Chapter 16

1715 Words
Dark blue ang kulay ng evening gown na napili kong suotin ngayong araw ng grad ball. May slit ito na abot hanggang hita. Pinarisan ko iyon ng dark stilleto na may 4' inches ang taas ng heels. Light make-up lang ang nilagay ko sa mukha dahil madilim naman na. Sinipat ang sarili sa salamin at natuwa naman ako sa magandang kinalabasan ng itsura ko kahit hindi na ako nagpa-salon pa. "Jana, nandito na ang sundo mo," malakas na sabi ni Mama habang kumakatok sa may pinto. "Palabas na po, Ma!" sagot ko sa aking ina. "Bilisan mo na riyan at lumabas ka na!" muling sambit nito. "Opo!" Muli kong sinipat ang sarili sa salamin. Kinuha ko ang shoulder bag at lumabas na sa aking silid. Habang pababa ako ng hagdan ay pinagmasdan ko si Steven na kasalukuyang nakaupo sa sofa. Ang gwapo nito sa suot niyang blue long sleeve na tinernuhan ng kurbata at itim na slacks. Nakasuot din ito ng black shoes at may pumpon ng mga bulaklak na nakalapag sa kaniyang harapan. "Naks! Ibang klase rin talaga umariba ang isang 'to," ani ko sa sarili. Tumayo ito at sinalubong ako sa unang baitang ng hagdanan nang makita ako. Inilahad nito ang isang kamay niya upang alalayan ako pababa. "Ano'ng ginagawa mo rito?" nang-aasar kong tanong sa kaniya. "Ako ang escort mo, 'di ba?" nakangisi niyang sagot sa'kin. "'Di ba si Lyn ang inaya mong maging partner?" nakataas ang kilay kong sabi sa kaniya. "Si Bryan ang escort niya at ako ang escort mo," malamig niyang sabi. Lihim namang nagdiwang ang dibdib ko nang mapansing napipikon na ito. Kaya tinuloy ko pa ang pang-aasar sa kaniya. "Bakit pinahintulutan ba kitang maging escort ko?" Patuloy kong pang-aasar sa kaniya. "Siguro, gusto mo lang ulit mahalikan kita kaya ka nang-aasar," nakangising turan niya sa'kin. "Hindi noh!" bulalas ko sa kaniya. Tinabig ko ang kamay niyang nakahawak sa'kin at umupo sa may sofa. Hindi ako sanay sa matataas na heals. "Magpalamig ka muna, Iho." Nilapag ni Mama ang baso ng juice sa center table. Kinuha ni Steven ang baso sa center table at nilagok ang laman niyon na juice. "Ang gwapo naman ng escort mo, Ate!" kinikilig na wika ni Jezel at nakapameywang na humarap pa talaga sa'min ni Steven. Nginitian naman ito ni Steven. "Baka naman may kapatid ka pa na pwedeng ipakilala sa'kin." Pinapungay pa ni Jezel ang kaniyang mga mata. "Jezel!" malakas na bulalas ko sa aking kapatid. Pinandilatan ko ito ng mga mata at tumayo ako mula sa pagkakaupo upang lapitan siya. Dali-dali itong tumakbo sa tabi ni Mama. "Ano't para kayong mga bata na naghahabulan." Sita sa'min ni Mama. "Ma, si Jezel, naghahanap na raw ng boyfriend." Parang batang sumbong ko kay Mama. "Nagbibiro lang naman ako, Ma!" nakangusong turan naman nito. Kinurot ni Mama si Jezel sa kaniyang tagilirang baywang. "Aray!" "Buti nga!" Binelatan ko si Jezel. "Si Ate, Ma oh!" kakamot-kamot sa ulong sumbong naman ni Jezel kay Mama. Ngiting-ngiti naman si Steven habang pinanonood kami. Inaya na niya akong umalis at baka maipit pa raw kami sa trapik. Agad ko namang sinang-ayunan iyon at nagpaalam na kami kina Mama at Jezel. Tuwang-tuwang nakipag-high five muna si Steven kay Jezel bago ito tuluyang lumabas ng pintuan. Inalalayan niya muna akong makasakay sa kaniyang sasakyan bago ito umikot sa may driver seat. Tumitig pa muna ito sa'kin nang maisuot na niya ang seatbelt. "Bakit?" maang kong tanong sa kaniya. "May dumi ba ako sa mukha?" dagdag ko pang sabi. Bigla tuloy akong na-concious sa itsura ko at baka 'di tama ang paglagay ko ng make-up. Kinabig niya ako sa ulo at sinibasib ako ng halik sa aking labi. Dala nang pagkabigla ay 'di ko malaman kung ano ang aking gagawin. "You're beautiful..." Muli niyang dinampian ng halik ang labi ko. "And more beautiful tonight!" paanas niyang bulong sa'kin. "Steven!" mahinang usal ko. Hinaplos nito ang aking mukha at saka muling dinampian ng halik ang aking labi. Pinaandar na nito ang sasakyan paalis sa lugar namin. Tahimik lamang kami habang nagbabiyahe. "Maswerte ka sa pamilya mo." Basag nito sa katahimikan naming dalawa. "Ba't ikaw?" tanong ko sa kaniya. "Nasaan ba ang pamilya mo?" muling tanong ko sa kaniya. "Si Mommy na lang kasama ko sa buhay," malungkot niyang tugon. "I'm sorry!" Hinging paumanhin ko sa kaniya. Nakaramdam ako ng awa para sa kaniya. Napakahirap ang walang magulang na gumagabay. Maswerte pa nga akong maituturing dahil kumpleto pa ang magulang ko. Hinawakan ko ang braso niya upang iparamdam ang aking pakikisimpatiya. Hinawakan naman niya ang kamay kong nakahawak sa kaniyang braso. "Thank you!" ani niya sa'kin. Tumango-tango ako sa kaniya. Dinala niya ang kamay ko sa kaniyang labi at pinaulanan iyon ng maliliit na halik. Nailang naman ako sa ginawa nito kaya pasimple kong hinila ang kamay ko sa kaniya ngunit 'di niya iyon binitawan. "Uy, pwede mo nang bitiwan ang kamay ko. Nagda-drive ka pa naman," sabi ko sa kaniya. Ngumisi lang ito sa'kin at muling inulit ang paghalik sa aking kamay. "H'wag kang abuso Steven. Bitiwan mo na ang kamay ko at baka mabatukan na kita," pagigil kong Sabi sa kaniya. Tumawa ito nang malakas na nag-echo sa loob ng sasakyan. Hindi na nito muling hinalikan ang aking kamay pero patuloy naman niyang hinawakan ang aking kamay hanggang sa makarating kami ng campus. Ipinarada niya muna nang maayos ang sasakyan bago ito naunang bumaba at umikot sa aking pwesto. Inalalayan pa muna niya akong makababa saka ni-lock ang pinto ng sasakyan. "Let's go!" Aya niya sa'kin at inipit ang kamay ko sa kaniyang braso. Pagpasok namin sa loob ng gym ay agad hinanap ng mga mata ko sa paligid ang mga kaibigan. "Jana!" malakas na sigaw sa'kin ni Ice. Paglingon ko sa kaniya ay nakita kong kumaway sila sa'min ni Lyn. Katabi nito si Bryan at kasalukuyang kumakaway rin iyon sa'min. Nasa bandang stage sila nakapwesto. Humakbang ako patungo sa pwesto ng mga 'to. Nawala sa loob kong nakaipit nga pala ang kamay ko sa braso ni Steven. Kaya pati ito ay nahila ko sa aking paglalakad. "Pwede mo na akong 'di alalayan," bulong ko kay Steven. "Hindi pwede!" tugon naman niya sa'kin. "Bakit?" asik ko sa kaniya. "Baka mam'ya, matapilok ka. May pagkalampa ka pa naman." Sinamaan ko siya nang tingin na tinawanan niya lamang. "Jana!" Sinalubong ako nina Ice at Lyn. Nakipagbeso-beso ang mga 'to sa'kin. "Lalo kang gumanda ngayon, Jana," nakangiting puri ni Bryan sa'kin. "Mabuti Pre, napapayag mo si Jana na maging escort niya," wika naman ni Alex at tinapik sa balikat si Steven. "Ako pa ba?!" mayabang na sagot nito kay Alex. Inirapan ko naman ito sa kaniyang sinabi. Inabot sa'kin ni Steven ang upuan at inalalayan akong makaupo. "Bagay kayo," bulong ni Lyn sa'kin. "True!" Segunda naman ni Ice. "Tse! Magsitigil nga kayo!" asik ko sa kanila. Nagtawanan naman ang dalawa. Inaya ko sina Ice at Lyn na kumuha ng pagkain pero kumain na raw silang dalawa, kaya ako na lang ang kumuha ng pagkain. Ikinuha ko na rin ng pagkain si Steven. Narinig kong nagsalita ang emcee at sinimulan na ang programa. Malakas na hiyawan at palakpakan ng mga taong nasa paligid ang maririnig habang nagsasalita ang emcee. Pumailanlang ang isang makulit at malikot na tugtog. Hudyat na sinimulan na ang sayawan. Pagbalik ko sa lamesa namin ay wala na si Steven. Inilapag ko na lang sa mesa ang plato niyang may lamang pagkain. Luminga ako sa paligid upang hanapin ang binata. Nakita ko si Steven sa gitna ng dance floor at bigay todong nakikipagsayawan ito sa iba. "Kumuha lang ako ng pagkain, may kasayawan ng iba ang talipandas!" inis kong bulong sa sarili. Sa sobrang inis ay inubos kain ko ang pagkaing kinuha pati na rin ang pagkaing para sa kaniya. "Kumag talaga!" gigil na gigil kong tinusok ng tinidor ang karne sa plato. Lumapit sa'kin si Arnel at inaya akong sumayaw na agad ko namang pinaunlakan. Hahawakan ko na sana ang nakalahad nitong palad nang biglang saluhin ng ibang palad ang aking kamay. Tiningala ko iyon at ang nakasimangot na mukha ni Steven ang sumalubong sa'kin. "Ako ang escort niya, Pre!" saad ni Steven at tinapik sa balikat si Arnel. Malungkot na tumango sa kaniya si Arnel at bagsak ang balikat nitong umalis sa harapan namin. "Bakit mo naman 'yon ginawa kay Arnel?" inis kong tanong kay Steven. "Ako naman talaga ang escort mo," hayag niya sa'kin. "Ikaw pala ang escort ko, pero may kasayawan kang iba?" nang-uuyam kong saad sa kaniya. "Selos ka?" nakangisi niyang sabi. "Hindi noh!" malakas kong bulalas. "Hindi raw pero umuusok ang bunbunan niya." Patuloy sa pang-aasar nito sa'kin. "Bw*sit!" Sabay tayo at humakbang ako patungo sa comfort room. "Jana!" Tawag nito sa'kin at hinila niya ako sa braso. "Ito naman 'di na mabiro," ani pa niya sa'kin. "Pwede ba, Steven, pupunta lang ako ng comfort room kaya lubayan mo ako," bulyaw ko sa kaniya. "Sorry, akala ko kasi uuwi ka na." kakamot-kamot sa ulong sabi nito at binitiwan ang braso ko. Pinaikot ko ang mga mata at inirapan ito. Pagtapos kong gumamit ng cubicle ay nag-retouch muna ako sa harap ng salamin. Paglabas ko ng comfort room ay nabunggo ako sa katawan ni Steven. Nakatayo kasi ito sa may pinto at tila bantay roon. "Ano'ng ginagawa mo riyan?" mataray kong tanong sa kaniya. "Hinihintay ka." Parang batang wika nito. Napanganga naman ako sa kaniyang sinabi at maya-maya'y tinawanan ko ito. "Anong nakakatawa?" maang niyang tanong. "Ikaw!" Patuloy ako sa pagtawa. Nabigla ako nang kabigin niya ako palapit sa kaniyang katawan. Hinapit niya ako sa baywang at gahibla na lamang ang layo ng aming mga mukha. "Steven!" nauutal kong anas. "Bakit mo ako pinagtatawanan?" usal niyang tanong sa'kin. Hindi ako makasagot dahil sa lakas ng kalabog sa aking dibdib. Parang may sampung kabayo na sumisipa mula roon. "Jana..." usal nito sa'kin at saka sinibasib ng halik ang aking labi. "Steven..." Kapwa kami humihingal nang bitawan namin ang labi ng isa't isa. "Bumalik na tayo sa lamesa natin at naramdaman ko bigla ang gutom." Kinindatan niya ako at hinawakan ang kamay ko na tila magka-holding hands lang kami. Nagpatianod na lamang ako sa paghila nito sa'kin. Dumaan muna kami sa buffet table at kumuha ito ng pagkain. Tumanggi na akong kuhanan niya ng pagkain dahil busog pa ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD