Chapter 3

1759 Words
“You passed your final demo, Aya. Congratulations!” Dala marahil nang sobrang tuwa ay agad akong napayakap kay Ma’am Jane, hindi ko na na-control pa ang sarili ko na maging emosyonal. Napakasaya ko lang sa natanggap kong balita, to the point na naiyak na ako sa sobrang tuwa kasi hindi ko inaasahan na ganito pala kasaya sa pakiramdam na makapasa sa final demo. Kaunting hakbang na lang at makaka-graduate na ako. “Sorry po, Ma’am. Na-carried away lang po ako.” Agad akong humiwalay sa pagkakayakap. Para akong bata na ipinunas ang likod ng palad ko sa aking pisngi. “It’s okay, I understand you.” Nang tapunan ko siya ng tingin nakangiti siya sa akin. “You deserve to pass, Aya. Naniniwala akong magiging isang mabuti at magaling kang guro. And I hope, marami pang dumating na aspiring teachers na kagaya mo.” Sunod-sunod akong napatango. “Let’s trust the Lord, Ma’am.” Inayos ko muna ang sarili ko bago nagpatuloy sa pagsasalita. “Balikan ko lang po ang mga estudyante ko, gusto ko pong maayos na makapagpaalam sa kanila.” “Go ahead, they’re waiting for you.” Tinanguan ko na lamang si Ma’am Jane at lumabas na sa faculty room. Mabilis kong tinahak ang daan pabalik sa classroom ng section Rosal, kung saan ako nag-final demo. Naabutan ko ang mga estudyante ko sa loob ng classroom na nagkakagulo, ang iba naman ay abala na nilalantakan ‘yong reward ko sa kanila na mga chocolates dahil tinupad nila ang pangako sa akin na makiki-cooperate sila sa klase. Ngunit nang tuluyan akong makapasok sa classroom, agad silang tumahimik at bumalik sa kani-kanilang mga upuan. “Tapos na ang klase natin kaya hindi mo na kailangang maglabas ng ¼ sheet of paper, Sandra,” papgbibibiro ko sa isa kong estudyante kasi bigla ba naman siyang naglabas ng papel sa desk niya nang makita ako. “Dahil nga tapos na ang klase natin, tapos na rin ang trabaho ko sa school na ito. Tapos na ang karera ng pagtuturo ko sa inyo.” “Aalis ka na po, Ma'am Aya?” Bakas sa boses ni Marvin ang pagkalungkot. That’s why ang hirap magpaalam lalo sa mga taong sobra na ring naging malapit sa akin. “I have to..” Pinilit ko ang aking sarili na ngumiti. “Siguro, kapag naging isang ganap na guro na ako, magiging permanente na ako rito sa school n’yo. Kaunting panahon na lang naman ‘yon, magkikita-kita tayo ulit dito. Sa ngayon, kailangan kong magpaalam muna sa inyo. Palagi sana kayong magpakabait at maging active sa klase gaya ng pagiging active n’yo sa mga nakaraang klase ko sa inyo. Hangad ko rin na sana ay may natutunan kayo sa ilang linggong pinagsamahan natin sa school na ito. Sana ay may natutunan kayo sa akin. Isang karangalan na ‘yon para sa akin bilang isang magiging guro pa lamang.” Kinuha ko na mula sa teacher’s table ang mga gamit ko bago ko sila muling hinarap. “Magpakabait kayo, Section Rosal. At parang awa n’yo na, ‘wag n’yo nang hingan si Sandra ng papel, hmm? Bumili na lang kayo sa labas ng papel, piso ang dalawa lang naman.” At tuluyan na akong lumabas ng classroom. Malungkot man dahil iiwan ko na ang mga estudyanteng minsan na naging malapit sa akin, ngunit masaya pa rin ako dahil kahit sa maikling panahon ay nakasama ko sila. “Ingat ka, Ma'am Aya! Magpapakabait na po kami, promise ‘yan!” “Bye, Ma'am Aya! Mahal ka po namin, sobra!” “Balik ka rito, Ma'am, ah!” Napalingon ako sa direksyon ng classroom na pinanggalingan ko. Hindi ko inaasahang may pahabol na message pa ang mga estudyante ko. Masayang tinanguan ko na lamang sila tiyaka tumalikod at nagpatuloy na sa paglalakad. Those students… I hope to see them again. ——— Matapos ang madugong final demo, which is pinalad naman akong makapasa, ay kasunod naman ang pagtatrabaho ko sa thesis paper bilang final requirement sa aming course. Sa ibang school ay feasibility study ang tawag, pero dito sa university namin kasi, thesis paper pa rin ang gustong itawag. “Kumusta naman ang buhay?” ani Jazz habang abala siya sa pagsi-cellphone. Nasa study area kami ngayon, habang abala sa pagtapos ng ginagawa kong thesis paper ay siya naman, abala akong tsinitsika. Paano kaya ako matatapos nito kung tsitsikahin niya ako? “May mga times na gusto ko na lang mag-drop,” natatawa kong sagot. “Kaso no’ng naipasa ko ‘yong final demo ko, ‘wag na lang pala kasi sayang naman. Sobrang hirap gumawa ng thesis lalo na kapag individual, pero kakayanin ko naman. Sana lang kayanin din ng katawan ko at huwag maisip na sumuko.” “Sira, ‘wag kang susuko! ‘Yan na lang naman ang gagawin mo, tapos,, bengga! Puwede ka na g-um-raduate. Kayang-kaya mo ‘yan, bestie!” Napakibit-balikat na lang ako sa kaniya at piniling manahimik na lang. Ang hirap mag-concentrate sa ginagawa ko ‘pag ganitong dinadaldal ako ni Jazz, e. “Maitsika ko nga pala sa iyo.” Kinalabit niya ang braso ko kung kaya naman ay napaharap ako sa kaniya. Ipinakita niya sa akin ang phone niya. Mayroong picture ng lalaki na naka-mask ng kulay itim. “Crush na crush ko ito, Aya!” “Sino naman ‘yan? May sakit ba ‘yan kaya naka-mask?” “Hindi!” Hinampas niya nang mahina ang braso ko. “Ewan ko rin kung bakit halos lahat ng pictures niya sa i********: ay puro nakatago ang bibig niya. Minsan ay nakasuot siya ng mask, tapos minsan ay nakatakip ang palad niya sa part ng bibig niya. Hindi ko alam kung ano’ng mayroon, pero deadma na! Ang pogi niya pa rin kahit naka-mask siya, oh!” Ipinagduldulan niya lalo sa akin ang phone niya para pilitin akong tingnan ang picture. “Ano ba, Jazz? Ilayo mo nga sa akin ‘yan!” “Maniwala ka na kasing ang gwapo niya——” “Gwapo man siya o hindi, ano namang pakialam ko sa lalaki na ‘yan? Kung talagang gustong-gusto mo siya, 'di, gumawa ka ng paraan para magustuhan ka rin niya, okay?” “Parang ang labo naman no’n.” Humalukipkip siya. “CEO ang lalaki na ito, Aya. Isa sa pinakamayaman at tanyag na CEO sa buong Southeast Asia. Sa tingin mo ba ay magkakagusto siya sa isang kagaya ko?” “Walang imposible sa love, Jasmine. Kung si Romeo at Juliet nga ay nagkagusto sa isa’t isa kahit na mortal na magkaaway ang pamilya nila, kayo pa kaya ng lalaking ‘yan?” Hindi ko alam kung bakit biglang sumama ang timpla ng tingin niya sa akin. “Pero tragic naman ang naging ending ng love story nila! So, ang ibig mo bang sabihin ay magiging tragic din kung sakali ang love story namin?” “Depende sa iyo, depende sa kaniya,” natatawa kong sagot bago isinara nang tuluyan ang aking laptop. “Depende sa taong nagmamahalan kung gagawin ba nilang happy ending or tragic ang love story nilang dalawa.” “E, kayo kaya ni Carlo? Magiging happily ever after kaya ang love story n’yo?” Kinunutan ko siya ng noo. “Bakit naman nasali si Carlo rito?” “Nakita ko lang naman ‘yang dyowa mo na may kasamang ibang babae sa bar kagabi.” Naningkit ang singkit niyang mga mata. “Akala ko no’ng una ay ikaw ang kasama niya, pero no’ng naisip ko na hindi mo hilig magpunta sa bar at no’ng makita ko rin nang malapitan ‘yong babae, nalaman kong hindi ikaw ang kasama niya.” “Sigurado ka bang si Carlo ang nakita mo kagabi?” “Bakit naman ako hindi makakasiguro na siya nga ‘yon? E, kahit noon pa ngang nililigawan ka niya, laman ng bar ang lalaking ‘yon, 'di ba? Magulo man ang ilaw sa bar dahil papalit-palit, pero nakita naman nang malinaw ng mga mata ko na si Carlo nga ang lalaking ‘yon.” “Hindi,” ang naibulong ko sa sarili. Ramdam kong anumang oras ay patulo na ang luha sa mga mata ko. “Okay naman kaming dalawa, Jazz. Hindi naman kami nag-away kaya ano namang dahilan niya para maghanap ng iba, ‘di ba?” “Sus, hindi ka pa nasanay diyan kay Carlo! Kunwaring tumigil na sa pagiging maharot pero palihim ka na pa lang pinagtataksilan.” Seryoso akong tinitigan ni Jazz. “Kung hindi ka naniniwala sa akin, ikaw mismo ang tumuklas sa katotohanan.” At tuluyan na ngang pumatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang umagos. Hindi pa man ako nakasisigurong totoo ang sinasabi ni Jazz, ngunit nagsimula nang kumirot ang puso ko. Hangga’t hindi nakikita ng mga mata kong may ibang babae si Carlo, hindi ako maniniwala sa sinasabi ng kaibigan ko. I should see him dating other woman using my own eyes… pero hinihiling ko na sana ay hindi ko mapatunayang totoo ang sinasabi ni Jazz. Hindi ko kaya… ——— Kasalukuyan akong naglalakad pauwi sa bahay namin matapos akong makapagpasa ng revised thesis paper sa professor ko. Babalikan ko ‘yon bukas para malaman kung may need pa akong i-revise bago ako mamarkahan as complete sa requirements. Ngayon ay naglalakad ako pauwi sa bahay namin kasi wala akong load para tawagan si Papa na sunduin ako, which is okay lang din naman since kaya ko naman lakarin pauwi hanggang sa bahay namin. Nang madaan ako sa isang playground, which is malapit lang din sa bahay namin, namataan ko ang isang pamilyar na pigura ng isang lalaki. Nakaupo ito sa duyan at nag-iisa, at base sa likod pa lang niya, kilala ko na agad kung sino siya. Si Carlo… Nasa lugar siya ngayon kung saan kami unang nag-date. Nandito ba siya ngayon para kausapin ako? Ibig palang sabihin ay hindi totoo ang isinumbong sa akin ni Jazz— “Babe, vanilla ice cream na lang ang ibinili ko sa iyo. Ubos na kasi ang chocolate flavor, e.” Napahinto ako sa tangkang paglapit ko kay Carlo nang may isang babae ang biglang dumating, may hawak na dalawang ice cream, at lumapit sa kinaroroonan ni Carlo. Buong akala ko ay hindi totoo ang sinasabi ni Jazz sa akin, ngunit ito na ba ang katotohanang hinihintay ko para maniwala akong may ibang babae na nga ang boyfriend ko? Sa likod ng mga halaman, pinanonood silang masayang nagkukwentuhan, naroon ako at palihim na nasasaktan sa tanawing hindi ko nais makita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD