“May rapist dito sa loob. Napatumba ko na siya,” aniya at dali-daling binuksan ang pinto. “Damputin na ninyo siya at gusto ko makulong siya habambuhay. Di dapat gumagala sa mundo ang mga manyak na tulad niya.” Grabe talaga sa panahong ito. Guwapo na nga ay manyak pa rin. Samantalang ang alam nga niya ay mga guwapo ang pinagkakaguluhan ng mga kababaihan at bading. Ano na bang nangyayari sa mundo? “Ma’am, pasensiya na po kayo,” sabi ng female staff na ang pangalan ay Amira. “Di po talaga namin alam kung anong nangyari. Mababait po ang mga tao dito. Wala pong magtatangkang pumasok dito sa resort nang walang paalam at lalong di po sila basta-basta papasok sa kuwarto ng mga guest.” “E sino pala ‘yung manyak na iyon?” “M-Ma’am, sigurado po kayong manyak s-siya?” tanong ng guard. “Oo naman

