C2: Pananakot ng ama!

2351 Words
------ ***Third Person’s POV*** - Hindi na nagdalawang-isip si Yashir. Agad siyang nagpa-book ng flight papuntang Paris. Plano niyang sundan doon ang kasintahan niyang si Denise. Hindi talaga ito nagpapigil sa kanya—talagang sinunod nito ang gusto nitong pumunta ng Paris para tuparin ang pangarap nitong maging isang international model. Nakatanggap kasi si Denise ng offer mula sa isang malaking modelling agency sa Paris. He and Denise had been together since high school. They loved each other deeply. Denise was his first love, just as he was hers. Sila ang naging unang pag-ibig ng isa't isa, at sila rin ang naging tanging kasintahan ng bawat isa. Nang pumunta siya sa ibang bansa para mag-aral ng kolehiyo, sumama si Denise sa kanya. They are practically living together. Mahal na mahal niya ito, at kilalang-kilala na nila ang isa't isa. Para sa kanya, si Denise na ang babaeng gusto niyang makasama habang buhay. Nag-propose siya dito upang tuparin ang matagal na nilang pinapangarap, pero tinanggihan siya ni Denise. Hindi pa raw ito handa para maging maybahay. Gusto pa raw nitong abutin ang pangarap nitong maging international model, lalo na ngayong natanggap ito sa isang modelling agency sa Paris. He made Denise choose—her dream or him. But Denise chose her dream over him. Because of that, the two of them had a fight. Sa galit niya, nagpunta siya sa San Martin. Gusto niya lang sanang mag-alala si Denise sa kanya, at ma- realized nito na mas mahalaga siya kaysa pangarap nito. Pero dahil sa frustration, kung anu-ano ang nagawa niya sa San Martin. Nalaman kasi niya na itinuloy talaga ni Denise ang pagpunta sa Paris kaya naglasing siya ng sobra sa matinding frustration. After weeks of pride and holding back, he eventually realized just how much he loved Denise—and that he couldn’t bear to lose her. That’s why now, he was planning to follow her to Paris and make things right. Si Yashir ay bunso sa mga anak ng mag-asawang Savino at Saskia Montreal. Ang kanyang ina ay ang founder ng isang perfume company sa bansa. Dati itong CEO, ngunit ngayon ay ang kapatid na niyang si Yoona ang CEO ng 'MINE'. At ang nakakatanda na rin niyang kapatid na si Yohan ang CEO ng Montreal Airlines. Pareho nang may sariling pamilya ang dalawa niyang kapatid. Nawala noong anim na taong gulang si Yoona, at divorce na ito sa asawa nito nang natagpuan ito muli, sa bandang huli, nagkabalikan din ito at ang asawa nito. Ang naging asawa naman ng kanyang kuya Yohan ay si Brie, ang ampon ng kanilang mga magulang. Their parents had adopted after Yoona went missing, and Brie was the older sister he grew up with since he was just a baby when Yoona disappeared. He was happy that Yoona had returned to their family, and Brie truly became his sister when she married Yohan. Nang pumasok siya ng kolehiyo, pinasok ng kanyang ama ang financing business para ipamana sa kanya. Since Yoona has the perfume company of her mother and Yohan has the Montreal Airlines. Kaya nagbukas ng isang business ang kanilang ama na related sa interest niya. And his father are now wanted to transfer the management of SSMM Financing to him. His parents wanted to settle down in San Martin and focus on the farm. They said they were getting old and longed for a peaceful environment like San Martin. Pero sa ngayon, sasabihin lang muna niya sa ama niya na ipagpaliban ang pagpapasa ng pamumuno ng kompanya sa kanya. He decided to follow Denise to Paris first, work on their relationship, and be there for her, showing that he understood the importance of supporting her in pursuing her dreams. Nasa airport na si Yashir, nakapila na sa boarding gate, handang-handa na para sa flight niya. Hawak niya ang boarding pass, iniikot-ikot sa pagitan ng mga daliri habang iniisip ang mga bagay na iiwan muna niya. Pero bago pa siya tuluyang makaalis, tumunog ang cellphone niya. Nag-vibrate ito nang sunod-sunod, tila ba nagmamadali. Nang makita niya kung sino ang tumatawag, bumigat ang pakiramdam niya. Ang kanyang ama ang tumawag. Saglit siyang nag-atubili bago sinagot ang tawag. "Dad?" "Umuwi ka. Ngayon din." Mariin, walang pasubali ang tono ng ama niya. "Pero, dad, naka-check-in na ako—" "Umuwi ka, Yashir! Kung ayaw mong ipakaladkad kita ng mga guard diyan para lang makauwi ka dito sa mansyon." Mariin na sabi ng kanyang ama, na wala sa tonong nagbibiro. He let out a sigh, unable to comprehend it. He wasn't accustomed to being addressed that way by his father. And when he thought about it, he couldn't find any reason why he was being called so abruptly. Sa pagkakaalam niya ay nasa San Martin dapat ang mga magulang niya, pero bakit parang ang bilis nilang bumalik ng Maynila? At bakit kailangan pa siyang pauwiin ng kanyang ama? Wala siyang nagawa kundi ang sundin ang utos. Ang tono ng ama niya — puno ng galit, may halong bagay na hindi niya maipaliwanag — ay sapat na para hindi na siya makipagtalo. Isang oras ang lumipas nang nakarating siya sa mansyon. Naabutan niya ang kanyang mga magulang na nasa malawak na sala ng mansyon, magkatabi na nakupo ang mga ito sa sofa, at parang may pinag- uusapan na mahalaga ang dalawa. Napatingin siya sa kanyang mga magulang— ang ama niya, matigas ang panga at nanlilisik ang mga mata; ang ina niya, namumugto ang mga mata, halatang galing sa pag- iyak. Nang makita siya ng kanyang ama, mabilis itong tumayo. Hindi pa siya nakakareact nang isang matulis at malakas na suntok ang dumapo sa kanyang mukha. Napaatras siya, nadulas sa sahig sa lakas ng tama. Hindi niya napaghandaan ang gagawin ng kanyang ama kaya napuruhan talaga sya. "Dad—" Gulat niyang sambit, nanlaki ang mga mata. He was utterly confused. He didn't know what mistake he had made. At ganito na lang ito kagalit sa kanya. Galit na galit ang ama niya habang pasigaw na sinabi, "Ano bang pumapasok sa isip mo?! She is just seventeen years old! Pero ginalaw mo siya! Alam mo bang pwede kang makasuhan sa ginawa mo?" Nanlaki ang mga mata ni Yashir. Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. "Dad, ano pong ibig n'yong sabihin? Can you please explain of--- what the hell are you talking about." litong-lito niyang sabi. Mas lalo yatang nagalit ang ama niya. Ano ba talaga ang problema nito? "Nabuntis mo si Azalea! Ginalaw mo ang isang labing pitong taong gulang na bata! Twenty-six ka na! Ano sa tingin mo ang sasabihin ng mga tao?! Na isa kang mapagsamantalang tao. Na pati isang labing anim--- My God, Yashir!" frustrated na sambit ng ama niya. "I also met your mother when she was just 16, and fell in love with her but--- hindi ko inisip na gawin sa kanya ang bagay na yan dahil masyado pa syang bata. Pero ikaw---" Huminga ng malalim ang kanyang ama. "Paano? Paano mo nagawa kay Azalea ang bagay na yon?" Kumunot ang noo niya. Parang binagsakan siya ng langit at lupa, pero ang unang pumalo sa isip niya — sino si Azalea? "Who is Azalea? Who the f*ck is Azalea?!" sigaw niya, puno ng pagkalito. Lalong nag-alab ang mukha ng kanyang ama sa galit. Isa na namang suntok ang dumapo sa kanya. Napangiwi si Yashir habang nakahawak sa namumulang pisngi. Samantalang ang kanyang ina, halos mapatid ang hininga sa kaiiyak. "Savino, tama na! Huwag mong idaan sa init ng ulo! Puwede naman nating pag-usapan ito ng maayos," pagsusumamo ng kanyang ina. Nakahawak si Yashir sa gilid ng sofa, pinilit niyang tumayo. Huminga siya ng malalim, pilit pinapakalma ang sarili. "Dad, sino si Azalea?" muli niyang tanong, mas mariin ngayon, nanginginig sa galit at inis. Ngumisi ang kanyang ama, pero walang saya sa mga mata nito. "Hindi mo naalala?!" sigaw nito. "'Yung babaeng ginalaw mo nung nagbakasyon ka sa San Martin! Lasing na lasing ka daw! She is just seventeen for godsake! Now you got her pregnant!" Napapikit si Yashir, pilit inaalala ang nangyari. Oo, may nagalaw nga siyang babae. Pero binabalewala lang niya iyon--- hindi nga niya inalam kung sino ang babaeng iyon. Hindi na niya inalam pa kahit umiiyak ito. Sa isip niya noon, drama lang iyon ng babae. Hindi niya inaasahan na hahantong ito sa ganito. Buntis? Sa isang beses lang? Imposible. Hindi nga niya nabuntis si Denise kahit ilang taon silang nagsama. Pinilit niyang ayusin ang sarili. Diretso niyang hinarap ang ama niya. "Oo, may babae nga akong nagalaw," malamig ang boses niya. "Pero hindi ko alam kung sino siya. Hindi ko maalala. Lasing ako nun. Hindi ko alam ang ginagawa ko." Nanginginig sa galit ang ama niya. "'Yan lang?! 'Yan lang ang masasabi mo?! Hindi mo ba naiintindihan?! She is seventeen! Kung magreklamo ang pamilya niya, makukulong ka! Makukulong ka, Yashir! You---- it sounds like-- you r*pe her." Napaluha nang husto ang ina niya, halos hindi na makapagsalita. Gusto niyang itanggi. Gusto niyang ipagsigawan na hindi siya rap*st. Pero biglang bumalik sa isip niya na virgin pa ang babae, umiiyak pa ito, nagmamakaawang bitawan niya ito. Pero hindi siya nakikinig dito at ipinagpatuloy pa rin ang nais niya. Iba din kasi pag nalalasing siya ng sobra, makakagawa siya ng mga bagay na hindi niya kontrolado. Kaya nga iniiwasan niya ang maglasing ng sobra. May kasalanan nga siguro sya pero hindi siya papayag na gamitin siya ng kung sinumang babae. Hindi. Hinding-hindi. Hinarap niya ang kanyang ama at matigas ang tono niya. "Ano bang pinu-problema natin dito? Isa lang ang gusto ng mga tulad ng babaeng iyon. Pera. Makipag-negotiate kayo. Babayaran ko sila ng mga magulang niya para manahimik sila." Namutla sa galit ang kanyang ama. "Baliw ka ba?!" sigaw nito. "Yan lang ang plano? Hindi mo ba naririnig ang sinabi ko? Nabuntis mo ito. Ibig sabihin magkakaroon ka na ng anak dito. Ibig sabihin-- apo namin ng ina mo ang ipinagbubuntis ni Azalea. Isang Montreal." He still didn’t care. He wasn’t going to let his life be ruined because of one mistake. He would never allow his future to be destroyed because of a woman named Azalea. “How can you be so sure that I’m the father of the child Azalea’s carrying?” he asked, his tone challenging. Isang sampal ang bumagsak sa kanyang pisngi. Hindi suntok — mas masakit — dahil ang ina niya ang nanakit sa kanya. Sa gitna ng luha at sakit, nakita niya ang pinakamasakit: ang pagkadismaya sa mga mata ng kanyang ina. Hindi niya alam kung bakit, pero biglang bumigat ang dibdib niya. Hindi niya pinansin iyon. Hindi ngayon. Hindi siya maaaring talunin ng emosyon. Humugot siya ng hangin, tumuwid ng tayo. Walang pakialam. "Fine," sabi niya, malamig ang bawat salita. "Ipagpalagay natin na akin nga ang batang iyon. Kaya nga gawin na lang natin sapat ang bayad sa pamilya nila. Then, paalisin natin sila sa San Martin. Sa ibang lugar sila magsimula ng panibagong buhay. I don't want to see them. At mas lalong ayaw kong makita pa sila ni Denise at malaman ang tungkol dito." Hindi na niya natuloy ang sasabihin. Sapagkat bago pa man niya matapos ang pangungusap, isang mabigat na suntok na naman ang tumama sa kanya — mas mabigat, mas masakit, mas puno ng galit. Nanlilisik ang mga mata ng kanyang ama, tila ba sa isang titig pa lamang ay gusto na siyang saksakin. Ramdam ni Yashir ang bigat ng bawat segundo sa ilalim ng matalim nitong tingin. Mabigat siyang napabuntong-hininga, pinipigil ang sariling hindi sumabog. Ngunit paano niya mapipigil ang galit na unti-unti na ring bumabalot sa kanya? Isang beses lang naman siyang nagkamali. "Ano bang gusto mong gawin ko?" singhal niya, pilit na ikinukubli ang pag-init ng kanyang ulo. "Hindi ko sinasadya ang nangyari at wala na akong naisip na posibleng solusyon kundi ang bigyan ng pera ang mga mukhang pera na iyon." Sa isang iglap, naramdaman niya ang bahagyang pagkalma ng kanyang ama. Saka ito nagsalita na may diin. "Nakagawa ka ng pagkakamali," malamig ngunit matatag ang tinig nito, "harapin mo ito, gawin mo ang tama. Ayaw kong may isang Montreal na lumaking hindi Montreal. Ayaw kong magkaroon ng bastardong apo. Kaya alam muna ang dapat mong gawin." Nanlaki ang mga mata ni Yashir. Tuluyang sumabog ang kanina'y kinikimkim niyang galit. "So, what are you going to say? Na kailangan kong panindigan ang babaeng iyon? Na kailangan kong pakasalan ang babaeng iyon?!" Umigting ang panga niya sa galit. "I don't even know that woman! Are you crazy, Dad? You want to trap me in a marriage when I don't even know if I'll like my wife?" Hindi natinag ang kanyang ama. Mariin itong sumagot, malamig ngunit matalim na parang punyal sa bawat salita. "Baliw na kung baliw. Sinira mo ang buhay ni Azalea, kasalanan mo ang nangyari kaya harapin mo ito. Pakasalan mo siya dahil ayaw kong maging kawawa ang apo ko. Pakakasalan mo siya ngayon, sa harap ng lahat ng tauhan sa farm kahit 17 pa siya, sisiguraduhin kong maging legal ang kasal niyong dalawa. Ayaw kong may masabi ang mga tauhan ko sa farm na hinayaan ka lang naming gumawa ng kalapastanganan na hindi mo pinanindigan." Parang apoy na dinaluyan ng gasolina ang naramdaman ni Yashir sa narinig. "No! Never!" sigaw niya, halos sumabog ang ugat sa leeg. "Hindi ako pakakasal sa babaeng sinabi mong Azalea!" Ngunit kung gaano siya katindi sa pagtutol, ganoon din katatag ang paninindigan ng kanyang ama. "Whether you like it or not," mariin nitong sabi, "pakakasalan mo si Azalea. Pagbayaran mo ang ginawa mo sa kanya. Dahil pag hindi mo yan gagawin, kalimutan mo nang isa kang Montreal. I will ask our family to disown you. And you know that if an innocent Montreal gets involved, they won’t hesitate to do what I ask." Nakuyom ni Yashir ang kamao. Hindi siya halos makapaniwala sa narinig sa ama. Talaga bang gagawin nito ang sinabi nito para lang sa isang probinsyana na mukhang pera? "Kaya mamili ka," mariin pang dagdag ng kanyang ama, "at isipin mong mabuti ang magiging desisyon mo kung ayaw mong mawala lahat ng tinatamasa mo ngayon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD