-------- ***Azalea's POV*** - Dumating na rin ang araw na pinaka-kinatatakutan ko—ang araw ng aking kasal kay Yashir. Simple lang ang seremonya, ngunit maganda ang ayos ng paligid. Masinop at elegante ang mga palamuti— para sa lahat ng kasalan na nasaksihan ko, sa tingin ko magarbo na ito. Ang mga bulaklak ay makukulay at sariwa, ang mga lamesa'y inayos nang may alinsunod na tema, at may isang altar na sinadyang ipagawa. Noong una, iilang tauhan lang mula sa farm ang imbitado. Tahimik at pribado sanang kasalan ito. Pero kahapon lang, biglaang inanunsyo ni Yashir na imbitado na rin ang lahat ng nagtatrabaho sa farm ng kanilang pamilya. Hindi ko alam kung ano ang intensyon niya sa biglang pagbabagong iyon, pero lalong nadagdagan ang kaba at tensyong bumabalot sa akin mula pa noong nagi

