Steven Reyes (POV)
“Sh*t! ang bigat talaga ng kamay niya.” Hinaplos ko ang bahagi ng aking ulo na binatukan nito.
Gusto kong suntukin ang gunggong na Christian ng gabing magtapat ito kay Jana.
Kitang-kita kong gusto rin siya ni Jana dahil hindi ito lumayo nang yakapin siya ng g*nggong na si Christian.
Hindi man lang iniwasan ng dalaga ang yakap nito bagkus ay parang mas nagustuhan pa nga niya.
Gusto kong magwala ng mga sandaling iyon pero pinigilan ako ni Bryan.
"Uwi na tayo, Pre!" Aya ni Bryan sa'kin.
Tumalikod ako at malalaki ang mga hakbang na umalis sa lugar na 'yon. Nagpunta kami sa pinakamalapit na bar at sa alak ko ibinuhos ang lahat ng inis ko sa gunggong na Christian na 'yon pati na rin kay Jana.
"Bakit ba kasi hindi ka pa magtapat kay Jana, Pre?” tanong ni Bryan sa'kin.
“Nahihiya ako, Pre,” sagot ko naman sa kaniya.
“Ul*l! Kailan pa nagkaroon ng hiya sa babae ang isang Steven Reyes?” natatawang asar nito sa'kin.
Pinukol ko siya ng masamang tingin at lalo lamang akong tinawanan ng g*go. Pero, kung iisipin ay totoo naman ang sinabi nito. Bakit nga ba ako mahihiya kay Jana gayong ang mga babae ang nagkakandarapa sa paghahabol sa'kin.
Nilunod ko ang sarili sa pag-inom ng alak kung kaya't lasing na lasing akong nakauwi ng bahay dahilan para sermunan ako ng husto ni Mommy.
Iniwasan kong pumunta ng campus para maiwasan si Jana.
Ngunit nakiusap naman ngayon si Tito sa'kin na pumalit muna sa kaniya sa pagko-coach, kaya heto ako ngayon sa campus!
Napansin ko sina Lyn at Ice malapit sa gym. Bahagya akong nagtago sa may likod ng pader malapit sa kinaroroonan nila at pinakinggan ang kanilang pinag-uusapan.
“May escort ka na ba sa gradball?” tanong ni Ice kay Lyn.
"Wala pa nga eh,” tugon naman ni Lyn dito.
"Buti pa si Jana siguradong may escort na,” nakalabing sabi ni Ice.
“Hindi naman niya pwedeng maging escort ‘yon si Christian. Hindi naman estudyante ‘yon dito kaya hindi rin 'yon makakapasok,” sagot naman ni Lyn.
“Hindi nga! Pero tiyak naman na si Papa Steven na ang magiging escort ‘non,” kinikilig na wika ni Ice.
Napangiti naman ako sa sinabi nito.
"Hindi ko naman nakikita na rito si Steven. Feeling ko nga nagselos talaga 'yon sa ginawa ni Christian no'ng concert," komento naman ni Lyn.
"Ang haba talaga ng hair ni Jana! Pinag-aagawan ng mga boys!" natitilihang sabi ni Ice.
"Ay ewan! Malaki na 'yan si Jana, kaya niya nang magdesisyon para sa sarili niya,” mataray na sagot naman ni Lyn dito.
“Pero naaawa rin ako sa friend nating ‘yan, ang haba-haba kasi ng hair!” Nagtawanan ang dalawang dalaga saka nag-high five pa.
"Puntahan na nga natin si Jana, sa cafeteria nang makakain na rin." Aya ni Lyn kay Ice.
Dahan-dahan akong umalis sa aking pinagtataguan at umikot sa kabilang daan para 'di ko makasabay sina Lyn at Ice patungo sa may cafeteria.
Tamang-tamang nadaanan ko sina Bryan, Alex at Jack, kaya inaya ko ang mga 'to patungo ng cafeteria.
"Ililibre mo ba kami, Pre?" paniniyak na tanong ni Jack sa'kin.
"Oo!" tipid kong sagot sa kaniya.
Humakbang na ako papunta sa cafeteria. Nang nasa pintuan na kami ay agad hinanap ng aking mga mata si Jana at ang mga kaibigan nito.
Nakita ko sila sa tapat ng kahera at mukhang nagbabayad na ang mga 'to kaya mabilis akong lumapit sa kinaroroonan nila.
“Hi Lyn, meron ka na bang escort sa grad ball?” tanong ko kay Lyn.
“Wala pa nga eh! Ewan ko lang ‘tong si Jana kung meron na.” Pasimpleng itinuro nito si Jana.
“Malamang meron ng escort ‘yan! Tayong dalawa na lang mag-partner sunduin kita sa inyo,” nang-aasar kong sabi.
Humarap sa akin si Jana at nginisihan ko 'to. Sandamakmak na irap ang pinaulan sa'kin nito saka tinapunan ako nang masamang tingin.
Tumalikod ito sa'kin at mabilis na lumayo sa amin.
“Wala pang escort ‘yon kaya siya na lang ang alukin mong maging partner." sabi ni Lyn.
"Sundan mo na siya, Papa Steven!” susog naman ni Ice.
Nginitian ko ang mga ito bilang pasasalamat.
“Pwede bang ako na lang ang escort mo?” tanong ni Bryan kay Lyn.
Kinantiyawan nina Jake at Ice ang dalawa kung kaya't pulang-pula na rin ang mga pisngi ni Lyn.
Nagpaalam na ako sa kanila at sinundan ko si Jana.
Naabutan ko itong papasok sa loob ng library, kaya dahan-dahan na akong naglakad palapit sa kaniya.
Abala ito sa pagbabasa ng librong hiniram at hindi man lang ako napansin nito.
Umupo ako sa kaniyang tabi ngunit ‘di man lang ito nag-abalang tingnan ako.
“Grabe naman magbasa ‘to, walang pakialam sa paligid” paanas kong bulong sa isip.
Ayokong abalahin ito sa kaniyang pagbabasa kung kaya't nakuntento akong titigan ang maamo niyang mukha.
“Sh*t! Ang ganda talaga niya!” bulong ko pa sa sarili.
Dumako ang aking paningin sa kaniyang mga labi at para akong nahihipnotismong tinatawag niyon ngunit nagpigil ako.
Muli akong tumingin sa kaniyang mukha ngunit 'di ako nakatiis na halikan ito sa kaniyang pisngi.
“Ano ka ba? Ba't ka ba nanghahalik?” asik niya sa'kin.
“I miss you!” nakangising saad ko sa kaniya.
Dumapo ang kamay nito sa ulo ko at binatukan niya ako!
Nang makalayo na ito sa'kin ay lumingon pa siya at binelatan ako bago ito tuluyang lumabas ng pintuan ng library.
"Ako ang magiging escort mo sa grad ball!" ani ko sa aking isipan.
--------
Pasipol-sipol akong pumasok ng gym at nakita kong mga nakamata sa akin ang grupo.
Nginitian ko ang mga ito at nakipag-appear ako isa-isa sa kanila.
“Mukhang good mood tayo ngayon Pre ah.” Inakbayan ako ni Jake.
Nginisihan ko naman ito, “Maganda ang pinanggalingan ko, Pre.”
“Si Jana yan noh?!” naiiling nitong tanong sa'kin.
Lumawak lalo ang ngiti sa'king bibig.
“Grabe, bilib din naman talaga ako sa fighting spirit mo Pre. Sa magandang tigre ka pa talaga nagkagusto,” naiiling na wika ni Alex.
“Tigre talaga, Pre?" balik tanong ko naman sa kaniya.
"Hindi bale paaamuhin ko 'yan,” dagdag ko pang sabi sa kaniya.
“Good luck na lang sa'yo, Pre!” humahalakhak na sagot nina Jake at Alex.
Nagtawanan naman ang grupo at bumalik na sa kani-kanilang mga pwesto.
Ganadong nag-ensayo ako at nag-coach sa kanila.
"Napapayag mo ba si Jana na maging escort niya?" tanong ni Bryan sa'kin nang makaupo na kami.
Nag-break muna kami para magpahinga.
"Hindi, Pre!" sagot ko sa kaniya at nilagok ang lamang tubig ng mineral bottle.
"What?!" bulalas ni Bryan sa'kin.
"So, pa'no na 'yan?" muling tanong nito.
"Ako’ng bahala roon," nakangisi kong tugon sa kaniya.
"Don't tell me..." Napakamot na lamang si Bryan sa ulo dahil alam na niya ang ibig kong sabihin.
Nabigo akong makausap si Jana dahil 'di ko napigilang halikan ito sa kaniyang pisngi.
Dadaanin ko na lamang 'to sa mga galawang ninja moves.
Pupuntahan ko na lang siya sa kanila para wala na siyang ibang choice kundi ang sumama na lang sa'kin.
Tinawagan ko si Tito para kuhanan niya ako ng tiket para sa nalalapit na grad ball. Alam kong hindi ito tatanggi sa'kin dahil marami na siyang absent na training.
Si Tito ang tumatayong ikalawang ama ko buhat nang mamatay si Daddy. Halos ito na rin ang tumutulong kay Mommy sa mga negosyong naiwan ni Daddy sa'min. Daig pa nga ni Tito ang may dalawang pamilya kung kumayod gayong single naman ito.
Lately nga lang ay napapadalas din ang pag-inom nito ng alak kung kaya naman madalas din itong masermunan ni Mommy.
"In-love siguro 'yon!" naiiling kong wika sa sarili.
"Alam mo ba Pre, na papalitan ang cheer leader natin?" tanong ni Alex sa'kin.
"Hindi, bakit?" balik tanong ko naman sa kaniya.
"Nagkasakit kasi si Thea at walang gustong sumalo sa posisyon niya," sagot naman niya sa'kin.
"Sinong papalit kung wala naman palang may gusto na sumalo?" muling tanong ko kay Alex.
"Ang balita ko, si Jana ang ipapalit kay Thea." Napangiti ako nang marinig ang pangalan ng dalaga ngunit dagli ding napalis nang maisip na hahawakan ito ng ibang lalaki lalo na sa kaniyang katawan.
"H'wag si Jana!" Agad kong tutol kay Alex.
"Bakit naman?!" maang niyang tanong sa'kin.
"Basta, 'wag si Jana!" patuloy kong tutol.
"Ang sarap ng ngiti mo kanina nang marinig ang pangalan ng dalaga, ngayon naman inaayawan mo na siyang maging cheer leader. 'Di mo ba alam na magaling siyang cheer leader dahil minsan nang nag-perform ito noong Junior Student pa lamang. Kaya nga siya ulit ang napisil na kuhaning kapalit pansamantala ni Thea," mahabang salaysay ni Alex sa'kin.
"I said, 'wag si Jana at ayokong may ibang lalaking hahawak sa kaniya," mariin kong sabi sa kaniya.
"So, 'yon pala ang inaalala mo?" Nakakalokong ngiti ang sumilay sa bibig ni Alex.
"F*ck you!" mura ko sa kaniya.
"Sa kaniya mo gawin 'yan pagkatapos ng Olympic games. Don't worry, Pre! Ikaw pa rin naman ang magiging partner niya sa araw na 'yon dahil ikaw ang coach namin," nang-aasar na turan nito sa’kin.
"Niloloko mo ba ako?!" inis kong sabi sa kaniya.
"Pa'no ako magiging partner ni Jana kung cheer leader siya at ako naman ang coach ninyo sa team? Alangan namang nakiki-cheer din ako sa kanila," inis kong anas kay Alex.
"Sasayaw kayo, Pre, iyan ang narinig kong sabi-sabi nila." At malakas na tumawa ito saka tumayo mula sa pagkakaupo at tuluyang umalis ito sa aking tabi.
Lihim naman akong natuwa nang malaman na si Jana ang magiging cheer leader namin ngunit agad din akong nainis nang maisip na pwede itong matsansingan ng ibang lalaki.
"For sure, I will gonna kill that guy!" pabulong kong anas sa sarili.