Chapter 3

1725 Words
Hugo's POV Galit. Ito lang ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko si Melissa. Ang bawat galaw niya, ang bawat salita niya—lahat ay tila paalala ng pagkakamaling kailanman ay hindi ko mapapatawad, lalo na ang sarili ko. Nang marinig ko ang sinabi niyang, "Kusa rin kitang bibitawan kapag naramdaman kong hindi na kita mahal," gusto kong tumawa. Mahal? Melissa? Paano niya nagagawang sabihin ang salitang iyon nang napakadali? Wala akong nakikita sa kanya kundi isang babaeng sumira sa lahat ng plano ko sa buhay. Mula nang pilitin akong pakasalan siya dahil sa isang gabing punong-puno ng pagkakamali, hindi ko na magawang tingnan siya nang hindi sumiklab ang galit sa puso ko. Si Cassandra dapat ang asawa ko ngayon, ang babaeng minahal ko ng buong puso. Pero dahil kay Melissa, nawala ang lahat. Tumayo ako sa harap niya, pinipigilan ang sariling sumabog. "Nararamdaman?" ulit ko sa kanya, pilit pinapakalma ang sarili. "Melissa, tigilan mo na 'yang drama mo. Kung akala mo maaawa ako sa'yo, nagkakamali ka." Hindi ko magawang tingnan ang luha sa mga mata niya. Hindi dahil naaawa ako, kundi dahil naiirita ako sa bawat patak nito. Sa tingin ba niya, ang mga luha niya ay magpapabago sa nararamdaman ko? Ang totoo, kahit anong gawin niya, kahit magmakaawa pa siya, hinding-hindi ko siya magagawang mahalin. Sa totoo lang, iniisip ko kung ano pa ang ginagawa niya rito. Bakit hindi pa siya umaalis? Pero alam ko ang sagot—ayaw niyang bitawan ang pangalan at kayamanan ng pamilya ko. Siya ang klase ng babae na gagawin ang lahat para manatili sa posisyon niya. "Bakit hindi ka na lang umalis, Melissa?" tanong ko, malamig ang boses ko. "Kung sinasabi mong kaya mo akong bitawan, bakit hindi mo pa gawin ngayon? Ano pa bang hinihintay mo?" Tahimik lang siyang nakatingin sa akin, pero kita ko ang sakit sa mga mata niya. Gusto ko sanang masaktan din siya tulad ng sakit na nararamdaman ko, pero sa totoo lang, wala akong pakialam kung anong nararamdaman niya. Tumalikod ako, ayokong marinig pa ang sagot niya. Ayoko nang marinig ang kahit ano mula sa kanya. Sa bawat araw na magkasama kami sa ilalim ng iisang bubong, mas lalo kong nararamdaman kung gaano kalaking pagkakamali ang nangyari sa buhay ko. Melissa, kahit kailan, hindi kita magagawang mahalin. Iyon ang totoo. At hinding-hindi ko hahayaang kalimutan niya iyon. Galit na galit akong umalis sa mansyon, hindi man lang nilingon si Melissa. Hindi ko kayang makita pa ang mukha niya. Pakiramdam ko, mas lalo lang sumisikip ang dibdib ko sa tuwing naririnig ko ang boses niya, sa tuwing sinusubukan niyang ipaliwanag ang sarili niya. Pagkapasok ko sa sasakyan, sinara ko ang pinto nang may diin. Agad kong pinaandar ang makina at mabilis na pinaikot ang manibela. Kailangan kong makalayo. Kailangan kong magpalamig. Habang nasa daan, binuksan ko ang bintana at hinayaan kong damhin ang malamig na hangin. Pero kahit gaano kalamig ang simoy ng hangin, hindi nito mapawi ang init ng ulo ko. Bakit pa kasi nangyari ito? Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang gabing iyon—ang gabing akala ko si Cassandra ang kasama ko. Pero hindi pala. Si Melissa. Ang babaeng naging dahilan kung bakit nagbago ang lahat sa buhay ko. Habang tumatakbo ang sasakyan, dumiretso ako sa isang lugar kung saan alam kong makakahanap ako ng katahimikan—ang beach house namin sa labas ng siyudad. Ilang oras ang biyahe, pero hindi ko iniinda. Kailangan kong makalayo. Pagkarating ko roon, bumaba ako at dumiretso sa dalampasigan. Tahimik. Walang tao. Ang tanging naririnig ko lang ay ang hampas ng alon sa buhangin. Umupo ako sa isang malaking bato at tumingin sa malawak na dagat. Hinayaan kong lamunin ng katahimikan ang lahat ng ingay sa utak ko. Pero kahit anong gawin ko, hindi maalis sa isip ko si Melissa—ang mga sinabi niya, ang mga luha niya. Hayaan mo, kusa rin kitang bibitawan kapag naramdaman kong hindi na kita mahal. Parang sirang plaka na paulit-ulit na tumutugtog ang mga salitang iyon sa isip ko. Bakit hindi ko magawang balewalain? Bakit kahit alam kong galit ako sa kanya, hindi ko maalis ang inis ko sa ideyang baka dumating nga ang araw na tuluyan niya akong iwan? Napapikit ako, pilit na tinatanggal ang imahe niya sa isip ko. Pero kahit anong gawin ko, parang may bahaging ayaw lumayo. At iyon ang pinakakinaiinisan ko. Pagdating ko sa beach house, bumungad sa akin ang lugar na minsang naging kanlungan ng mga alaala namin ni Cassandra. Ang bawat sulok nito ay puno ng mga ngiti, halakhak, at pangako na akala ko noon ay magtatagal habang buhay. Tahimik akong naglakad papunta sa veranda. Huminto ako sa tapat ng hammock kung saan madalas kaming magpahinga. Naalala ko pa kung paano siya tatawa habang hinuhubog ang buhangin gamit ang kanyang mga kamay, o kung paano siya magsusulat ng pangalan namin sa basang buhangin sa tabing dagat. Ang daming alaala. Ang daming pangarap na binuo namin dito. Napatingin ako sa alon na tila humahampas sa akin ng realidad. Ang realidad na wala na siya sa tabi ko. Pero alam kong babalik siya. Kilala ko si Cassandra. Hindi niya basta-basta bibitawan ang mga pangarap namin. At kapag bumalik siya, kailangang handa na ako. Kailangang malinis na ang buhay ko mula sa gulong idinulot ni Melissa. Hindi ko na kayang hintayin pa ang araw na siya ang mauunang lumayo. Ako na ang gagawa ng hakbang. Iiwan ko na siya, dahil kahit ano pang sabihin niya, hindi siya kailanman magiging bahagi ng buhay ko. Huminga ako nang malalim, pilit pinapakalma ang sarili ko. Kailangan kong maging malinaw ang isip. Alam kong magiging masakit para sa kanya ang gagawin ko, pero wala akong ibang pagpipilian. Mas mabuti nang tapusin na ang lahat bago pa lumala ang sitwasyon. Bumalik ako sa loob ng bahay at naupo sa sofa, nakatingin sa kawalan. Alam kong mahirap ang desisyong ito, pero ito ang tama. Para sa akin. Para kay Cassandra. Melissa, hindi ka kailanman naging bahagi ng plano ko. At kailanman, hindi kita kayang mahalin. Sa loob ng beach house, binuksan ko ang isang bote ng alak na matagal nang nakaimbak sa kabinet. Alam kong hindi ito ang solusyon, pero sa sandaling ito, gusto ko lang kalimutan ang lahat—ang sakit, ang galit, at ang mga pagkakamali na paulit-ulit na bumabalik sa isip ko. Habang umiinom, bumalik ang alaala ng araw na napilitan akong pakasalan si Melissa. Si Melissa, ang anak ng dati naming katulong. Simpleng babae na hindi ko man lang pinansin noon. Hindi ko siya kailanman inisip bilang parte ng buhay ko, pero sa isang iglap, naging asawa ko siya. Napaikot ako ng baso sa kamay ko, tinitingnan ang likidong tila sumasalamin sa madilim kong nakaraan. Naalala ko ang gabing iyon—ang gabing lasing na lasing ako, at sa pag-aakalang si Cassandra ang kasama ko, nagkamali ako. Nagising ako kinaumagahan sa isang sitwasyon na hindi ko inaasahan. Si Melissa ang nasa tabi ko, hindi si Cassandra. Hindi ko alam kung paano nangyari iyon. Ang alam ko lang, nagising ako sa isang bangungot. At sa takot na masira ang pangalan ng pamilya ko, napilitan akong gawin ang dapat—ang pakasalan si Melissa. Ngunit kahit kailan, hindi ko siya tinanggap bilang asawa ko. Hindi ko kayang tingnan siya nang hindi nararamdaman ang galit sa sarili ko. Siya ang paalala ng bawat pagkakamali ko, ng mga bagay na nawala sa akin. Ininom ko ang natitirang alak sa baso at agad itong muling pinuno. “Bakit, Melissa?” bulong ko sa hangin. “Bakit kailangang ikaw pa? Bakit kailangang masira ang buhay ko dahil sa'yo?” Habang nauubos ang laman ng bote, mas lalong lumalalim ang sakit at poot sa puso ko. Sa kabila ng lahat, may isang bahagi ng utak ko na nagsasabing hindi niya ginusto ang nangyari, na baka tulad ko, isa rin siyang biktima ng maling pagkakataon. Pero masyado akong galit para tanggapin iyon. Ang tanging naiisip ko ay ang pagkawala ni Cassandra at ang pagkawala ng kontrol sa buhay ko. Sa gitna ng kalasingan, pinikit ko ang mga mata at hinayaan ang sarili kong lamunin ng kadiliman. Sana, kahit sa gabing ito lang, makalimutan ko ang lahat. THIRD POV Nagising si Melissa sa malamig na higaan. Wala na namang Hugo sa tabi niya, ngunit hindi na siya nagulat. Ganito naman lagi ang routine niya araw-araw. Dahan-dahan siyang bumangon at tumingin sa orasan. Alas-siyete na ng umaga. Sigurado siyang maaga na namang umalis si Hugo nang hindi man lang siya ginising o kinausap. Hinatid niya ang tingin sa kabilang bahagi ng kama, ang bahaging laging walang laman. Malalim siyang huminga, pilit na pinapakalma ang pusong tila unti-unting nadudurog sa bawat araw na nagdaraan. Hindi niya maintindihan kung paano siya nakakayanan ang ganitong buhay—isang kasal na tila walang pagmamahal, isang relasyon na puno ng katahimikan at lamat. Tumayo siya at lumapit sa bintana, tinanaw ang malawak na hardin sa labas. Maliwanag na ang araw, ngunit para sa kanya, parang laging madilim ang paligid. "Isa na namang araw na ganito," mahina niyang bulong sa sarili habang hinahaplos ang sarili niyang braso para bigyan ng kaunting lakas ng loob. Naglakad siya papunta sa banyo para maghanda sa araw. Kahit wala si Hugo, sinisigurado niyang ayos ang sarili niya. Ayaw niyang ipakita sa kahit na sino sa mansyon na mahina siya, lalo na sa mga katulong na madalas siyang tinitingnan nang may pangungutya. Pagkatapos magbihis, bumaba siya sa dining area. Tulad ng dati, wala siyang inaasahang makitang pagkain na espesyal para sa kanya. Ang almusal na inihanda ay laging para kay Hugo, kahit wala ito. Naupo siya sa mesa at hinintay ang tagasilbi. "Magandang umaga," bati niya, pilit na nagpapakita ng ngiti kahit alam niyang walang babati pabalik. “Wala si Sir Hugo,” malamig na sabi ng isa sa mga katulong habang inihahain ang simpleng pagkain sa harap niya. "Alam ko," mahinang sagot ni Melissa. Sa totoo lang, nasanay na siya. Alam niyang kahit bumalik si Hugo, malamig pa rin ang trato nito sa kanya. Habang kumakain, sinubukan niyang iwaksi ang lungkot. Pero sa bawat subo, nararamdaman niyang bumibigat ang dibdib niya. Gusto niyang magtanong kung kailan pa kaya magbabago ang lahat, ngunit alam niyang wala namang sagot. Sa mansyon na ito, parang wala siyang boses. Wala siyang halaga. Pero kahit ganoon, pilit niyang iniisip kung paano niya itatayo ang sarili niya, kahit paunti-unti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD