-------- ***Third Person’s POV*** - “Good afternoon to all of you,” panimula ni Azalea sa kanyang talumpati. Kakabukas pa lang ng State University na matagal na niyang pinangarap itayo sa San Martin mula pa noong bata siya. Kumpleto na ang lahat ng legal na kinakailangan para sa pamamahala ng paaralan, at sa darating na school year ay magsisimula na ang unang taon ng operasyon nito—ang pagpasok ng kauna-unahang batch ng mga estudyante. Pinagmasdan niya ang mga taong nasa harapan niya. Labis ang kanyang pagmamalaki sa sarili. Hindi man niya naipagpatuloy ang pangarap na maging guro, hindi rin niya tinalikuran ang hangaring maging bahagi ng buhay ng mga estudyante, kahit sa simpleng paraan. Karamihan sa mga naroon ay mga graduating senior high school students mula sa iba’t ibang paaral

