As requested, I will post other Hot Intruder stories here. Blurb: Nagbakasyon si Heart sa bayan ng Aurora para huwag makita ang ex-boyfriend niya na nagpakasal sa babaeng kinaiinisan niya. Pagkakataon na rin niya iyon upang makasagap ng sariwang hangin at bumalik ang mood niya sa pagsusulat. Subalit habang nagbababad sa Jacuzzi ay nakatulog siya. Pagdilat ng mga mata niya ay nakatunghay sa kanya ang pinakaguwapong lalaking nakita niya… at gusto siya nitong pagsamantalahan. Lumaban siya at dinepensahan ang sarili para sa huli ay mapagbintangan pang siya ang gustong magsamantala dito. Natagpuan na lang niya ang sarili na nakakulong dahil kay JM De Guzman, ang maniac na may-ari ng resort kung saan siya tumutuloy. CHAPTER ONE Humihingal si Heart habang hila-hila ang luggage bag niya paak

