Chapter 2

1680 Words
“Wala ring pinatunguhan ang sinahod ko.” Pasalampak na naupo si Mama sa sofa. “Nagbayad ako kanina ng kuryente, ng tubig at hinulugan ko na rin ang TV na kinuha ng papa mo. Huling hulog na ‘yon kaya binayaran ko na para matapos na. Tapos nag-grocery din ako para sa isang buwan na kakainin natin, at binayaran ko rin ‘yong wifi. Wala nang natira para sa pambayad sana sa school mo sa katapusan.” Nalungkot naman ako na hanggang ngayon ay hindi pa rin magawan ng paraan nila Mama at Papa kung saan ako kukuha ng pera pambayad sa graduation fee na ang deadline ay sa katapusan na ng buwan. Kailangan ay mabayaran ko ‘yon kung gusto ko talagang maka-graduate. “Kausap ko na si Pareng Bert, pauutangin niya raw ako bukas.” Dumating si Papa na nakasuot pa ng sumbrero bago ako tabihan sa sofa. “Hindi mo na kailangan pang problemahin ang pambayad ni Aya, ako na ang bahala.” Tinapunan ni Mama ng masamang tingin si Papa. “Sana naman ay hindi ako ang pagbayarin mo ng utang mo, ‘no? Ako na lang kasi lagi ang sumasalo sa mga singil ng mga taong inutangan mo, e! Ako na lang ba ang kakayod dito? Aba, may kapaguran din ako!” “Nag-a-apply naman ako ng trabaho——” “Oo nga, nag-apply ka nga! Nag-apply ka sa iisang kumpanya, tapos na! Hindi mo man lang naisip na mag-apply ka sa iba pang kumpanya tapos doon ka pumasok sa kumpanya na mabilis ang proseso, 'di ba? Hindi naman tayo puwedeng ngumanga na lang at maghintay ng milagro!” “Ma——” “Puwede ba, Arturo? Imbes na mangako ka na babayaran mo ‘yang mga inuutang mo, sana ay gawin mo talaga! Mag-apply ka ng trabaho! Wala akong pakialam kung makarating ka man ng Mindanao para lang makahanap ka ng trabaho! Pera ang kailangan natin, hindi ‘yang mga gasgas mong pangako!” Matapos ngang bigyan ng almusal ni Mama si Papa, which is sermon, lumakad na rin ito at pumasok na sa trabaho. Ako naman ay naiwan sa tabi ni Papa habang nakayakap sa kaniya, hindi alintana na mae-lilate na ako sa klase. “Kailan ko kaya kayo makikita ni Mama na magkasundo?” “Siyempre, ‘pag may trabaho na ako..”Tinapik ni Papa ang likod ko. “Halika na’t ihahatid na kita riyan sa high school. Malei-late ka na, oh?” Tumango na lamang ako bago sumakay sa tricycle namin. Pinauna na ako ni Papa na sumakay roon habang siya ay nasa loob pa para magbihis. Habang hinihintay ko si Papa, napatingin ako sa magandang up and down na bahay ng kapitbahay namin. Masasabi kong maganda ang bahay nila dahil simple man ang kulay nito at hindi gano’n kabongga ang gate, ang ganda pa rin nito sa paningin ko. Pangarap ko ang magkaroon din ng up and down na bahay. Kailan kaya ‘yon mangyayari? “Makakapagpagawa ka rin ng mas maganda pa riyan, Aya.” Muli ay naramdaman ko ang pagtapik ni Papa sa balikat ko. “Naniniwala akong magiging malayo mula sa estado natin ang pamilya na bubuuin mo.” Sumakay na si Papa sa tricycle matapos sabihin ‘yon bago kami umandar paalis. Sisikapin ko talaga na makapagpatayo ng magandang bahay, at ‘yon ay magiging sapat ng dahilan na ang isang teacher ay may kakayahan ding umasenso sa buhay. ——— “Learning objective: Students will learn about multiplication properties and their significance.” Tumingin ako sa class record at naghanap ng pangalan na tatawagin. “Stand up, Morales.” Kita ko namang nanginginig na tumayo sa kaniyang upuan si Marvin Morales. Nginitian ko siya para ipakitang hindi ako nakakatakot at hindi rin ako nananakit ng mga batang mali ang sagot sa tanong ko. “What is PEMDAS?” “Ma’am, hindi ko po alam——” “If I’m not mistaken, naituro na ang PEMDAS sa elementary because of the new curriculum. How will you not know that?” Hindi ako nakatanggap ng response sa kaniya kung kaya naman ay pinaupo ko na siya. Isinulat ko sa blackboard ang mga letrang PEMDAS bago muling hinarap ang mga estudyante ko. “May nakakaalam ba sa inyo kung ano’ng ibig sabihin nito?” “Ako, Ma’aam!” Nagtaas ng kamay si Ria kaya naman sinenyasan ko siyang tumayo. “P for Parenthesis, E for Exponent, M for Multiplication, D for Division, A for Addition and S for Subtraction.” “Very good.” Kasabay niyang matapos ang pagsulat ko sa blackboard ng mga binanggit ni Ria. “Multiplication or division is always left to right, gano’n din sa addition or subtraction. Huwag kayong malilito. Basta when you multiply, divide, add or subtract… always left to right ‘yon, okay?” Nagsulat ako ng isang example sa board. 