DAHIL nagkasakit siya ng ilang araw, na-delayed ang photoshoot ni Lia. Bukod doon ay hindi rin nakapasok ng opisina si Michael dahil ayaw siyang iwan nitong mag-isa. Minsan ay kinailangan nitong umalis dahil hindi puwedeng ipagpaliban ang meeting nito kasama ang mga foreign investors pero mahigpit siyang binibilin nito sa dalawa nilang kasambahay na todo din ang pag-aalaga sa kanya. Dalawang araw din siyang nagkasakit bago tuluyan gumaling. Agad silang bumalik sa ob-gyne niya para makasigurado na healthy pa rin ang baby nila kahit nagkasakit siya. Nakahinga sila ng maluwag nang sabihin ng doctor na wala silang dapat ipag-alala. Sa pagbalik niya sa trabaho, nag-prisinta si Michael na ihatid siya sa studio kung saan ang location ng kanyang photoshoot. “Anong oras m

