Chapter 3

1033 Words
CHAPTER THREE DESIREE Kinuha ko ang aking cellphone at kaagad tumawag kay Mama para ipagbigay alam ba dumiritso na ako sa trabaho. Gahol na ako sa oras—kung uuwi pa ako, siguradong male-late na ako. Kahit masakit ang aking kaliwang paa dahil sa pagkakasabit ko kanina sa pagbaba sa jeep, pinilit kong maglakad. Walang hiya 'yung driver. Hindi pa ako tuluyang nakababa, pinaandar na agad ang jeep! Ang hirap tuloy ihakbang ng mga paa ko—bukod sa masakit, mahigpit pa ang pagkaka-fit ng suot kong pencil skirt. Uniform namin ito sa eskwela. "Kung minamalas ka nga naman talaga," himutok ko sa sarili. Huminga ako nang malalim at pinilit kalmahin ang sarili. Hindi puwedeng magpaka-stress. "Kalma lang, Desiree. Madali kang tatanda niyan. Kaya smile lang, ha?" bulong ko pa habang inaayos ang buhok kong ginulo ng hangin habang nasa jeep. Humugot ako ng malalim na buntong-hininga bago nagpatuloy sa paglalakad. Bingi siguro 'yung driver kanina—hindi man lang narinig ang sigaw ko ng "para". Kaya heto ako ngayon, lumampas pa talaga. Parang sinabuyan ako ng buong timba ng kamalasan ngayong araw. Kung hindi lang ako magkakasala sarap ipatumba ng driver na ’yon. Sinilip ko ang lumang Hello Kitty na relo sa pulso ko—regalo pa ni Mama noong nagtapos ako ng elementarya. Nanlaki ang aking mga mata—limang minuto na lang at late na ako! Kahit masakit, pinilit ko nang tumakbo. Tutal tanaw ko naman ang shop. Nang malapit na ako, may lalaki ring papasok. Inunahan ko na siya. "Hep, hep. Pasensiya na po, kuya. Mauna na po ako!" sabi ko, sabay bigay ng matamis na ngiti at peace sign. Tinulak ko ang pinto para makapasok, pero bago pa ako tuluyang makapasok, may humablot sa aking kaliwang braso Paglingon ko, isang lalaking may madilim ang ekspresyon ang bumungad sa akin. Napanganga ako—ang guwapo! Matangos ang ilong, makapal ang kilay, at may mapupungay na kulay-brown na mga mata. Ang labi niya’y manipis at mapula—tila ako nakakita ng kawangis ni Nick Carter ng Street Boys! Tila may limang milyong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa aking katawan. Ang puso ko, parang uminom ng sampung tasa ng kape dahil sa lakas na pagkabog nito. Nakalimutan ko tuloy ang aking pagmamadali. Pero kaagad akong nahimasmasan na tila ba bigla akong binuhusan ng malamig na tubig—daig ko pa ang sumali sa ice bucket challenge! Napaupo ako sa malamig na semento. Tinulak niya ako! Mabuti na lang at hindi ako napabukaka—pencil skirt pa naman 'to! At hindi ko pa nasapawan ng shorts ang panty ko—tiyak kita ang kayamanan ko! "Tsssk. Don’t block my way, bansot!" asik ng lalaki. Napasingkit ang mga mata ko. “Hoy! Oo na, bansot na ako! Pero hindi mo na kailangang ipagsigawan pa!” Hindi na niya ako pinansin. Tuluyan siyang pumasok sa coffee shop. Ang bastos! Ang sarap lagyan ng bomba ng bunganga! “A-aray ko po, Inay... ang sakit ng puwit ko!” Halos maiyak ako. Baka nadislocate na ang spinal cord ko. Guwapo nga siya, pero walang modo. Wala akong magagawa kundi tumayo. Paika-ika akong naglakad pa-loob. “Hay... ang buhay parang life,” bulong ko habang pinipilit ngumiti. Pagpasok ko sa shop, hindi ko na siya nakita. Saan kaya nagtungo 'yon? Pero bahala siya sa buhay niya. Ayoko na siyang makita. Tataas lang BP ko! Naglakad ako papunta sa locker room. Tinuro na ni Sir Lexus ang mga dapat gawin at may isa pa raw akong kasamang staff. Paglabas ko ng locker room, bumungad sa akin ang isang babae. Mukhang kaedad ko lang. “Hi, ako nga pala si Desiree. Bago lang ako,” bati ko. “Naku! Hinahanap ka kanina ni Sir Vladi. Mukhang masama ang timpla. Punta ka na—nasa office niya siya.” Napakagat ako sa labi. Ito na nga ba ang sinasabi ko! “Salamat,” sabi ko habang kabado kong tinungo ang opisina. Tatlong marahang katok ang ginawa ko. “Come in!” Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Nakatuon ang paningin ng lalaki sa laptop. Hindi ko pa kita ang mukha niya. Bubuka pa lang sana ako ng bibig nang unahan niya ako. “Ano? Tutunganga ka lang ba diyan?” boses niyang kulob pero nakakayanig ng laman. Napatalon ako sa gulat. Nang mag-angat siya ng ulo, nanlaki ang mata ko. Siya?! Ang bastos kanina? Siya ang boss?! ‘OMG! Siya ang boss ko?!’ Gusto kong matunaw sa kinatatayuan ko. "So ikaw pala ang bagong hire ni Lexus?" malamig at seryoso ang tono niya. Pinilit kong maging pormal kahit gusto ko siyang batukan. “Opo, ako nga, Sir,” medyo matigas ang boses ko—hindi ko mapigilan ang inis. “Sinabi ba niya sa iyo ang mga patakaran ko?” Hindi pa ako nakasagot nang dumagdag siya. “Hindi ko gusto ang late, mabagal, at lalong hindi ko gusto ang clumsy!” Napasingkit ulit ang mga mata ko. Aba, ako pa ang clumsy? “Mawalang galang na po, Sir. Hindi po ako clumsy. Ikaw kaya ang nagtulak sa akin kaya ako bumagsak! At hindi ko ugali ang ma-late. Kaya ‘wag kayong mag-alala.” "So puwes, patunayan mo. Dahil kung hindi, I won't hesitate to fire you." “Fire agad, Sir? Wala man lang warning? Ang harsh n’yo naman!” ngising-ngisi kong sagot. Mas lalo siyang nainis. "Enough! Lumabas ka na! Bago pa ako mawalan ng pasensiya sa ‘yo!" “Bakit Sir? Anong gagawin n’yo sa akin? Naku, Sir, ‘wag masyadong magalit. Sige ka... tatanda ka n’yan.” “Sabi ko, labas! No one talks to me like that!” Lumabas na ang litid niya sa leeg. Daig pa si Satanas kung magalit. “You know what? Umuwi ka na lang. I don’t want dumb girls around me.” Napahawak ako sa dibdib sa lakas ng paghampas niya sa mesa. “Eto na po, lalabas na po,” bulong ko, sabay talikod. Kung ano ang guwapo ng mukha niya, siya ring pangit ng ugali! “Tse. Guwapo sana, kaso may sa demonyo,” bulong ko. “May sinasabi ka?” Woah! May pang-demonyo nga! Narinig niya! Umiling na lang ako nang mabilis at tuluyan nang lumabas ng opisina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD