Gabi na at hindi ko alam kung saan ang punta namin ngayon ni Orlando. Sinabihan niya lang ako kanina na may pupuntahan kami. Kumuha lang ako ng jeans at white t-shirt na medyo baggy. Mas okay ako sa ganitong get up kaysa magsuot ng mga dress na sexy. Tiningnan ko ang digital clock sa gilid at alas-diyes na pala ng gabi. Nakalimutan niya na yata. Hindi ko alam pero parang na-disappoint ako. Umiling ako at napabuga ng hangin. “Mas mabuti na rin at baka dalhin na naman niya ako sa kung saan at kung sino-sino niya ipamimigay.” Humiga ako sa kama at ipinikit ang aking mata. Nagbilang na ako ng karnero sa aking utak para lamunin ng antok subalit wala talaga. Hindi ako mapakali. Napatingin ako sa pinto nang bumukas iyon at iniluwa si Orlando na nakapantalon at leather jacket. Bumangon naman

