NAMAMALUKTOT sa katre ng kulungan si Heart. Pakiramdam niya ay tumanda siya ng sampung taon. Kaaalis lang ng grupo ng matatandang magsasaka ng supporters pala ni JM. Galit ang mga ito dahil sinaktan niya si JM. Kumalat ang kwento na gusto niyang pagsamantalahan si JM. Desperada at masamang babae ang tingin sa kanya ng mga ito. Ganito pala ang pakiramdam ng mga naaakusahan sa krimeng di ginawa lalo na't malakas ang impluwensiya ng kalaban niya. Maaring di siya kasing bait ni JM. Di siya mapagkawanggawa pero di rin siya masamang tao. Wala pa siyang naapakang tao. "Miss, malaya ka na," untag sa kanya ng pulis. Marahan siyang bumangon dahil di pa rin siya makapaniwala sa narinig. "Malaya na ako?" "Oo. Naghihintay na sa labas ang kaibigan mo, Miss. Salamat sa pagdalaw, Miss." Lutang pa r

