“Excuse me lang po. Pwede bang makausap ko sandali ang kaibigan ko?” tanong ni Sofie at hinila siya palabas ng opisina ng hepe. “Bakit kailangan pang ako mag-alaga sa lalaking iyon?” nakapamaywang niyang tanong. “Kaysa naman magbayad tayo ng nurse sa pagpapagamot sa kanya. Saka ikaw itong humampas sa ulo niya. Saka alam mo ba kung magkano ang magiging bill niyan ospital kung saka-sakali? Heart, di iyon kakayanin ng sweldo mo.” Sinabunutan niya ang sarili. Ano bang problema ang pinasok niya? “Gaano katagal natin siyang kailangang alagaan?” “Isang buwan.” “Ha? Isang buwan akong matetengga sa liblib na lugar na ito?” “Oy! May internet naman dito. Sa katunayan may wifi nga sila nang subukan kong mag-access kanina,” depensa nito. “Sofie!” sigaw niya sa tainga nito. “Isipin mo nga kung a

