Nang muling idilat ni JM ang mga mata ay handa na ang puso ni Heart. Nakaparada na sila sa harap ng resort noon. Kontrolado na niya ang nararamdaman niya. Kahit ngiti-ngitian o titigan pa siya nito ay wala na itong epekto sa kanya. “Kanina pa ba tayo dito?” tanong nito sa kanya. “Hindi. Kadarating lang natin,” sabi niya at binuksan ni Badong ang pinto. Inalalayan nitong bumaba si JM pero maagap naman siyang tumayo sa tabi ni JM. Tutol man siya sa kondisyon para makabayad siya, pakiramdam naman niya ay sa tabi nito dapat ang lugar niya. “Sa palagay ko dapat sa ospital ka pa rin tumuloy,” sabi ni Badong. “Pupunta naman ako ng ospital bukas. Bukol lang meron ako. Huwag ka nang mag-alala,” sabi ni JM at mag-isa na itong naglakad para patunayan na wala na itong masamang nararamdaman. Papa

