chapter 3

1887 Words
Pagkarating ko ng bahay ay talo ko pa ang sumabak sa marathon dahil sa sobrang hingal. Paanong hindi, gayong halos liparin ko na ang bawat kanto para lang makalayo sa 'laser beam' na mga mata ng best friend ng pamangkin ko. Muntik na nga akong makipag-unahan sa tricycle sa sobrang pagmamadali! Pakiramdam ko, kapag lumingon pa ako ng isang beses, baka tuluyan na akong ma-engkanto at hindi na makauwi. Sa haba ng palda ko at sa bigat ng bawat hakbang ko ay nagawa ko pang mag-ala-The Flash para lang hindi malusaw sa init ng mga tingin ng batang 'yon. Pagkasara ko ng pinto ay isinandal ko ang likod ko rito na parang hinahabol ng sampung asong ulol, habang ang puso ko, ayaw tumigil sa pag-remix ng techno music sa sobrang kaba! Pagkalipas ng ilang sandali ay napaayos ako nang tayo at napalayo sa pintuan. Bigla kong napagtanto na sobrang OA ng reaksiyon ko. Napahawak ako sa dibdib ko at huminga nang malalim. "Ano ba, Claudia? Umayos ka nga," bulong ko sa sarili ko habang pilit na ibinabalik ang dangal na muntik nang maiwan sa kalsada. Para naman akong teenager nito na unang beses na nakakita ng mabangong gwapong lalaki tapos kahit may suot na damit ay mukhang may tinatagong abs. At ang nakakatawa pa ay mas bata sa akin ang lalaki at kaibigan pa ng pamangkin ko. Ako si 'Midnight Mist', wala man akong personal na experience sa mga lalaki ay kumpleto naman ako sa research. Kung magpapatuloy ang ganito ay tiyak magiging comedy ang susunod na kabanata ng sinusulat ko. "Tita Claudia! Bakit ka po hingal na hingal?" isang maliit na boses ang bumasag sa katahimikan ng bahay. Halos mapatalon pa ako dahil sa biglang pagsulputan ang tatlong maliliit kong mga pamangkin. Atake sa puso ang ikamamatay ko nito eh! Nasa likuran lang nitong bahay ng mga magulang namin ang mga bahay ng mga kapatid kong nagsipag-asawa na kaya labas-masok dito ang mga pamangkin ko. Hindi na dapat akong magtaka kung bakit parang mga kabuti silang lumitaw sa harap ko, dala-dala ang kani-kanilang mga laruan at ang nakaka-stress na kuryosidad na taglay ng mga kaedaran nila. Pero buong akala ko talaga ay nasa birthday-han ang mga ito at ako iyong unang nakauwi sa'ming lahat. Si Mikael ay ang seven-year old na anak ng pangatlo sa aming magkakapatid na si Judy, at kapatid nito si Kim na limang taong gulang naman. Tapos anak naman ng kapatid kong sumunod kay Judy si Aivy na apat na taong gulang naman. Lima kaming magkakapatid at ako iyong panganay, tapos dalawa na lang kami ng bunso naming lalaki ang wala pang asawa. "Tita, bakit pawis na pawis ka? Hinabol ka ba ng aso ni Aling Nena?" tanong ni Mikael habang tila matandang pumasada sa'kin ang tingin. "Bakit po parang namumula ang mukha mo, Tita? May lagnat ka ba?" sunod na hirit ni Kim. Lumapit pa ito sa'kin at itinaas ang maliit na braso at balak pa yatang abutin ang noo ko. "Tita, bakit parang nakikipag-race ka sa tricycle? Nakita ka namin sa bintana kanina!" singit naman ni Aivy na may kasama pang malapad na ngiti. Uminit lalo ang pisngi ko. Wala na, pati sa mga bata ay nabisto ang The Flash moves ko. Awtomatikong na-activate ang "sungit mode" ko upang takutin ang mga ito at hindi na tanong nang tanong. Ang babata pa pero talo pa ang mga reporter kung mag-usisa. "Masyado kayong maraming tanong," mataray kong sabi. "Doon nga kayo sa sala, huwag niyo akong harangan sa pinto!" masungit kong utos sa kanila. Sabay-sabay namang nagsitabi ang mga ito kaya sinimulan ko nang humakbang patungo sa hagdanan. "At ikaw Kim, 'wag mo isubo ang daliri mo, madumi ang kamay mo!" saway ko sa isa kong pamangkin nang mapadaan ako sa harapan nito. Agad namang nakinig sa'kin ang pamangkin ko at kimi akong nginitian habang itinago ang kamay sa likuran. "Nasaan ba ang mga magulang ni'yo?" nkapamaywang kinf tanong sa kanila at huminto saglit sa kanilang harapan. "Doon na muna kayo maglaro sa labas," pasimple kong pagtataboy sa kanila. Hindi ko pwedeng iwanan ang mga ito sa sala at baka kung anu-ano pa ang maisipang kalikutin. Wala rin dito sina Mama at Papa kaya tiyak na ako ang kukulitin ng mga ito. Tinalikuran ko na sila bago pa may umapila sa kanila pero umabot pa rin sa pandinig ko ang bulungan nilang tatlo kahit no'ng paakyat na ako ng hagdan. Akala siguro nila ay bingi na ang Tita nila. "Galit na naman si Tita Claudia," sabi ni Aivy sa pabulong na boses. "Baka gutom na naman." Ginaya pa ako sa katakawan nila. "Hindi," sagot naman ni Kim. "Sabi ni Mama, baka raw kailangan na ni Tita ng boyfriend para hindi na siya laging dragon." Malalagot sa'kin ang Mama nito, kung anu-anong kalokohan ang tinuturo sa anak! "Anong boyfriend?" eksaheradang tanong ni Mikael. "Sa sungit ni Tita, baka pati ang boyfriend niya ay palayasin niya sa bahay. Kawawa naman 'yong lalaki, magiging abo 'pag binugahan ni Tita ng apoy." Napahigpit ang hawak ko sa railings ng hagdan. Abo? Dragon? Mahal ko ang mga pamangkin ko pero minsan ang sarap ding pag-uuntugin ng mga ito. Hindi pa man nabuwag ang kulto nina Tita Rica ay mukhang may susunod na sa yapak ng mga ito. Pagkasara ko ng pinto ng aking silid ay parang naglaho agad iyong iniwan kong mundo sa labas. Nagsisilbing sanctuary ko ang buo kong silid. Agad kong nilapitan ang kinalalagyan ng laptop ko at binuksan ito. Sa isang iglap lang ay bumungad sa screen ang ikalawa kong mundo kung saan ako ang reyna, ang account ni Midnight Mist. Bilang Midnight Mist ay hindi ako ang masungit na Tita na naka-maong na palda. Ako ang misteryosong manunulat na tinitingala ng libo-libong mambabasa. Pagkabukas ko pa nga lang ng writer account ko ay bumaha ang notifications ng libo-libong mga komento at hindi mabilang na mga reaksiyon ng mga mambabasa na nakasubaybay sa'kin. Regular akong nagsusulat sa isang online platform kung saan ay binabayaran bawat kwento ko. Ang profile picture ko ay isang silhouette ng babaeng may hawak na wine glass, napapaligiran ng usok para may mystery effect. Ang bio ko ay maikli lang pero mapanukso... 'Sa dilim isinusulat ang mga pangarap na bawal sa liwanag. I am your Midnight Mist.' Iba ang mga naka-publish kong mga nobela online at iba rin iyong mga isinalibro na talaga na mabibili online at sa ilang piling bookstore. Ngsusulat naman ako ng ibang genre at tema, pero mas kilala akong erotic writer kaya mas marami talaga iyong mga gawa kong hardcore ang mga eksena. Tanging iyong manager ko lang talaga nakakilala sa'kin. Ito rin kasi ang humaharap sa ilang mga transaction at umaayos sa mga kontrata ko. Binalik ko na ang atensiyon ko sa'king laptop at binuksan ko iyong mga komento sa pinakabago kong sinusulat. Hindi ko mapigilang mapangiti habang binabasa iyong ilan sa mga naroon. Ilang minuto pa lang akong nagbabasa nang maramdaman ko ang panlalagkit ng katawan ko mula sa "marathon" ko kanina kaya napagdesisyunan kong maligo muna. Kampante kong iniwan na nakabukas ang laptop sa ibabaw ng working table dahil wala naman akong kasama ngayon dito sa bahay. Tiyak na umalis na rin iyong mga bata na nasa baba, at alam ng lahat na bawal pumasok sa kwarto ko nang walang pahintulot. "Time for a long, relaxing bath," bulong ko sa'king sarili. I took my time. In-enjoy ko ang bawat buhos ng tubig, ang bango ng sabon, at ang katahimikan. Halos tatlumpung minuto rin akong nagbabad, hinahayaan ang init ng tubig na alisin ang tensyong dulot ng pag-i-imagine ko kay Marco kanina. Nang matapos, nagtapis lang ako ng puting tuwalya na abot hanggang hita at isa pang tuwalya na nakapulupot sa buhok ko. Lumabas ako ng banyo habang nagpapatuyo ng braso, relax na relax... hanggang sa literal na tumigil ang mundo ko. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Ang puso ko na kanina lang ay kalmado, ngayon ay parang sasabog sa kaba. Dahil doon, sa mismong tapat ng laptop ko, ay nakaupo ang taong pinakahuli kong gustong makita rito sa loob ng kwarto ko... si Marco. Hindi lang siya basta nakaupo, kundi ay tutok na tutok ang mga mata niya sa screen ng laptop ko, seryosong-seryoso ang mukha habang binabasa ang pinakahuling "spicy" chapter na isinusulat ko. Naramdaman niya siguro ang presensya ko kaya lumingon siya sa gawi ko. Parang nanunuksong mabagal na naglakbay ang paningin niya sa kabuuan ko— mula sa mga paa ko, sa tuwalya ko, hanggang sa magtagpo ang mga mata namin. Hindi pa man ako nakabawi sa kapanghasan ng mga mata niya ay isang pilyong ngiti ang gumuhit sa mamula-mula niyang mga labi na lalong nagpalakas sa kabog ng dibdib ko. "So..." mapanukso niyang usal gamit ang baritonong boses. "Ikaw pala si Midnight Mist, Tita?" Gusto kong lamunin ng lupa. O kaya ay bumalik na lang sa banyo at doon na tumira habambuhay. Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko at tanging ang mabilis na t***k ng puso ko lang ang naririnig ko. Sa loob-loob ko, nagpapanic na ang lahat ng neurons ko. Hindi ko alam kung ano ang uunahin—ang dambahin ang laptop ko para isara ang "ebidensya" ng pagiging Midnight Mist ko, o ang balutin ang sarili ko ng kurtina dahil sa nakakaeskandalo kong ayos sa harap ng isang lalaki! Lord, bakit ngayon pa? Bakit sa ganitong pagkakataon? Ang "Manang" side ko ang nananaig, pilit na hinihila ang tuwalya ko paitaas kahit hanggang hita lang naman ito. Napakalaking kabaliktaran sa mga "wild" na imahinasyon ko bilang Midnight Mist na laging palaban sa ganitong eksena. Ngayon, para akong basang sisiw na hindi malaman kung saan tatalon. "A-anong ginagawa mo rito?! Paano ka nakapasok sa kwarto ko?" nauutal kong tanong, pilit na pinatitigas ang boses kahit ang totoo ay nanginginig na ang tuhod ko. Sinamaan ko rin siya ng tingin upang itago ang totoo kong nararamdaman. Imbes na pansinin ang tingin ko ay kalmadong tumayo si Marco mula sa kinauupuan na s'ya ring upuan ko tuwing nagtatarabaho. Hindi niya ini-off ang screen ng laptop ko. Nagsitunugan ang mga alarm sa utak ko, pahiwatig ng panganib na papalapit habang dahan-dahan siyang lumapit sa akin, ang bawat hakbang niya ay tila may kasamang mabigat na presensya na nagpapaurong sa akin hanggang sa sumadsad ang likod ko sa pader. Gusto kong mag-krus ng braso pero baka malaglag ang tuwalya ko, kaya nanatili akong tuod sa kinatatayuan ko. "Pinapasok ako ng mga bata," simpleng niyang sagot sa tanong ko. Bagama't ang boses niya ay malalim ay may halong kapiluhan naman ang kanyang tono. "Sabi ni Kelvin, dalhan daw kita ng pagkain galing sa party dahil baka hindi ka nakakain nang maayos kanina. Iyong mga bata ang nagbukas ng pinto, hindi naman naka-lock kaya pinapasok na nila ako." Tumingin siya ulit sa laptop, tapos binalik ang tingin sa akin—sa mga mata ko na dilat na dilat. "Hindi ko naman akalain na may mas 'masarap' pa palang menu dito sa loob kaysa sa dinala kong ulam," dugtong niya sabay sulyap sa screen kung saan kitang-kita ang header ng website ko. "Midnight Mist, huh? Interesting name for a 'Manang' Tita." Gusto ko nang magpalamon sa semento. Ngayon din. Minsan na lang akong nakampante tapos ito pa ang naging resulta.Ang katauhan kong iningat-ingatan ko sa loob ng halos isang dekada ay mukhang mabubunyag na!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD