------ ***Third Person’s POV*** - "Ayaw ko noong maghiwalay kayo. Noon, ang tanging hiling ko lang ay piliin mo kami ni Mommy. Pero dahil sa kagustuhan kong iyon, si Mommy ang siyang nasaktan." Parang tinusok ang puso niya ng libo-libong aspile sa sakit ng mga salitang narinig mula sa kanyang anak. Hindi niya inakalang ganoon kalalim ang sugat na naidulot niya sa anak niya sa batang edad nito. "Ayaw ko nang bumalik sa panahong lihim kong nakikitang umiiyak si Mommy. Ayaw ko nang masaksihan siyang muling nasasaktan dahil sa’yo, Daddy. Sa edad kong ito, malinaw na sa akin kung gaano mo siya winasak." Napalunok siya. Napaatras ng bahagya, tila sinuntok siya sa sikmura ng bigat ng katotohanang kasalukuyan niyang kinakaharap. Apat na taon na ang lumipas, ngunit sa kabila ng paglipas ng

