JM’s room was homey and welcoming. Nakabukas nang bahagya ang capiz nitong bintana kaya hindi masyadong malamig. May four-poster bed sa gitna ng silid na bahagyang magulo. Bigla siyang naging alerto at iginala ang paningin. Naghanap siya ng bakas kung may babae itong kasama. Baka may naiwang damit sa paligid. Pati nga ilalim ng kama, ang banyo at ang aparador ay gusto din niyang usisain. “Nasaan kaya iyon?” tanong niya. “Nandito ang laptop ko,” anito at nakangiting itinuro ang naka-on na laptop na di kalayuan sa kama nito. Saka lang niya naalala kung anong pakay niya. Nandoon siya para tulungan ito sa trabaho nito. Hindi para alamin kung may kasama itong babae doon o wala. Naka-open sa Microsoft Excel ang program nito at naroon ang mga expenses at kita nito para sa nakaraang buwan. “I

