CHAPTER 11

1562 Words
Nakangiti akong lumabas ng office na alam kong halos lagpas tenga na ang ngiti sa mga labi ko. Excited na akong umuwi ng barracks. Hindi lang pala excited. To the highest level ang excitement ko dahil makikita ko na ulit si Johan. Makakasama at makakakwentuhan ko na ulit siya. At kung hindi ko mapipigilan ang sarili ko, I might be hugging and kissing him. Potek! Ano ba yang iniisip mo, Richelle? Ang halay. Ang landi lang. Hahaha. Naalala ko tuloy yung gabi na natulog kami sa farm. Wala namang nangyaring rated SPG sa amin ni Johan noong natulog kami sa kwarto niya sa farm nina Sir Joe. After naming magstar gazing, magkulitan sa ilalim ng bilog na buwan at magpakagat sa sangkatutak na lamok na nagsawa na sa dugo namin ni Johan ay pumasok na kami sa kwarto niya. Halatang bagong linis ang kwarto niya. Bagong palit ang punda ng mga unan pati na ang bedsheet. Talagang pinaghandaan niya ang pagtulog namin doon. Noong una ay nagkakahiyaan pa kami ni Johan habang nakahiga kami sa kama niya. Pareho kaming nakatihayang nakahiga. May space sa gitna namin. Nagpapakiramdaman kami pareho kung yayakapin na niya ako. Hindi na ako nakatiis na tanging kuliglig lang ang naririnig ko kaya nauna na akong nagsalita. "Good night, Ka-MU ko. Matulog na tayo dahil maaga pa tayong uuwi sa barracks." Ani ko. "Good night din, Ka-MU ko." Tugon ni Johan at hinalikan niya ako sa pisngi. Mayamaya ay pasimple pa siyang nag-inat ng braso niya saka yumakap sa akin. Napangiti ako sa ginawa niya at ilang sandali pa ay tumagilid na din ako ng higa na nakaharap sa kanya. Kinuha ko ang isang braso nya saka ipinuwesto sa may ulunan ko para umunan ako doon at pagkatapos ay yumakap na din ako sa kanya. "Ok na po ba ang pwesto natin, Ka-MU ko?" Nakangiti kong tanong kay Johan. "Ok na ok, Ka-MU ko. Just what I have been imagining all this time." Masayang sagot sa akin ni Johan. "Thank you, Rich, for making me happy tonight." Saad pa niya. "Thank you din, Johan, sa mga first hand experience ko tonight." Ani ko at hinalikan ko siya sa labi niya. Hindi smack lang. Nagtagal din ng ilang sandali yung paghalik ko sa kanya. "Tulog na tayo." Ani ko ng ialis ko na ang mga labi ko sa pagkakahalik sa kanya. "Huwag na kaya akong magbakasyon. Ipaparebook ko na lang yung ticket ko until next year na magkasabay tayong uuwi." Ani ni Johan. "Ano ka ba? Hinihintay ka na ng Mama at Papa mo." Tugon ko. "Mamimiss nga kasi kita, Ka-MU ko." Giit ni Johan. "Babalik ka naman di ba. Andito pa rin naman ako sa isla sa pagbabalik mo. Hihintayin ko ang pagbalik mo, Ka-MU ko." Pag-aassure ko sa kanya. "Promise yan ha? Hihintayin mo ako. Walang magbabago. Ka-MU ko pa rin kita sa pagbabalik ko dito sa isla." Naniniguradong saad ni Johan. "Opo. Promise walang magbabago. Ako pa rin ang Ka-MU mo at ikaw pa din ang Ka- MU ko pagbalik mo dito sa isla. And promise din na pag nirenew ako ni Sir Joe eh sabay tayong uuwi sa next na pagbabakasyon mo." Nakangiti kong saad kay Johan. "Gusto ko yan. I love you so much, Rich. Mag-iingat ka dito habang wala ako." Saad ni Johan sa akin at mas hinigpitan pa niya ang pagkakayakap sa akin saka niya ako hinalikan sa noo ko. "Opo. Just enjoy your vacation. Huwag mo akong problemahin. Sabi mo nga, ibinilin mo ako kina Ate at kina Kuya. Inassure ka din naman nila di ba." Pagpapaalala ko kay Johan na tinanguan niya bilang tugon sa akin. "And I love you din nga po pala, Mr. Johan Buenaventura. I am taking the chance and the risk to be happy with you." Bulong ko pa sa kanya. "Yes!" Masayang sigaw ni Johan "Narinig ko din sa wakas." Aniya at mas hinigpitan pa niya lalo ang yakap niya sa akin. "See you in my dreams as we sleep, Ka-MU ko." Saad ni Johan at hinalikan niya ulit ako sa noo ko. ******** Mula sa pinto papunta sa grocery ay natanaw kong tila seryosong naguusap sina Ate Gemma, Ate Libay at Kuya Nitoy. Nang makita nila akong papalapit sa kanila ay tila nag-aalala at malungkot ang tingin nila sa akin na sobrang ipinagtaka ko. "Ate Libay, uuwi ka na po ba sa barracks? Sabay na po tayo. Mag-out na po ako." Nakangiti pa din akong saad kay Ate Libay. “Nasa barracks na po ba si Johan?” Hindi ko na napigilan ang sarili kong itanong kay Ate Libay. Si Uncle Borge kasi ni Johan ang susundo sa kanya sa airport. "Ah, Richelle, mag-usap muna tayo nina Ate Gemma mo at Kuya Nitoy mo bago ka umuwi ng barracks. Sasamahan pa kasi ni Ate Gemma mo si Ma'am Ancha sa padasal sa kabilang village. Saka may kailangan kang malaman muna bago kayo magkita ni Johan." Tugon ni Ate Libay na halatang may lungkot sa boses niya pati ang mga mata niya na tila puno ng pagaalalang nakatingin sa akin. "Ano po yun, Ate Libay? Nagkita na po kayo ni Johan? Ano po ang itsura niya? Tumaba po ba siya o pumayat? Marami po ba siyang pasalubong para sa atin?" Excited ko pa ring tanong kay Ate Libay. "Nakita na namin siya, Richelle. Nakausap na din namin siya. Andito siya kanina." Saad naman ni Ate Gemma. "Andito po siya kanina? Bakit hindi man lang po niya ako sinilip sa office? Ah siguro nung andito po si Sir Joe kanina nung pumunta siya." Tanong ko at sagot ko na din. Agad na lumapit sina Ate Gemma at Ate Libay sa akin. Nagulat ako dahil niyakap nila akong dalawa. "Pareng Nitoy, ikaw na nga ang magsabi kay Richelle. Hindi namin kaya ni Mareng Gemma na sabihin kay Richelle ang dapat niyang malaman tungkol kay Johan." Tila nakikiusap na saad ni Ate Libay kay Kuya Nitoy. Ang ipinagtataka ko ay naluluha sina Ate Gemma at Ate Libay habang nakayakap sa akin. "May problema po ba? May masama po bang nangyari kay Johan?" Nag-aalala ko nang tanong kina Ate at kay Kuya. "Richelle, wala namang masamang nangyari kay Johan pero may gusto lang kaming sabihin sayo ng mga Ate mo bago mo makita si Johan. May kailangan kang malaman at gusto naming handa ka na pati na ang loob mo bago pa kayo magkita at magkausap ni Johan." Malungkot ding tugon ni Kuya Nitoy. "Gusto naming sa amin mo unang malaman." Saad pa ni Kuya Nitoy na ikinakaba ko. "Ang alin po, Kuya Nitoy? Ano po ang dapat kong malaman?" Kinakabahan ko ng tanong kay Kuya Nitoy na malungkot din ang mga matang nakatingin sa akin. "Richelle, may asawa na si Johan. Ikinasal na siya a week ago bago siya bumalik dito sa isla." Malungkot na saad ni Kuya Nitoy. Para akong binagsakan ng langit at lupa sa narinig ko. Parang may kamay na lumamukos sa puso ko. Sobrang sakit. Ang sakit na marinig na ang taong mahal ko na mahigit isang buwan kong hinintay at pinanabikan ang pagbabalik dito sa isla ay pag-aari na pala ng iba. Na ang taong nagsabi na umaasa siya na magiging kami hanggang sa huli ay kailanma'y hindi na lalong magkakatotoo. Hindi na siya kailanman magiging akin. Hindi na rin ako magiging kanya. Ang sakit. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Gusto kong humagulgol ng iyak pero hindi pwede. Hindi pwede dahil wala naman akong karapatang masaktan. Wala akong karapatang masaktan dahil from the start ay ito naman ang gusto ko di ba. Ito ang gusto mong mangyari, Richelle. Magkasabay na sigaw sa akin ng utak ko at ng puso ko na parang durog na durog ngayon. Nagawa na ni Johan ang gusto ko. Nagawa na niya ang pangako niya. Nagawa na ni Johan na mahanap ang babaeng inilaan para sa kanya. Nagawa na niyang magmahal at magpakasal sa iba. Pinigilan kong umiyak kahit na gusto kong sumigaw dahil sa sakit na nararamdaman ko. Pinilit kong ngumiti kahit na nagdadalamhati ang puso ko. Pilit kong isinisiksik sa utak at puso ko na may mahal ng iba si Johan. May nagmamayari ng iba sa puso ni Johan. "Sus. Akala ko naman po kung ano na ang nangyari kay Johan." Ani ko. Pinilit kong maging masaya. "Bakit po kayo malungkot? Di po ba dapat na maging masaya po tayo para kay Johan kasi nakita na po niya yung inilaan ni Lord para sa kanya. Masaya po ako para kay Johan dahil yun naman po ang ginusto kong ipromise niya sa akin. Ang hanapin niya po sa pagbabakasyon niya yung The One for him. Masaya po akong tumupad siya sa pangako po niya sa akin." Dagdag ko pa. Sinubukan ko. Pinilit ko pero nabigo na akong itago ang totoong nararamdaman kong sakit at lungkot sa puso ko. Ipinagkanulo ako ng boses ko na tila nanginginig at ng mga luha kong hindi ko na napigilang pumatak. Tuluyan na akong umiyak. Umiiyak ako habang nakayakap ng mahigpit kina Ate Gemma at Ate Libay na tila humihingi ako sa kanila ng katatagan ng loob. Hindi naman ako nabigo dahil naramdaman kong mas humigpit ang yakap sa akin nina Ate Libay at Ate Gemma. Si Kuya Nitoy naman ay nakahawak sa balikat ko. Tila sinasabi nila na andito lang sila para sa akin. Na hindi ako magiisa sa kinakaharap kong katotohanan. *********
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD