Napangiti ako nang maramdaman ang napakalambot na kama sa aking likod. Para akong dinuduyan. “You’ll surely have to pay for this,” matigas na saad ng lalaki. Natigilan ako at napaka-pamilyar ng boses na iyon. Kay Orlando. Ibinuka ko ang aking mata at napalingon sa gilid. Nandoon siya masama ang tingin sa ‘kin at parang kakainin na ako nang buhay. “O-Orlando,” mahina kong wika. Napatingin ako sa paligid at nakitang nasa silid niya pala ako. “P-Paano ako napunta rito?” tanong ko. Maingat na pinakiramdaman ko ang aking katawan at wala namang kakaiba. Kaagad na nag-abot naman ang kaniyang kilay. “Don’t assume I did something to you. Gagawin ko iyon when you’re sane. You should not drink any alcohol forever,” aniya at parang inis na inis sa akin. “M-May ginawa ba akong ‘di maganda?” al

