Chapter 12

1771 Words
Jamie Ann “Jana” De Castro (POV) “Bakit po ako?!” bulalas ko sa aking guro na si Ms. Lynette. P.E. teacher ko ‘to no’ng nasa Junior Student pa lang ako. Nakikiusap itong maging cheer leader ako pansamantala sa darating na Olympic Games ng school. Dati kasi akong nag-perform na cheer leader at talaga namang nagustuhan nila iyon kung kaya’t kinukulit nila akong ipagpatuloy iyon. Ngunit ako talaga ang tumatanggi dahil nakatuwaan ko lang naman talagang sumali noon at wala akong balak na karirin iyon. “Ms. De Castro, we need your help please! Or else, we will be giving you a failing grades even you did not deserve it.” Pananakot pa nito sa’kin. “H’wag naman gano’n mam!” kakamot-kamot sa ulong wika ko sa kaniya. “Kaya nga, nakikiusap kami sa’yo na palitan mo muna si Thea pansamantala dahil wala na kaming ibang choice ngayon kundi ikaw lang talaga,” hayag pa ni Ms. Lynette. “Marami naman pong ibang cheer leader diyan Mam, ba’t ako pa po napili niyo?” Patuloy kong reklamo kay Ms. Lynette. “Yes, marami pero walang may gustong sumalo ng position ni Thea. Kung hindi lang nagkasakit ang batang ‘yon hindi naman kami sa'yo mangungulit ng ganito,” may himig tampong sabi nito. “Nangongonsensiya na po ba kayo ng lagay na ‘yan, Mam?” birong tanong ko kay Ms. Lynette. “No, I’m warning you. I can’t accept a ‘no’ answer from you!” Pinandilatan pa niya ako ng kaniyang mga mata. “Wala naman po pala akong choice, e ‘di sana ‘di niyo na po ako kinausap pa,” nakalabi kong saad kay Ms. Lynette. Ngumiti ito sa akin, “Ang cute mo, Ms. De Castro! I know you can do the task.” Kumindat pa ito sa akin at inabot ang isang set ng uniform na gagamitin ko sa araw mismo ng Olympic games. “You can start to practice anytime you want. Alam ko namang kahit hindi ka magpraktis ay maning-mani na lang sa’yo ang pagiging cheer leader,” nakangiting saad pa niya sa’kin. Napabuntong hininga na lamang ako sa aking naging kapalaran. Sa dami nang inaasikaso ko ay kailangan talagang isingit sa aking iskedyul ang cheering dahil kung hindi ay tiyak na babagsak talaga ako kahit 'di ko deserve. Kilala ko si Ms. Lynette, mabait pero ‘pag hindi pinagbigyan ay tiyak na ibabagsak ka niyang talaga. Bukod kasi sa P.E. teacher ko siya, ay siya lang din naman ang Dean namin. Kaya kung ayaw kong magkaroon ng bagsak na grado, kailangan kong makisama sa pakiusap nito. ‘Ang saklap lang, Besh!’ Dahil wala naman akong choice, agad kong inayos ang iskedyul sa aking notebook. Nakita kong masasagasaan ang dalawang klase namin ng bago kong leader kung kaya't nag-text ako kay Pinuno upang magpaalam dito. Sunod kong tinawagan si Ate Daisy upang magpaalam din dito. Mabuti na lang at pumayag siya sa aking pakiusap. Matapos kong ayusin ang aking mga gamit ay nagtungo na ako sa gym upang hanapin ang grupo ng mga cheerers. “Jana!” Rinig kong sigaw ng kung sino sa aking pangalan. Nilingon ko ang tumawag sa’kin at nakita ko ang papalapit na si Rizza. “O, anong ginagawa mo rito?” tanong ko sa kaniya. “Kasali rin ako sa cheering ‘di ba?” sagot niya sa’kin. “Ah, kasali ka ba? Hindi ko alam, sorry!” Hinging paumanhin ko sa kaniya. “It’s okay, Girl!” Tumawa pa ito sa’kin. Sumunod ako sa kaniya para puntahan namin ang grupo nila. Saktong dumating si Ms. Lynette at nginitian ako ng makita niya ako. “Salamat at dumating ka,” nakangiting anas ni Ms. Lynette. “Wala naman po kasi akong choice eh.” Parang batang nagmamaktol ako sa kaniya. Ang kaninang ngiti ay naging isang malakas na tawa. Madali lang naman ang mga step at madali ko lang din iyong nakabisado. “By the way, Jana, you have a partner here, okay? He will come here after five minutes,” wika ni Ms. Lynette sa’kin. Tumango naman ako sa kaniya bilang tugon at nilagok ang tubig na natira sa aking baunang tubig. Maya-maya ay nag-ingayan na ang buong paligid sa loob ng gym. Paglingon ko ay ang grupo nila Steven ang pinagkakaguluhan. Inismiran ko si Steven nang magtama ang aming mga paningin. Nginitian naman ako nito. Palapit sila sa pwesto namin banda at tinawag ito ni Ms. Lynette. “Mr. Reyes, come over here!” Lumapit si Steven kay Ms. Lynette. “Ms. De Castro, come to me!” Tawag din sa’kin nito. Tumayo ako at lumapit sa kanilang dalawa. “Jana, I want you to meet your partner, Mr. Steven Reyes.” Itinuro pa sa’kin ni Ms. Lynette si Steven. Para naman akong tinuklaw ng ahas nang malamang si Steven ang partner ko. Nanlalaki pa ang mga mata ko habang nagsasalita. “Ms. Lynette, baka naman pwedeng ‘wag na lang po siya ang maging partner ko,” diretsong hayag ko kay Ms. Lynette. “Then, give me a ten valid reasons why, Ms. De Castro?” seryosong sagot sa’kin ni Ms. Lynette at mukhang badtrip na rin ito. “Patay! Naubos ko pa ‘ata pasensiya ni Ms. Lynette,” bulong ko sa sarili. “Sabi ko nga Mam, okay lang kahit siya na partner ko,” nakangiwi kong saad kay Ms. Lynette at pinandilatan ng mga mata si Steven. “Humanda ka sa’kin!” bubulong-bulong kong anas sa sarili. “May sinasabi ka ba, Ms. De Castro?” tanong ni Ms. Lynette sa'kin. “Wala po, Ma’am!” sagot ko naman sa kaniya. Ngingisi-ngisi lang si Steven sa'min. “Lokong ‘to!” Inirapan ko si Steven. Nagsimula ang praktis at tinawag kaming lahat na magpe-perform pati na rin si Steven. Nakamata lang ang mga kagrupo nito sa amin gayon din ang ibang mga estudyanteng nakikipanood doon. Pinatugtog ni Ms. Lynette ang sounds at nagsimula kaming mag-perform. Nasa part na kaming dalawa ni Steven kung saan naging awkward na ang bawat galaw ko. Lalo na nang dumaiti ang mga kamay nito sa'king baywang. “Tsk! Relax! Aalalayan naman kita,” bulong niya sa’kin. Kinilabutan ako at nagtayuan yata lahat ng balahibo ko sa batok dahil sa mainit na hininga nitong dumadampi roon. “Sa ginagawa mo ikaw mag-focuse, hindi sa’kin!” mataray kong tugon sa kaniya. “Stop!” Sigaw ni Ms. Lynette. “Jana, mali-mali ang ginagawa mo. Stay focus on your steps. Saka na kayo magligawan ni Mr. Reyes sa labas.” Namula naman ang mga pisngi ko sa sinabi ni Ms. Lynette. Muli kaming isinalang ni Ms. Lynette at sa pagkakataong ito ay kaming dalawa lamang ni Steven ang pinagpraktis. Kinalma ko muna ang sarili para makapag-focuse sa aking mga steps. Habang nagsisimula ang tugtog ay inulit-ulit ko sa isipan ang mga sinabi ni Ms. Lynette sa’kin. “Stay focus, Jana! Stay focus!” Mariin kong paalala sa sarili. Naramdaman ko ang pagdantay ng mga kamay ni Steven sa aking baywang. Kung kaya naman ipinikit ko ang mga mata at kinalimutang si Steven ang kapareha ko ng mga sandaling iyon. Hindi ko alam kung pa’no ko nalampasan ang mga sandaling iyon ngunit narinig ko ang sigaw ni Ms. Lynette, “Good job, Jana!” Kasunod ang malakas na palakpakan at hiyawan ng mga taong nasa aming paligid. Idinilat ko ang mga mata at saktong nasa harapan ko ang part ni Steven. Halos magkadikit na ang aming mga mukha at nakita ko ang kulay asul niyang mga mata na animoy nangungusap. Matangos din ang kaniyang ilong at mapupula ang kaniyang mga labi na parang kaysarap halikan. “H’wag mo akong titigan ng ganiyan at baka makalimutan kong nasa gym tayo,” nakangising wika nito sa’kin. “Tse!” Pairap kong sabi sa kaniya. Nang matapos kami sa pagpapraktis ay agad akong lumayo kay Steven. “Ang galing-galing mo naman Jana!” masayang bulalas ni Rizza. “Sus, lahat tayo rito magagaling!” tugon ko naman sa kaniya. “Pero mas magaling kayo ni Steven. Ang hot mo ngang tingnan kanina eh.” Napalunok naman ako ng laway sa sinabi nito. “Tumigil ka nga riyan, Rizza. Baka kung anong isipin nila.” Utal kong saway rito. “Totoo. Ang daring mo kayang panoorin kanina.” Pag-uulit pa niya sa sinabi. Namumula na ang mga pisngi ko sa sinasabi niya. Tumayo ako at nagpaalam nang mauna nang aalis dahil papasok pa ako sa trabaho. Humakbang na ako palabas ng gym. Nagulat ako nang harangin ni Steven sa may pintuan. “Umalis ka nga riyan sa daanan.” Pagtataray ko sa kaniya. “Ihahatid na kita sa trabaho mo,” ani niya sa’kin. “Hindi na kailangan!” mataray kong tugon sa kaniya at pilit na dumaan sa may pinto. “Ihahatid na nga kita at mahirap sumakay ng ganitong oras.” Pagpupumilit pa niya sa'kin. “Bakit ba ang kulit mo?” mataray kong tanong sa kaniya. “Ihahatid nga kita!” mariin niyang sabi at bigla niya akong hinila sa aking kamay kaya muntik pa akong masubsob sa kaniyang dibdib. “Hoy, Steven!” Sabay baklas ng aking kamay mula sa kaniya. “Kapag sinabi kong hindi mo ako ihahatid, hindi mo ako ihahatid!” mariin kong sabi sa kaniya. “At kapag sinabi ko ring ihahatid kita, ihahatid kita!” Ngumisi ito sa’kin at walang kaabog-abog na binuhat niya ako na parang isang sako ng bigas. “Steven!” Malakas kong hiyaw sa kaniya at pinagsasapok ko ito sa kaniyang likuran ngunit ‘di niya alintana iyon. Patuloy lamang itong naglakad hanggang sa kaniyang sasakyan. Binuksan pa muna niya ang pintuan sa front seat at saka ako pabagsak na iniupo roon. “B*stos ka talaga!” hiyaw ko sa kaniya at patuloy na pinagsasapok siya sa kaniyang dibdib. “Enough, Jana!” Malakas niyang sabi. Natameme naman ako sa lakas ng boses nito. Sandali akong natahimik at saka muling pinagsasapok ito sa kaniyang braso nang makasakay na siya sa driver seat. “Nahihilig ka yatang manakit.” Hinaplos niya ang kaniyang braso. “Sir*ulo ka kasi! Ang hilig mong mamilit ng tao,” bulyaw ko sa kaniya. “Ihahatid na nga kita at mahirap sumakay ngayon. Besides pauwi na rin naman ako, so idadaan lang kita sa work mo. Ako na nga nagmamalasakit sa’yo, inaayawan mo pa,” naiiling niyang sabi at sinimulan nang paandarin ang kaniyang sasakyan. Natahimik naman ako sa sinabi niya kaya umayos na lang ako ng upo at ‘di na muling nagsalita pa. Mabilis nitong pinasibad ang kaniyang sasakyan paalis ng campus.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD