Chapter 13

1735 Words
Araw ng Olympic Games at dito sa campus gaganapin ito kung kaya't punong-puno ang loob ng gym ng mga estudyante mula sa iba-ibang campus. "Jana!" Rinig kong sigaw nina Ice at Lyn. “Ano’ng ginagawa niyo rito?” tanong ko kina Ice at Lyn. “Siyempre manonood kami,” nakairap na sagot ni Lyn sa’kin. “Ako ba talaga panonoorin mo o si Bryan?” balik tanong ko naman sa kaniya. Namula ang mga pisngi nito sa aking sinabi. Alam kong crush niya si Bryan na kagrupo ni Steven sa basketball. “Natumbok mo!” nakangising saad ni Ice at humagikhik ito. Sinamaan siya nang tingin ni Lyn habang sinabayan ko rin ang tawa ni Ice. “Umuwi na nga tayo!” asar talong sabi ni Lyn. “Akala ko ba panonoorin niyo pa ako?” paismid kong tanong sa kaniya. “Matapos niyo akong asarin ni Ice, gusto mong panoorin pa kita?” nakaismid din niyang tugon sa’kin. “Hayaan mo na si Jana, si Papa Steven naman talaga ang panonoorin natin dito eh,” turan naman ni Ice. Sinimangutan ko ang mga ito. “Akala ko pa naman panonoorin niyo talaga ako,” inis kong turan sa kanila. “Mga kaibigan ko ba talaga kayo?” dagdag ko pang sabi. Tinawanan lang nila ako at umupo na sila sa may bench malapit sa aking upuan. Naghiyawan ang ilang mga kababaihang estudyante na siyang dahilan nang paglingon ko sa may bandang pintuan. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakatayo roon si Christian. Nakasuot ito ng white T-shirt na hapit na hapit sa kaniyang katawan at mababakas ang maumbok niyang muscles. Tinernuhan niya iyon ng maong pants at white rubber shoes. “Shocks, ang gwapo niya!” Rinig kong sabi ng isang babaeng estudyante malapit sa’kin. “OMG! He’s so hot!” natitilihang wika naman ng isa pang babaeng estudyante rin. “Mga haliparot!” Saka inismiran ang mga ‘yon. Kumaway si Christian sa’kin na ginantihan ko rin nang kaway. Malalaki ang mga hakbang niyang lumapit sa pwesto ko. “Hi!” Bati niya sa’kin. “Hello!” Ganting bati ko rin sa kaniya. “Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong ko pa sa kaniya. Mahinang pinitik ako nito sa aking noo. “Olympic Games ng bawat campus ‘di ba?” “Oo nga pala!” nakangiwing sagot ko sa kaniya. “Kuya Christian, dito ka na lang sa tabi namin ni Lyn, maupo.” Malakas na tawag ni Ice at tinapik ang bakanteng upuan sa kaniyang tabi. Tumango naman si Christian dito bilang tugon. Lumapit sa’kin si Christian at nagulat ako nang hapitin niya ang aking baywang. Dahan-dahang lumapit ang mukha nito sa aking mukha kung kaya’t napapikit ako. Dinampian niya ng halik ang aking mga labi. Tilian ng mga taong nasa paligid namin ang nagpabalik sa’king diwa kaya dagli rin akong lumayo kay Christian. “Galingan mo, Jana,” nakangiting sambit nito sa akin. “Thank you!” namumula ang mga pisnging tugon ko sa kaniya. Muli itong humalik sa aking pisngi bago tuluyang humakbang palapit kina Ice at Lyn. “Go, Jana! Go!” Sigaw naman nina Ice at Lyn na may halong panunukso ang kanilang mga tinig. Inirapan ko ang mga kaibigan at muling inayos ang aking sarili upang hintayin ang oras ng aming performance. Umugong ang malakas na hiyawan sa loob ng gym nang pumasok mula sa pintuan ang grupo nila Steven. Ang gwapo nilang tingnan sa suot na uniporme. Malinis at kaaya-aya silang pagmasdan sa iisang kulay. Natuon ang paningin ko kay Steven na bukod tangi ang suot sa lahat. Mas gwapo itong tingnan ngayon kumpara nitong mga nakaraang araw na nag-eensayo pa lamang kami. Malaki rin ang pangangatawan nito kumpara sa ibang mga estudyante. Parang alaga lang din niya sa work-out ang kaniyang katawan. “Nandito na ang hot papable ng campus!” Malakas na tili ng isang bakla. “I love you, Steven!” Hiyaw naman ng isang babae mula sa kung saan. “Go, Papa Steven!” Sigaw naman ni Ice. Nakangiting mukha ni Steven ang sumalubong sa'kin nang magtama ang aming mga paningin ngunit agad din siyang sumimangot. “Anong problema 'nun sa'kin?" ani ko sa isipan at saka inirapan ito. Tinawag na kami ni Ms. Lynette at pinaumpisahan na ang formation. Sa unang round ay magpe-perform muna kami ng cheering squad. Saka pa lamang papasok si Steven bilang partner ko ‘pag tinawag na ang grupo nila. Sasayaw kaming dalawa bilang highlight ng Olympic Games. Dahil ang campus namin ang sponsor, ang mga player namin ang huling ipapakilala. Nagsimula kaming mag-perform at bilang cheer leader ng squad ay sinimulan ko ang ganadong pagpe-perform. Bigay todo at feel na feel ko ang pagchi-cheer. "Go, Jana!" Malakas na hiyaw ni Lyn sa'kin. "Kaibigan ko 'yan!" Proud na proud na sigaw naman ni Ice. Nginitian ko ang mga 'to at nakita ko ang pagkindat sa'kin ni Christian. Ginantihan ko rin ang kindat nito. Matapos ang unang round ng pag-perform ko bilang cheer leader ay isa-isa nang pinakilala ang player ng grupo nila Steven. Matapos maipakilala si Steven bilang coach ay saka ito mabilis na pumuwesto sa likurang bahagi ng aking katawan. Humawak ito sa aking baywang at marahang pinisil ako roon. "Hoy Steven, 'wag ka ngang simpleng tsansing diyan," mataray kong saad sa kaniya. Narinig ko ang mahinang pagtawa nito. “You look beautiful!” paanas niyang bulong sa likod ng aking tainga. Kinilabutan ako nang maramdaman ang kaniyang mainit na hininga sa may bandang batok ko. Nagsimulang tumugtog ang musikang laan para sa performance naming dalawa. Hindi talaga ako masanay-sanay sa pagkakalapit ng aming mga katawan kahit ilang beses na nga kaming nag-ensayo nito. Pumikit ako para alisin ang anumang pagkailang na nadarama. Baka hindi ako makapag-perform nang matino kung "di ko iyon gagawin. Nagsimulang umindayog ang aming mga katawan at naramdaman ko ang panginginig ng mga tuhod ko gawa nang pagkailang kay Steven. “Relax!” bulong ni Steven sa’kin. “Pwede ba, mag-concentrate ka na lang sa ginagawa natin,” ganting bulong ko rin sa kaniya. Narinig kong muli ang kaniyang mahinang pagtawa. “Ikaw kaya ang nawawala sa focus." Narinig ko ang pagbuntong hininga nito bago muling nagsalita. "Sayang lang 'yang pagpikit mo,” nang-iinis niya pang saad sa’kin. Nagtagis ang mga ngipin ko sa narinig na sinabi nito kaya agad kong idinilat ang aking mga mata at saka humarap sa kaniya. Hinapit niya ang baywang ko at inilapit pa ng husto ang aking katawan sa kaniya. Patuloy akong umindak sa maharot na tugtog ng musika, ‘gaya ng itinuro ni Ms. Lynette, sa’min. “Ganiyan nga, Jana, gumiling ka pa sa'kin,” nakangising wika nito. Sinamaan ko ‘to nang tingin at nagpatuloy kami sa pag-indak. Patuloy lang din itong nakahapit sa aking baywang at halos magkadikit na ang ibabang bahagi ng aming katawan. Lalo tuloy nailang ang aking pakiramdam ngunit 'di ko iyon pinahalata sa kaniya. “Kasama pa ba sa steps natin ‘to?” mahina ngunit mariin kong tanong sa kaniya. “Sshh… Kalma lang!” nakangising tugon niya sa akin na wari'y natutuwa pa siyang lalo na inisin ako. "Ang lakas mong mangbw*sit, alam mo 'yon?!" gigil kong sabi sa kaniya. Nginisihan lang niya ako at nagpatuloy ito sa kaniyang steps. Hinawakan ko ang kaniyang pisngi 'gaya ng nasa steps ngunit nabigla ako nang halikan niya ang kamay kong nakasapo. "Steven!" bulalas ko sa kaniya. Ngumisi lang siya sa'kin at saka umikot sa likurang bahagi ng aking katawan. Tuloy-tuloy lang kami sa aming pag-indak hanggang sa malapit na kaming makarating sa final steps. Mula sa likurang bahagi ng aking katawan ay kakargahin niya ako pataas at saka ko iwawagwag ang pompoms na hawak ko bilang pagtatapos ng aming sayaw. Naramdaman ko ang dahan-dahan niyang pagpapadulas payapos sa aking mga binti nang ibaba niya na ako. Pasimpleng sinikmuraan ko siya nang tuluyang makababa ako mula sa kaniya. Palayo na ako sa kaniya ng bigla niya akong hawakan sa kamay at hilahin pabalik sa kaniyang katawan. Hinapit niya pa ako sa baywang at ipinorma pahiga sa kaniyang harapan saka dahan-dahang inilapit ang mukha niya sa aking mukha. “Steven!” Malakas kong sambit bago niya tuluyang sakupin ang aking bibig. Narinig ko ang malakas na pagsinghap ng mga tao at ang iba’t ibang hiyawan ng mga kinikilig na nanonood sa amin. Nagpalakpakan pa ang mga taong naroon na parang nanonood lang ng isang romantic scene sa isang sinehan. Malakas kong itinulak ito palayo sa'kin nang makabwelo ako. "More!" Rinig kong sigaw mula sa kung saan. "More pa raw," nakangising anas niya sa'kin. "Subukan mo lang ulit gawin at kakalimutan kong Olympic Games ngayon." Banta ko sa kaniya. Nakangising humakbang ito palapit sa'kin. "H'wag kang lumapit!" Banta ko sa kaniya at inambahan ito ng kamao. Nagpatuloy ito sa paghakbang palapit sa'kin habang paatras naman ako nang paatras palayo sa kaniya. Nakahinga naman ako nang maluwang nang dumating si Ms. Lynette, kung kaya 'di tuluyang nakalapit sa'kin si Steven. "Congratulations, Jana, Steven!" Masayang bati sa'min ni Ms. Lynette. "Thank you, Ma'am!" ani ko. "Nice performance!" puri ni Ms. Lynette. "In fairness, bagay kayong dalawa," Saad pa ni Ms. Lynette. Pinamulahan naman ako ng pisngi sa sinabi nito. "By the way, Mr. Reyes, you can go back to your team and we will start the game now," sambit ni Ms. Lynette kay Steven bago ito tuluyang tumalikod. Kakamot-kamot sa kaniyang ulo si Steven na sumunod kay Ms. Lynette. Dinilaan ko ito at binelatan nang bigla itong lumingon sa'kin. "Buti nga sa'yo! Ang hilig mo kasing magnakaw ng halik." Sinalubong ako ni Christian pagbalik ko sa upuan. Inabot niya sa'kin ang isang bottled water pati na rin ang bimpo nito. May nakaburdang pangalan ni Christian sa bimpo kaya alam kong kaniya iyon. "Salamat!" nakangiti kong turan sa kaniya. "Welcome!" malambing niyang tugon sa'kin. "Ngayon ko lang nalaman na marunong ka palang sumayaw," nakangiti pa niyang sambit. "Kuh, wala lang talaga akong choice!" nakalabi kong sagot sa kaniya. Natawa naman ito sa'kin at inalalayan pa muna akong makaupo. Umupo rin ito sa bakanteng upuan na nasa aking tabi. "After this ay mag-unwind muna tayo bago umuwi." Aya niya sa'kin. "Uy, gusto ko yan!" singit ni Ice. "Sama kami!" ani naman ni Lyn. "Sure! You can join us, Girls!" turan naman ni Christian sa pabaklang salita at ipinilantik pa ang kaniyang mga daliri sa ere. Nagtawanan naman kami nina Ice at Lyn.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD