naman. Isa siyang demonyo, Bebeng D,” saad ko. Napakamot naman siya sa ulo niya.
“Bakit? Ano ba ginawa niya?”
“Gagawin niya ang request ko kung m************k ako sa kaibigan niya,” mahina kong wika.
“Naku! Bakit hindi ka pumayag?” aniya.
“Ha?”
“I mean, buti hindi ka pumayag. Alam mo ba ang mga kaibigan niya eh puro afam. Katulad niya may mahaba, malaki, at matigas na dala-dala,” sagot niya.
“Ano ang ibig mong sabihin? Mahabang ano?”
“May mahabang pasensiya, malaking puso, at matigas na damdamin sa tukso. Bakit? Ano ba ang nasa utak mo?” tanong niya. Minsan talaga nakakapagduda ng katauhan itong si Bebeng D.
“W-Wala naman. Pero Bebeng, hindi naman siguro maganda na ganoon ang gawin niya. Alam niya ang hirap na pinagdaanan ko bakit kailangan niya pang dagdagan?” usisa ko sa kaniya. Naiiyak na naman ako.
“Huwag kang umiyak. Hangga’t maari huwag kang umiyak sa mansiyong ‘to. Kailangan mong tatagan ang sarili mo, malalampasan mo rin ‘to. T’saka humindi ka naman ‘di ba?” aniya. Tumango naman ako at suminghot.
“Hayaan mo na lang siya. Kapag nakita mo na ang mga kaibigan niya baka magbago ang isip mo sabihan mo siya kaagad. Buti nga binigyan ka niya ng choice na ganiyan. Ako, hindi pa. Ang selfish niya talaga,” reklamo niya.
“Alam mo namang hindi ako ganoon. Hindi ko kayang mangyari iyon,” giit ko.
“Akala ko rin loyal ako kay, Paking Orlando noon. Pero nu’ng nasilayan ko na ang mga kaibigan niya napagisip-isip kong hindi naman masama kung magiging mabait ako sa iba. Sabi nga nila treat others like the way you wanted to be treated. Kung si, Orlando gusto kong pagsilbihan sa ano mang paraan ang mga kaibigan niya ay gusto kong i-blow job,” sagot niya. Kumunot naman agad ang noo ko.
“Ha?”
“Oo, gusto ko silang i-blow job isa-isa,” wika niya. Kaagad na napangiwi naman ako.
“I mean, susundin ko rin ang utos nila sa isang ptiki lang. Ano ba ibig sabihin ng blow? Hindi ba hihipan mo? Bawat utos nila ng trabaho sa ‘kin parang hangin lang at hihipan ko kaagad. Susundin ko para lang mapaligaya sila. Hindi ko titigilan hangga’t hindi tumitirik ang mata nila sa sarap este satisfaction. Paniguradong hahanap-hanapin nila ang touch by Bebeng D,” kinikilig niyang saad. Napakamot naman ako sa ulo ko at hindi ko siya maintindihan. Ang mga lumalabas sa bibig niya hindi ko alam kung bakit nabibigyan ko ng ibang meaning.
“Pero si, Orlando ba naka-virgin sa ‘yo?” usisa niya. Nahihiyang tumango naman ako. Siya naman ngayon ang ngumiwi.
“Bakit?”
“Hindi pumapatol si, Orlando sa virgin. Ang alam ko sinusumpa niya ang mga babaeng virgin eh. Siguro dahil masikip para sa batuta niya. Ano, Adalee? Malaki ba?” tanong niya at kumikislap pa ang kaniyang mata. Natahimik naman ako at bumalik sa aking balintataw ang hitsura nu’ng sandata niya. Kaagad na nanginit ang mukha ko.
“Bebeng D, huwag ka namang ganiyan. Huwag mo akong tanungin nakakahiya,” saway ko sa kaniya. Ngumisi naman siya.
“Nahihirapan kasi akong silipin ang kaibigan niya kapag nagsu-swimming siya eh. Sige na, kaunting ideya lang ako na bahalang tumapos,” giit niya.
“Ayaw ko nga, nakakahiya baka marinig niya pa tayo,” sagot ko.
“Hindi ‘yan, sige na ano? Malaki ba ang alaga ng boss natin?” tanong niya ulit. Akmang sasagot na ako nang makita ang repleksiyon ni Orlando sa refrigerator.
“Why don’t you answer her question?” aniya. Nanalaki ang mata ko at tiningnan si Bebeng D.
“H-Huh?”
“Naku! Kahit huwag na, Adalee. Alam naman nating malaki na ang alaga niyang Komodo. Aksidente niya kasing nakita ang alaga mo sa labas boss. Mukhang natakot itong bebe girl natin,” sabat ni Bebeng.
Nag-abot ang kilay ni Orlando at mukhang kumbinsido naman sa palusot ni Bebeng. Nahigit ko ang aking hininga at nakasunod lang ang tingin sa kaniya. Kumuha lang siya ng bucket ng ice sa refrigerator at umalis na. Kaagad na sinamaan ko ng tingin si Bebeng.
“Ano ba? Baka humandusay na lang ako bigla dahil sa ’yo,” reklamo ko.
“Bakit? Wala ka bang tiwala sa kapangyarihan ng bibig ko?” aniya.
“Ang galing mong magpalusot,” saad ko. Ngumisi naman siya.
“Alam mo ba kung ano ang gagawin niya sa ice na ‘yon?” nakangising tanong niya sa ‘kin.
“A-Ano?”
“Gagamitin niya lang naman iyon para pakalmahin ang alaga niya,” sagot niya. Naisip ko naman ang p*********i niyang ibinababad sa ice. Ano ‘yon? Cold bath para ano?
“Para?”
“Para lalong tumigas at alam mo naman ang init-init ngayon,” sagot niya. Napalunok naman ako at napaisip.
“Hindi ba maaapektuhan ang blood flow nu’n sa ano niya?”
“Anong blood flow ang sinasabi mo? Ikaw ha, iniisip mo siguro ang batuta ni, Orlando ano? Naku! Bata ka, natututo ka na,” tukso niya sa ‘kin.
“P-Po?”
“Ang tinutukoy ko naman kasi ang alaga niyang Komodo sa likod. Totoong may Komodo siya sa likod,” aniya. Napanganga naman ako at napakamot sa ulo ko.
“Okay lang iyan. Naiintindihan ko naman na talagang kahit sino mapapaisip kung saang Komodo ang mas delikado. Pero sinasabi ko sa ’yo Adalee, mas delikado ang komodong namumuhay sa loob ng brief ni, Orlando. Iyon nagtatanim ng kakaibang tanim sa matris mo. Iyong isang Komodo niya naman nanghahabol pero puwedeng labanan. Iyong kay boss Orlando kapag nilabanan mo paniguradong tirik mata mo sa sherep,” aniya at tila nag-i-imagine pa yata siya.
“Matagal ka na bang naninilbihan sa kaniya? Bakit ayaw mong umalis? Kagaya ko rin ba ayaw niyang umalis ka? Ihahain ka rin niya sa mga kaibigan niya?”
“Ginusto kong manatili, Adalee. Hindi naman siya kasing-sama ng mga iniisip mo. Maaring baka mas maganda lang na ganoon ang gawin niya. Alam mo iyon? Maisyadong ano kasi siya eh. Genius at complicated na tao. Hindi siya madaling i-please. Tingin ng mga nakakilala sa kaniya ay tigasin at walang kinatatakutan dahil ganoon talaga siya,” sagot niya.
“Kahit sa Police? Paano kung malaman ng police ang mga pinangagawa niya?”
“Sa tingin mo ba may pakialam siya? Sa uri ng buhay na mayroon sila ang mga police at iilang galamay ng gobyerno ay walang puwang sa kanila. Hindi sila nag-e-exist at lalong wala silang lugar sa buhay ng isang Monterelli. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa ’yo ang totoo baka lumagapak ka lang diyan sa sahig dahil sa sobrang shock eh,” wika niya.
“Hindi ba, sinabi mo isa siyang notorious na magnanakaw?” tanong ko. Natigilan naman siya at tinawanan ako.
“Ang tanga mo naman, Adalee. Sa tingin mo sa ganitong kalaking bahay, sa sobrang yaman niya at sa sobrang makapangyarihang tao niya magnanakaw? Naniwala ka pala talaga sa sinabi ko noon sa ’yong magnanakaw siya. Ganito ‘yon, iyang mga paintings at ibang mamahaling gamit ay binili niya sa auction sa mas murang halaga. Buraot siya kahit marami siyang pera. Lahat ng iyan ay legal na naibenta sa pangalan niya. May kaunting inside job para mabenta sa kaniya pero hindi niya ninakaw. Kaunting banta lang naman sa may-ari kaya ayan,” nakangising paliwanag niya. Napalunok naman ako.
“Ano ba si, Orlando? Bakit parang ang taas-taas niya?” usisa ko. Tiningnan naman ako ni Bebeng D.
“Ang importante ay buhay ka. Isinugal niya ang maganda niyang mukha para lang mailabas ka sa hawlang iyon. Pasalamat ka sa kaniya at hindi ka napunta kay, Goldy dahil kung napunta ka roon paniguradong sa liit mong iyan…” Umiling-iling naman siya.
“Hindi ka na makikilala kinabukasan at talagang demonyo ang hayop na ‘yon,” dagdag niya pa.