Inilapag ni JM ang gamot sa platito. “Iinom ako. Pinapakiramdaman ko lang…” Gusto pa nitong magpalusot kahit na huli na niya ang kahinaan nito. “Huwag ka nang makiramdam. Kaya sumasakit pa rin ‘yang ulo mo dahil di mo iniinom ang gamot mo.” Dinampot niya ang tableta sa platito. “Gusto mo yata pwersahin pa kitang uminom.” Itinulak nito ang paa sa sahig kaya gumulong palayo sa kanya ang inuupuan nitong swivel chair. “No, no, kaya ko na iyan.” “Kung kaya mo na, bakit lumalayo ka.” Pinigilan ng isang kamay niya ang swivel chair at kumandong dito. “Hindi ka na makakatakas sa akin.” Inilapit niya ang gamot sa labi nito. “Say aaaahhhh.” Pinigilan nito ang kamay niya. “Hindi na ako bata…” Mabilis niyang iniiwas ang kamay dito. “Daig ka pa nga ng mga bata,” natatawa niyang sabi. Hinuli niya an

