Paulit-ulit pa niya iyong pinihit. Pati ang isang knob na di niya alam kung para saan ay pinihit na rin niya para gumana. “Binuhusan mo na ba ng tubig?” tanong nito. Sinunod niya ang instruction ni Sofie na buhusan ng scented water ang heated stones para umusok. Isang mahinang hissss lang ang narinig niya at bahagyang usok lang ang lumabas. Pinihit niya ang knob sa mas mataas na numero pero ilang minuto na siyang nakatitig doon ay di pa rin umiinit. Ni hindi na nag-evaporate ang tubig. Mas matindi pa ang tagaktak ng pawis niya sa inip kaysa sa usok ng sauna. Kinatok ni Sofie ang pinto. “Hearty, nag-e-enjoy ka na ba diyan?” “Sofie, tingnan mo nga. May sira ata ‘tong sauna machine nila. Hindi umiinit,” angal niya at binuksan ang pinto. Pumasok ito at pinihit-pihit ang knob ng sauna mac