3 + 6 x 2 “Look at the example written in the board.” Binilugan ko ‘yong ‘6 x 2’. “Ito ang uunahin nating i-compute dahil ayon sa PEMDAS, multiply comes first before addition, okay?” Nagsulat ako ng 12 sa board. “Now, ang sabi sa rules ay ang MDAS usually doing left to right, ‘di ba? ‘Yong 3 na naiwan ay i-copy lang natin, sundan ng addition sign at isulat na ‘yong 12, which is the product of 6 x 2.” 3 + 12 = ? “Ano ang sagot?” “15!” “Next example.” I wrote ‘(3 + 6) x 2’ on the board. “Iba naman ang case dito ngayon since may kasama nang parenthesis. Going back to the rules, mas mauuna nating i-solve ang nasa loob ng parenthesis, and then followed by multiplication. Now, what is the sum of 3 + 6?” “9 po!” Isinulat ko sa board ang 9 x 2 since ang 2 ang nasa labas ng parenthesis. “Proceeding to multiplication, what is the product of 9 x 2?” “18!” “And that is the final answer.” Inilapag ko muna sandali ang chalk sa teachers’ table. “Madali lang naman, ‘di ba?” “Opo!” “Kung may tanong kayo, itaas ang kamay. ‘Wag na kayo mahiya.” Naghihintay ako kung may magtataas ng kamay, ngunit walang naglakas ng loob na gawin iyon. “Alam n’yo, Section Rosal, hindi dapat kayo mahiya sa mga teachers n’yo kung may gusto kayong itanong o linawin tungkol sa lesson. Hindi naman masama ang magtanong, magbe-benefit pa nga ‘yon sa inyo kasi kapag nagtanong kayo, mabibigyan ng linaw ang hindi n’yo naintindihan.” “Mahalaga na ang bawat detalye ay naintindihan n’yo nang maigi, lalo na sa Math. Lahat naman siguro ng mga estudyante ay nahihirapan sa subject na ito, maski ako na teacher n’yo sa Math ay nahihirapan din sa subject na hinahawakan ko ngayon. Kaya nga mainam na dapat ‘pag nalito ka, halimbawa, sa solution na ipinakita ng teacher mo sa inyo, kung hindi mo ‘yon nasundan,, puwede mo namang ipaulit. Hindi dapat kayo nahihiya na magtanong. Para din ‘yon sa kapakanan ng inyong pagkatuto,” ddagdag ko bago muling humarap sa board. “This is your seatwork number 1, copy and answer.” Matapos kong isulat ang 5 items na sasagutan nila, lumabas muna ako ng room para magpahangin. Alam ko naman na kahit magbantay ako o hindi, may kopyahan pa rin na magaganap. Mahirap alisin sa mga bata ang pagdepende sa pangongopya pero sana, kapag nasa mature na silang edad, ma-realize nila ang disadvantages ng cheating. “Kumusta ka naman, Ma’am Aya? Kaya pa?” Naabutan akong nasa labas ng classroom ni Ma’am Jane, ang adviser ng Section Rosal. “Oo naman po, Ma’am. Kakayanin ko, siyempre.” “Nasa likod ako kanina ng classroom, napakinggan ko ang sinabi mo sa mga bata. Alam mo, isang malaking problema rin sa isang pagiging teacher kung paano mo makukuha ang loob ng mga estudyante mo. Tulad mo, dahil siguro bago ka sa paningin nila ay nai-intimidate pa sila sa iyo at nahihiya kang tanungin. Mahalaga pa naman na dapat marunong magtanong ang bata to clarify ng hindi nila naintindihan sa lesson. Pero dahil intimidated sila sa iyo, nahihiya silang magtanong despite showing to them na hindi ka naman terror kagaya ng mga professor sa college.” Mahina nitong tinapik ang braso ko. “Nahirapan din ako no’ng una na kuhanin ang loob ng mga estudyante ko. Bilang nagsisimula pa lang ako noon, talagang mangangapa ako sa new environment na ginagalawan ko. Pero kagaya ko, I hope you will find a way para kuhanin din ang loob ng mga estudyante mo. Hindi lang pagtuturo ang trabaho natin, dahil ang mga guro ang pangalawa nilang pamilya. Good luck!” Bumalik na rin ako sa loob ng classroom at piniling maupo sa teacher’s table habang hinihintay ang ilan sa mga estudyante ko na matapos sa kanilang seatwork. Kasabay no’n ay na-realize kong ang ganda ng punto ni Ma’aam Jane. Naalala ko rin bigla ang itinuro sa amin sa Facilitating Learner-Centered Teaching. Napakahalaga para sa isang guro na makilala nang lubusan ang kaniyang mga estudyante, gaano man sila karami. Mahalaga ‘yon para mawala ang ilang or ‘yong hiya ng isang estudyante na magtanong. Kaya lang ang mahirap sagutin ay kung paano ko kukuhanin ang loob ng mga estudyante ko? Ang hirap talaga maging isang nanay ng sampung section sa high school. “Finish?” Umayos na ako ng pagkakatayo. “Ipasa ang papel sa harap, and pass it sideward hanggang sa makarating kay Fiona.” At nang tuluyang makarating kay Fiona ang lahat ng papel ng mga kaklase niya, kinuha ko ‘yon at inilagay sa teacher’s table. Now, I’m facing them, mukhang kanina pa nila gustong umuwi since last subject nila ako. “Before kayo umuwi, always be reminded to keep safe. Sa susunod na magkita-kita tayo, sana mga professionals na kayo.” I genuinely smiled at my students. “Class dismissed.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD