Matapos niyang kumuha ng pagkain ay bumalik na kami sa lamesa.
Magka-holding hands pa ang mga kamay namin dahil 'di niya binitiwan sa pagkakahawak ang kamay ko.
Kinalabit ako ni Ice pagkaupong-pagkaupo ko.
Nagtatanong ang mga matang nilingon ko ito.
"Kayo na ba?" bulong ni Ice sa'kin.
"Hindi ah!" bulalas ko naman sa kaniya.
"Talaga lang ha?!" mapang-asar na sagot nito sa'kin.
"Ewan ko sa'yo!" Pinaikutan ko pa siya ng mga mata.
"Nagtataka ka pa kay Jana, alam mo namang denial queen 'yan," sabat naman ni Lyn.
"Ano!? Anong denial queen?" maang kong bulalas kay Lyn.
"Hindi kayo, pero magka-holding hands?" Sabay nguso niya sa'kin ng kamay namin ni Steven na patuloy pa rin palang magkahawak.
Pasimple kong hinila ang kamay na hawak ni Steven at kunwaring uminom ng tubig sa baso.
Tinawanan naman ako nina Ice at Lyn, na ginantihan ko naman nang pagsimangot.
Makalipas ang ilang sandali ay pumailanlang ang isang malamyos na awitin.
Inaya ni Bryan si Lyn magsayaw na agad din namang tinanggap ng huli.
Nakipagsayaw rin si Ice kay Alex nang hilahin niya ang huli sa gitna ng dance floor.
Nakangiting pinagmasdan ko ang mga kaibigan habang nakikipagsayaw.
Maya-maya'y tumayo si Steven at pumwesto sa aking harapan.
"Can I dance with you?" malambing niyang tanong sa'kin.
Inilahad niya ang kaniyang palad at matagal ko iyong pinagmasdan.
"Shall we dance, please?" Pag-uulit pa niya.
Humawak ako sa palad niya at inalalayan ako nitong makatayo.
Dahan-dahan niya akong hinila sa gitna ng dance floor at saktong napalitan ang musika ng malambing na tugtog.
Inilagay nito ang mga kamay ko sa kaniyang balikat at hinapit niya ang aking baywang dahilan para mas lalong magkalapit ang aming mga katawan.
"Thank you, Jana!" sinsero niyang wika sa'kin.
"Para saan?" maang kong tanong sa kaniya.
"For being your escort tonight." Lalong idinikit nito ang katawan ko sa kaniya at isinandal pa ang ulo ko sa kaniyang dibdib.
Mahinang natawa ako, "Wala naman akong choice eh."
"Ah ganun!" ani niya sabay kiliti sa tagilirang baywang ko.
"Steven!" Malakas kong tili.
Nagtinginan sa'min ang aming mga katabi.
Napangiti na lang ako sa kanila at kinurot ng pino sa kaniyang tagiliran si Steven.
Natawa naman ito sa'kin at muling ibinalik ako sa pagkakadikit sa kaniyang katawan.
Isinandal niyang muli ang ulo ko sa kaniyang dibdib at patuloy lang kami sa pagsayaw sa ilalim ng malamyos na musika.
What if I never knew
What if I never found you
I'd never have this feeling in my heart
How did this come to be
I don't know how you found me
But from the moment I saw you
Deep inside my heart I knew
Narinig kong sinabayan ni Steven ang awitin at bigay todo pa niya iyong inawit.
Lihim naman akong kinilig sa kaniyang pagkanta.
Sino ba namang 'di kikiligin, imagine marunong umawit ang isang Steven Reyes na naturingang varsity player ng campus.
Ang pagsayaw nga namin 'di ko rin ini-expect na marunong din pala siyang sumayaw.
Ano pa ba ang talent nito na 'di ko alam?
Naiiling na nangiti ako sa sarili.
"Bakit ka natatawa?" Untag niya sa'kin.
"Hah?" balik tanong ko naman sa kaniya.
"Natatawa ka kasi ang pangit ng boses ko," malungkot niyang saad
"Uy hindi ah, wala akong sinabing ganiyan." Mahinang hinampas ko 'to sa kaniyang braso.
Natawa naman ito at muli akong kinabig pabalik sa kaniyang katawan.
Natapos ang dalawang malamyos na tugtog ay inaya ko na 'tong bumalik sa lamesa dahil nangangalay na rin ang paa ko gawa ng mataas na heals ng stilleto na aking suot.
Inalalayan niya ako sa paghakbang pero 'di ko napansing may naapakan akong kung anong bagay, dahilan para mapatid ako.
Mabuti na lang at mabilis din akong hinapit ni Steven sa baywang kaya hindi ako natuloy sa pagdausdos sa sahig.
"Salamat!" usal ko sa kaniya.
"Sabi ko na sa'yo may pagkalampa ka talaga eh," naiiling niyang sabi.
"Bw*sit!" Sinimangutan ko ito at itinulak palayo sa'kin.
Walang lingon likod kong tinungo ang lamesa namin.
Narinig kong tinawag si Steven ni Ms. Lynette kaya hindi na 'to nakasunod pa sa'kin.
Lumipas ang ilang sandali at lumalalim na rin ang gabi. Nararamdaman ko na rin ang antok at ilang beses na rin akong humikab.
"Mauna na kaya akong umuwi," ani ko sa sarili.
Hinanap ko sa paligid si Steven pero 'di ko ito nakita.
Sina Ice at Lyn naman ay patuloy lamang sa pakikipagsayaw sa mga partner nila.
Kinuha ko ang cellphone sa bag at nakita kong marami na palang text messages doon. Binasa ko kung kanino iyon galing at nakita kong pangalan ni Christian.
Nag-reply ako sa isa sa mga text ni Christian.
Ibabalik ko na sana sa loob ng bag ang cellphone nang tumunog ang caller ringtone niyon. Sinagot ko iyon nang makitang si Christian.
"Hello?" sagot ko sa kaniya sa kabilang linya.
"Kumusta ang grad ball niyo?" tanong niya sa'kin.
"Heto okay naman, medyo inaantok na nga ako," saad ko naman sa kaniya.
"Gusto mo bang sunduin na kita riyan?" tanong niya sa'kin.
"Hindi, huwag na! Uuwi na rin ako maya-maya," tangging sagot ko sa kaniya.
"Sure ka?" Paniniguro pa niya.
"Yeah! Salamat!" nakangiti kong sambit sa kaniya.
"O siya, ikaw bahala. Ingat ka sa pag-uwi ha," sabi pa nito sa'kin.
"Salamat!" pasasalamat ko sa kaniya.
"Jana..."
"Yes?"
"I miss you!" malambing niyang sabi sa'kin.
Natigilan naman ako sa kaniyang sinabi.
"Sige na, ingat ka sa pag-uwi ha. Bye!" bago nito tuluyang pinutol ang tawag.
Sinabihan niya ako ng 'I miss you,' tama ba ang narinig ko?
Dala nang pagkatulala ay 'di ko namalayang nasa likuran ko na si Steven.
"May problema ba?" tanong niya sa'kin.
Umiling ako sa kaniya, "Inaantok na ako."
Wala sa loob na sagot ko sa kaniya pero totoong inaantok naman na talaga ako.
"Tara, ihahatid na kita pauwi." Aya nito sa'kin.
Tumango ako sa kaniya bilang pagtugon at tumayo na sa pagkakaupo.
Hindi na ako nagpaalam kina Ice at Lyn pero nagbilin ako kay Rizza na pakisabi sa dalawang kaibigan na umuwi na ako.
Masuyo akong inalalayan ni Steven hanggang sa sasakyan. Pinaupo niya muna ako sa front seat bago ito umikot sa driver seat.
Nabigla pa ako nang makaupo ito sa driver seat at biglang dumukwang sa'kin.
Pigil ang hininga kong hinintay na matapos niya ang pagsuot ng seat belt sa aking katawan.
"Relax!" nangingiting wika nito.
Inismiran ko 'to sa kaniyang sinabi. Pa'no naman kasi ako makakalma kung bigla na lang itong dumudukwang sa'kin. Akala ko tuloy hahalikan na naman niya ako.
Pero deep inside parang nakakasanayan ko na nga ang pagnakaw-nakaw nito ng halik sa'kin.
"Umuwi na tayo," saad ko sa kaniya ng hindi pa rin niya pinapaandar ang sasakyan na tila nag-iisip pa ng kung anong kalokohan na naman.
Binuhay na nito ang makina ng sasakyan at mabilis na pinasibad paalis sa lugar na 'yon.
"Parang hindi ito ang daan patungo sa bahay?" saad ko sa kaniya.
Napansin kong iba ang binabaybay ng kaniyang sasakyan.
"Hindi nga," nakangiting tugon niya sa'kin.
"Steven!" malakas kong bulalas sa kaniya.
"Saan mo na naman ako dadalhin?" inis kong tanong sa kaniya.
"Kalma ka lang, malapit na tayo." Ngumiti lng ito sa'kin na parang 'di alintana ang inis na ipinapakita ko sa kaniya.
"Alam mo bang inaantok na ako," 'di ko napigilang bulyaw sa kaniya.
"Alam ko, kaya nga gigisingin kita." Kumindat pa ito sa'kin.
Nasapo ko na lamang ang noo sa sobrang inis.
Huminto ang sasakyan nito at napanganga ako nang makita ang isang magarang bahay na parang isang mansyon lang ang laki o mas tamang sabihin na mansyon talaga ang bahay.
"Kaninong bahay 'yan?" manghang tanong ko sa kaniya nang buksan niya ang pinto ng sasakyan.
"Come in!" Inilahad niya ang palad sa'kin at inalalayan akong makababa.
Patuloy niyang hawak ang kamay ko at inalalayan akong maglakad papasok sa loob ng mansyon.
Pagbukas ng pinto ay sinalubong agad kami ng isang may-edad na ginang.
"Mom!" Sinalubong ito ni Steven at hinalikan sa pisngi.
"Kumusta ang grad ball?" mahinhin nitong tanong kay Steven.
"Ayos lang po. By the way, Mom, this is Jana." Pagpapakilala ni Steven sa'kin.
Tumingin sa gawi ko ang mommy ni Steven at nginitian ako.
"Ikaw pala si Jana. Nice to meet you, Iha." Lumapit ito sa'kin at hinalikan ako sa pisngi.
Bigla akong nahiya sa sarili dahil pakiramdam ko ay ang bantot ko na.
"Iho, papasukin mo muna si Jana," ani nito kay Steven.
Inalalayan muna ni Steven ang Mommy niya papasok at saka ako binalikan upang alalayan din papasok sa kanila.
Inilibot ko ang paningin sa buong paligid at namangha ako ng labis dahil sa laki at lawak ng bahay nila.
"Grabe, ang laki ng bahay niyo," manghang bulalas ko.
"Malungkot naman dahil dalawa lang kami ni Mommy rito," malungkot na anas ni Steven.
Naalala ko ang sinabi nito, patay na nga pala ang daddy niya.
Hinawakan ko siya sa kamay at pinisil doon.
Tumingin siya sa'kin at tinaas niya ang kamay kong nakahawak sa kaniya. Dinala niya iyon sa kaniyang bibig at doon ay hinalikan iyon nang paulit-ulit.
"Iha, magpalamig ka muna," saad ng Mommy ni Steven.
Tumayo ako para kusang kunin ang tray na dala nito.
"Ako na po, Tita," nakangiting sambit ko at inabot ang dala nitong tray mula sa kaniyang kamay.
"Salamat!" Lumapit ito kay Steven.
"I like her, Son." Tinapik nito sa balikat si Steven.
"Mom, baka mag-ayang umuwi si Jana." Reklamo ni Steven sa Mommy niya.
Natawa ang Mommy nito dahilan nang pamumula ng pisngi ko.
Kung hindi lang nakakahiya sa Mommy ni Steven, kanina ko pa siya pinaulanan ng irap.
"O siya, maiwan ko na muna kayong dalawa rito, Iha." Lumapit ito sa'kin at muli akong hinalikan sa aking pisngi.
"Ihatid mo na rin si Jana agad, Son para 'di siya gabihin pa ng husto," wika nito kay Steven na tinanguan naman ng binata.
"Thank you po, Tita!" Pasasalamat ko rito.
Nagpaalam na ito sa'min at iniwan kami ni Steven sa may sala.
Ilang sandaling dumaan ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
Tumayo ito mula sa pagkakaupo at lumapit sa'kin.
"Tara na, iuuwi na kita." Inilahad niya ang palad sa'kin.
Tinanggap ko ang palad niya at tumayo habang nakaalalay ito.
Napasubsob naman ako sa dibdib niya nang 'di ko nabalanse ang aking pagtayo.
Naramdaman ko ang pagyakap niya sa'kin.
"Jana!" mahinang usal nito.
"Steven..." Dahan-dahan kong itinulak ito palayo sa'kin.
"Iuwi mo na ako," sambit ko sa kaniya.
Narinig ko ang ilang buntong hininga na pinakawalan nito at saka ako hinila sa kamay palabas doon.
Mabilis niyang pinasibad ang sasakyan paalis sa kanila at hinatid ako sa bahay namin.
Muli niya akong dinampian ng halik sa labi bago ito sumakay ulit sa kaniyang sasakyan saka tuluyang umalis.
"Ang hilig niya talagang mangnakaw ng halik!" impit kong bulalas sa sarili.