Naalimpungatan si Shun. Hindi niya namalayang nakatulog pala siya sa sofa sa kwarto nina Dimples. Kinusot niya ang mga matang mugto kaiiyak kanina saka inilibot ang paningin sa paligid. "Why do you utter mommy Apple's name in your sleep?" Tumingala siya sa uluhan niya at no'n niya lang napansin ang batang nakatungo naman sa kaniya. Mukhang kanina pa siya nito pinapanood na natutulog. Dumako ang tingin niya sa bagay na hawak nito at gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang makitang baril iyon at nakatutok sa mukha niya. 'Anak ng..!' Napabalikwas siya ng bangon. "Hoy! Bad manutok ng baril! Totoo ba iyan?" Sa halip na sumagot ay bigla siya nitong pinasiritan sa mukha. 'Watergun pala!' "PWEE! PWEE! Zayn! Stop it!" Hindi siya nito tinantanan. Muntik na niyang dakmain a

