DILAT na dilat si Heart pagpatak ng alas onse y media ng gabi. Namamahay siya. Kung isang gabi pa nga lang ay di na siya makakatulog doon, paano pa siya tatagal ng isang buwan? Himbing na himbing sa pagtulog si Sofie sa kabilang kama. Sa nakikita niya ay ine-enjoy nito ang bakasyon. Nakipag-kwentuhan na kasi ito sa mga staff at mga local kanina bago siya matulog. Iyon ang paraan nito para mabura daw ang masamang impresyon sa kanila ng mga tagadoon. Sumilip siya sa labas. Walang tao. Sa di kalayuan ay tanaw niya ang dagat na mistulang pilak dahil sa repleksiyon ng buwan. Di rin naman siya aantukin kaya maglalakad-lakad na lang siya o kaya ay tutunganga sa dagat para magpaantok. Dumampot siya ng sachet ng instant milk tea sa mga baon ni Sofie. Bitbit ang metal tumbler niya ay lumabas si

