Palinga-linga si Alondra sa likuran ng sasakyan kung saan nakapikit nang mariin si Micah. Mula nang umalis sila sa presinto ay tumahimik na ito. Saka lang niya napansin na mukhang pagod na pagod nga ito. Katabi niya si Tracy na siyang nagmamaneho at kausap ang asawa nito sa kabilang linya. “Uuwi na ako. Ihahatid ko lang si Micah sa condo. Yes. Everything is okay. Ikaw na muna ang bahala kay Nikka. Maglalambing talaga iyan dahil tinutubuan ng ngipin. Huwag kang mataranta. I will be home soon.” "Ma'am, pasensiya na po sa abala. Di ko naman alam na may sakit pala ang anak ninyo. Naabala ko pa po kayo." "That's okay. Tama lang 'yung ginawa mo dahil responsibilidad kita. Ako ang nagpatira sa 'yo sa condo. Kung anuman ang mangyari sa 'yo, sagot kita." Huminga siya ng malalim nang maalala a

