Kabanata 5

2023 Words

Bagaman ilang minuto na ang nakalilipas simula nang tumuntong ang hatinggabi sa buong lalawigan ng Calamianan at ilang sandali ring nabalot ng liwanag ng fireworks show sa Kulyaw ang buong papawirin, pasasaan ba’t dahan-dahan ding nanumbalik sa isang masalimuot na karimlan ang buong probinsiya. Pagdaan ng matinding putukan, pailaw at ingay upang salubungin ang piyesta at sa panunumbalik ng bahaging ito ng lalawigan sa naturang karimlan at halumigmig ng hatinggabi, naging mapagbigay naman ang buwan at inilantad para sa lahat ng tagalupa ang kaakit-akit at tahimik na liwanag ng kaniyang kabilugan. Mula sa isang gilid ng bastiyong nasa silangang kanto ng kuta, nananatiling alisto’t mapagmatyag ang alkalde ng baryo Tagamingwit. Gamit ang isang largabistang namana pa niya sa kaniyang amang n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD