"Ang ganda di ba?" Ani ni Johan. Nakatayo na siya sa tabi ko habang bitbit ang picnic basket na dala namin.
"Oo, sa sobrang ganda niya parang paraiso na siya. Grabe. Tama nga sina Ma'am at Sir. Worth it ang pagod nyo sa pagmaintain ng lugar na ito." Tugon ko kay Johan na nakangiting nakatingin sa akin.
"Teka magpicture muna tayo." Ani ni Johan.
"May camera kang dala?" Gulat kong saad.
"Oo." Ani ni Johan at kinuha niya yung camera na nasa picnic basket pala.
"Ipapaprint ko to pagdating na pagdating ko sa Pilipinas." Halatang excited na saad ni Johan habang tinitignan namin yung mga shots na kinunan namin kanina gamit ang digicam niya. May solo pics kami pareho at meron ding yung magkasama kami.
"Pahingi ng kopya ha." Paalala ko sa kanya.
"Oo naman, Ka-MU ko. Bibigyan kita ng copy lalo na yung magkasama tayo para hindi mo ako mamimiss pag nandito ako sa farm." Ani ni Johan.
"Tss. Oo na. Mamimiss na kita." Pag-amin ko na ikinangiti lang ni Johan. "Mamimiss kita habang nasa Pilipinas ka." Dagdag ko pa. Nakita kong mas napangiti si Johan sa sinabi ko.
"Dito ako madalas umupo sa hapon pag hindi ako nakakauwi sa barracks at namimiss kita." Saad ni Johan.
"Maniwala ako sayo." Tugon ko kahit na kinikilig ako sa sinabi niya.
"Oo nga, Ka-MU ko. Dito ako umuupo habang iniisip ka. Kung ano ang ginagawa mo sa kwarto mo. Kung nagmumukmok ka ba o nakaupo ka sa labas ng barracks at iniintay ang pagdating ko." Ani ni Johan at umupo na siya sa damuhan. Inabot niya ang kamay ko at marahan akong hinila para maupo na din ako sa tabi niya na ginawa ko naman. Umupo ako sa tabi niya. Hindi na binitawan ni Johan ang kamay ko. Hinayaan ko na din siya. Hindi ko na hinila ang kamay ko.
"Aba hindi mo yata hinila yung kamay mo, Ka-MU ko." Ani ni Johan sa akin na napansin pala niya na hindi ako nakipaghilahan ng kamay ko na hawak niya.
"Di ba ang sabi mo na kahit ngayon lang ay isipin natin na malaya ako at tayo ang inilaan para sa isa't isa, Ka-MU ko." Nakangiti kong pagpapaalala sa kanya at isinandig ko pa ang ulo ko sa balikat niya. "That is what I intend to do starting now. Ayaw mo ba?" Ani ko. Tinignan ko pa siya ng mata sa mata.
"Ang sarap pala talagang marinig na tawagin mo din akong Ka-MU ko. Dati iniimagine ko lang yung ganito pero ngayon nagkatotoo na na nakaupo tayo ngayon na magkatabi habang hawak ko ang kamay mo at nakasandig ka sa akin." Ani ni Johan. Isinandig niya ulit ang ulo ko sa balikat niya. "Salamat, Rich, dahil pinagbibigyan mo ako sa mga pakiusap ko sayo. Ang ganda ng pabaon mo sa akin." Malambing niyang saad.
"Salamat din, Johan, dahil sa araw araw ay ipinaparamdam mo sa akin na mahalaga ako sayo. Na espesyal ako at mahal mo ako." Tugon ko kay Johan. "Na pati sa mga kasamahan natin ay hindi ka nahiyang sabihin ang totoo tungkol sa nararamdaman mo para sa akin."
"Bakit ako mahihiya eh sa iyon naman ang totoo. Mahal kita, Rich. Mahal na mahal." Ani ni Johan at naramdaman kong hinalikan niya ako sa ulo ko na tinugunan ko ng pagpisil sa kamay niya.
"Ok lang ba sayo, kung dito tayo matulog ngayong gabi, Ka-MU ko? Bukas na lang tayo ng madaling araw bumalik sa village." Tanong sa akin ni Johan. "Ipinagpaalam ko naman kina Ate at kina Kuya na balak kong ayain ka na dito tayo matulog kung papayag ka."
"Pwede naman pero forget about the naughty thoughts, Mr. Buenaventura." Ani ko kay Johan. Itinaas ko pa ang ulo ko para tignan siya.
"Opo, Ms. Gonzales. Promise, I would not take advantage of you. Hanggang kiss lang." Ani ni Johan at nagcross my heart pa siya sa harap ko.
"Mabuti na yung malinaw ang usapan natin dahil baka kung saan pa tayo humantong." Saad ko. "Saan nga pala tayo matutulog?"
"Dyan sa gitnang cottage. May kwarto ako dyan. Nilinis ko kanina bago kita sinundo sa village. Nagready na ako in case na pumayag ka na matulog tayo dito." Tugon niya sabay turo sa cottage na nasa gitna.
"Si Kuya Leo nga pala andito ba?" Naalala kong tanong. Hindi ko pa kasi nakita si Kuya Leo simula ng dumating kami dito sa farm.
"Kasabay ko siyang bumaba sa village kanina. Nasa barracks siya. Tayo lang dalawa ang andito. Buti nga natapat na nasa Guam sina Sir at Ma'am pati na mga anak nila kaya walang iistorbo sa atin dito ngayon." Nakangising saad ni Johan.
"Yang ngisi mo, Johan. Mukhang iba ang iniisip mo. Remember your promise na hanggang kiss ka lang. Kiss lang sa pisngi ko." Pagpapaalala ko sa kanya.
"Pisngi mo? Wala naman akong sinabi na hanggang sa pisngi mo lang. Ang sabi ko hanggang kiss lang." Tila dismayadong saad ni Johan.
"Ako ang nagsabi ng kiss lang sa pisngi ko. Alangan namang puro yung gusto mo ang masusunod ha, Johan. No way." Madiin kong sagot kay Johan.
"Tss. Sige na. Sa pisngi kung sa pisngi. Ang mahalaga pumayag ka na makakasama kita ngayong magdamag dito sa farm. Sobra sobra na para sa akin yon." Saad niya. "Pero tabi tayong matutulog at pwede kitang yakapin habang natutulog tayo." Giit ni Johan.
"Ha?" Nagkunwari akong nagulat. Tinanguan ako ni Johan na tila sinasabi niya na hindi ako pwedeng huminde sa gusto niya na tabi kaming matutulog habang nakayakap siya sa akin. "Oo na. Yakap lang ha. Magbebehave yang kamay mo. As in yakap lang at hindi kung saan saan dadapo yang mga kamay mo." Nakataas ang isang kilay kong saad kay Johan.
"Oo yakap lang, Ka-MU ko." Ani ni Johan sabay halik sa pisngi ko.
"Johan!!!" Sigaw ko.
"Sa pisngi nga lang. Sumunod naman ako sa usapan di ba." Nakangising saad ni Johan.
"Ewan ko sayo." Nakairap kong tugon sa kanya kahit na kinikilig ako. "Saan nga pala tayo magluluto ng dinner natin?" Tanong ko ng maramdaman ko ang pagkalam ng sikmura ko. Hindi kasi ako nakapagmerienda kanina kaya nagugutom na ako.
"No need to cook, Ka-MU ko. May food na tayo." Ani ni Johan at inabot ang picnic basket na nasa tabi niya. Isa-isa niyang inilabas ang laman ng basket. "Nagpaluto ako kina Ate ng paborito mong adobong pusit, buttered hipon at ginataang langka saka kanin syempre" Saad niya habang inaalis ang takip ng mga tupperware na nasa harap namin.
"Wow! Very good, Ka-MU ko. Dahil dyan may reward ka sa akin." Saad ko at hinalikan ko siya sa labi niya. Smack lang naman.
"Kala ko ba sa pisngi lang?" Gulat na saad ni Johan.
"Ikaw sa pisngi lang. Pero ako, depende kung saan ko gusto. Saka smack lang naman yan. May angal?" Ani ko.
"Wala akong angal coz I love surprises. I might get luckier tonight." Nanunuksong saad ni Johan habang nakangisi sa akin.
"Dream on, Mr. Buenaventura dahil hanggang smack ka lang." Tugon ko sa kanya.
"A smack will do dahil at least may sweet memories akong babaunin sa pagbabakasyon ko at may i-lolook forward ako sa pagbabalik ko dito sa isla. One step at time ika nga, Ka-MU ko, until you'll be mine na forever." Nakangiting saad ni Johan na kitang-kita sa mga mata nya na punong-puno ng pag-asa na magiging kami hanggang sa huli.
"Whatever. Tara kumain na tayo." Aya ko kay Johan. Pilit kong itinatago ang kilig na nararamdaman ko habang pilit na iniiwasan yung lungkot at guilt feelings na nasa puso ko. Ayokong sirain ang magdamag na makakasama ko si Johan. Kahit na mali. Kahit na kasalanan man. Dahil sa magdamag na ito, pinili kong maging masaya ako kasama ang taong mahal ko. Bago siya umuwi ng Pilipinas kung saan magkakaroon siya ng pagkakataon na makilala ang babaeng totoong inilaan sa kanya.