Bigla siyang bumangon at saka hinampas ng kamay ang kama. “Nakakainis talaga!” “Sino? Si JM?” tanong ni Sofie na naghahandang mag-shower. “Hindi. Si Amira. Mahilig siyang umeksena. Alam naman niyang ako ang mag-aalaga kay JM pero ipinagsisiksikan pa rin niya ang sarili niya. Gusto pa ring pumapel. Naku! Kung ipagtabuyan tayo kanina akala mo asawa siya ni JM.” Natawa si Sofie. “Kanina lang nanggagalaiti ka kay JM. Ngayon naman gusto mong career-in ang pag-aalaga sa kanya. Hindi kaya nagseselos ka lang kay Amira dahil close sila?” “Ano?” Namaywang siya. “At bakit naman ako magseselos? I had just met the guy. Ni hindi ko nga siya kilalang mabuti…” “But he is a good man. Ang tipo na papangarapin ng kahit sinong babae. Guwapo pa at hot na hot ang body…” Matalim niya itong tiningnan. “Baki

