Chapter 15

1828 Words
Naalimpungatan ako sa malakas na katok ni Mama sa may pinto. "Jana!" Tawag nito sa'kin mula sa labas ng silid. "Ma!" yamot kong sagot kay Mama. Tumayo ako mula sa pagkakahiga at lumapit sa may pinto. Binuksan ko iyon at sinalubong ako nang nakasimangot na mukha ni Mama. "Ano ka ba naman Jana, kanina pa ako katok nang katok sa may pinto pero 'di ka man lang magising agad," naninermon nitong sabi. "Ma, antok na antok pa po ako. Baka pwedeng mamaya na lang po ako kakain." Reklamo ko naman. "Tanghaling tapat na! Napakatulog mantika mo talaga," patuloy na sermon pa ni Mama. "Ano pong sabi niyo?" Nanlaki ang mga mata ko sa narinig na sinabi ni Mama. Ang huling naaalala ko ay dumiretso agad ako sa kwarto at ibinagsak ang aking pagal na katawan sa kama. Tumingin ako sa wall clock at ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang makitang alas dose na. "Ma, ba't 'di niyo po ako ginising?" Reklamo ko sa ina. "Anong hindi ginising? Mula pa kagabi ay ginigising ka na namin. Binuksan na nga namin ang pinto ng kwarto mo dahil akala namin ay kung ano na nangyari sa'yo. Buti na lang dumating si Christian at sinabi niya sa'min ang tungkol sa Olympic Games niyo kahapon. Siya na nga ang nag-ayos sa'yo sa pagkakahiga at kinumutan ka pa niya," mahabang litanya nito sa'kin. "Nagpunta po si Christian?" namimilog ang mga matang wika ko kay Mama. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Si Christian ang nag-ayos sa'yo sa pagkakahiga at kinumutan ka pa niya," pagalit nitong bigkas. "Nakakahiya, Ma!" maktol ko sa Ina. Gosh! Nakakahiya kay Christian. Naabutan pa niya 'atang tulo laway ako. "Hala Jana, mag-asikaso ka na at tanghali na." Tumalikod na si Mama sa'kin. Pagkasara ko ng pinto ay umupo muna ako saglit sa kama at nagmuni-muni. Narinig ko ang pagtunog ng caller ringtone ng cellphone na binigay sa'kin ni Christian. Kinuha ko iyon at napangiti ako nang makitang si Christian ang tumatawag. Dali kong sinagot ang tawag nito. "Hello?" sagot ko sa kabilang linya. "Hi! Kumusta nang pakiramdam mo?" malambing niyang tanong sa'kin mula sa kabilang linya. "Ayos lang! Salamat nga pala sa pag-ayos at pagkumot mo sa'kin." Pasasalamat ko sa kaniya. "Walang anuman! Grabe ka pala matulog pag pagod, tulo laway!" Narinig ko ang paghagikhik nito sa kabilang linya. "Ang sama mo!" nakaingos kong sagot. Patuloy ko lang narinig ang pagtawa nito. "Jana!" Rinig kong tawag ulit ni Mama sa may likod ng pinto. "Sige na, Christian. Baba muna ako at nagagalit na si Mama dahil tanghali na pero 'di pa rin daw ako bumabangon," pabungisngis kong sambit sa kaniya. "Ibig sabihin hindi ka pa rin kumakain niyan?" tanong niya sa'kin. Naramdaman ko ang pagkalam ng sikmura nang marinig ang tanong nito. "Kakain na po ako. Kain tayo!" alok ko sa kaniya. "Sige, salamat! Kumain ka na muna," ani nito sa'kin. "Sige, Bye!" Paalam ko sa kaniya. "Bye!" At tuluyan nang naputol ang tawag nito. Inayos ko muna ang sarili bago tuluyang bumaba sa kusina. Nagsasandok na ako ng pagkain nang mag-ingay ang telepono. Narinig kong sinagot iyon ng aking kapatid. "Ate, may tawag ka sa telepono," sigaw sa'kin ng maldita kong kapatid. "Sabihin mo mamaya na siya tumawag at kumakain pa ako," nakaingos kong sagot sa kapatid. "Si Ate Lyn ang nasa linya," muling saad nito. Tumayo ako at pinuntahan ang telepono. "Hello!" sagot ko sa kabilang linya. "Jana, ba't 'di ka pumasok?" natitilihang tanong ni Lyn sa kabilang linya. Nabingi 'ata ang tainga ko sa lakas ng boses nito. Inilayo ko ng kaunti ang telepono sa aking tainga. "Aray, ang sakit sa tainga ng boses mo, Lyn!" Reklamo ko sa kaniya. "Sorry naman!" narinig ko ang pagbungisngis nila ni Ice. "Bakit ka 'di pumasok?" dinig kong tanong naman ni Ice. "Tinanghali ako ng gising. May exam ba tayo?" balik tanong ko sa kanila. "Iba tlaga 'pag maganda, pinag-aagawan!" natatawang saad ni Ice. "G*ga!" sagot ko naman sa kaniya. "Wala naman tayong exam pero siyempre nag-alala kami, sa'yo," wika ni Lyn na tila kinikilig pa. "May nag-aalala bang kinikilig?" asar kong tanong. "Meron... Kami!" Humagalpak ng tawa ang dalawa. "O siya, babush na!" Ibababa ko na sana ang telepono nang marinig ko ang pagsigaw ni Ice. "Jana! Hinahanap ka ni Papa Steven." Dinig kong sigaw ni Ice. "Bw*sit siya kamo!" Sabay baba ng telepono. Bumalik ako ng kusina at doon kumain. Pagkatapos kong mahugasan ang aking pinagkainan ay bumalik na ako sa kwarto. Niligpit ko ang mga gamit kong nagkalat sa sahig. Matapos kong magligpit ay hinarap ko ang mga notes upang aralin ang mga 'yon. Malapit na rin ang exam week kaya need ko nang pag-aralan ang mga mahihirap na lessons. Iginugol ko ang oras sa pagbabasa at pag-aaral kaya 'di ko namalayang madilim na sa labas. Uminat ako at niligpit ang aking mga gamit. Lumabas ako ng kwarto at naabutan ko si Papa na nanonood sa may sala. "Mano po, Pa!" Nagmano ako sa ama. "Kaawaan ka ng Diyos!" Basbas naman nito sa'kin. Narinig namin ang pag-iingay ng doorbell. Lumapit ako sa pinto para lumabas sana sa gate pero naunahan ako ni Jezel na buksan iyon. Napaawang ang bibig ko nang makita si Steven. "Ate, may gwapo kang bisita!" Sigaw ni Jezel sa'kin. Sinamaan ko nang tingin ang kapatid. Humahagikhik na pinapasok nito si Steven. "Ano'ng ginagawa mo rito?" mataray kong tanong kay Steven. "Binibisita ka!" nakangising sagot nito sa'kin. "At bakit?" pagtataray ko pa sa kaniya. "Sabi nina Ice at Lyn, maysakit ka raw kaya binisita kita." Inabot nito sa'kin ang pumpon ng mga bulaklak. "Ang sweet naman!" kinikilig na wika ng aking kapatid. "Pumasok ka na nga sa loob, Jezel!" asik ko sa kapatid. "Ang bisita mo kaya ang papasukin mo, Ate." Pinaikot pa nito ang mga eyeball niya sa mata. Nilapitan ko si Jezel at pasimpleng kinurot sa tagilirang bahagi ng kaniyang katawan. "Ouch!" nakangiwing sigaw ni Jezel. "Ikaw." Turo ko kay Steven. "Pumasok ka muna nang makainom ka ng juice," paanas kong sabi kay Steven. "Kuya Christian!" Papasok na kami sa loob nang tawagin naman ni Jezel si Christian. Lumapit ako sa gate at binuksan iyon. "Hi!" Bati nito at inabot ang bouquet of roses sa'kin. "Tuloy ka!" nakangiti kong sabi sa kaniya. Nagpatiuna na akong pumasok at napansin ko ang pagsimangot ni Christian. Naabutan namin si Papa na nanonood pa rin sa sala. "Pa, may bisita po tayo," ani ko kay Papa. "O siya, paupuin mo na muna sila." Tumayo si Papa sa pagkakaupo at pinatay ang telebisyon. Tumingin ito kina Christian at Steven. "Ikaw pala 'yan, Christian!" saad ni Papa Kay Christian. Lumapit si Christian kay Papa at nagmano. "Mano po, Tito!" ani ni Christian. "At sino ka naman?" tanong naman ni Papa kay Steven. Lumapit din si Steven kay Papa at nagmano rin ito. "Good evening po, Sir!" "Steven Reyes po!" wika pa ni Steven. Lumingon si Papa sa akin, "Jana, paupuin mo na muna sila at pagmeryendahin." Tumango naman ako kay Papa. Tumalikod na ito at humakbang paakyat sa taas. Inilapag ko muna ang mga bulaklak sa center table. "Upo kayo!" saad ko kina Christian at Steven. Umupo ang dalawang binata sa magkabilang dulo ng sofa. Tinungo ko ang kusina at gumawa ng merienda para sa kanila. Nadatnan ko ang dalawa na matalim ang tinginan sa isa't isa. Napabuntong hininga naman ako sa kanila. "Uminom muna kayo nang malamig na juice nang mabawasan naman ang init sa pagitan ninyong dalawa." Inilapag ko ang tray sa center table at inabot sa bawat isa sa kanila ang baso. "Salamat!" ani ni Christian nang maiabot ko sa kaniya ang baso. Nang iabot ko naman ang baso kay Steven ay pasimpleng hinawakan nito ang kamay ko. Pinandilatan ko siya ng mga mata at nginisihan naman ako nito. Umupo ako sa gitna nilang dalawa. "Kumusta na ang pakiramdam mo, Jana?" may pag-aalalang tanong ni Christian. "Mabuti naman ako, sadyang napagod lang talaga ako kahapon," tugon ko naman sa kaniya. "Sigurado ka ba?" sabat naman ni Steven at umusog pa palapit sa'kin at saka kinapa ako sa leeg. "Ang OA mo ha," natatawang sabi ko at marahang tinabig ito sa kaniyang kamay. "H'wag mo masyadong pagurin ang sarili mo, Jana." Hinawakan ni Christian ang kaliwa kong kamay at pinisil iyon. Hinawakan naman ni Steven ang kanan kong kamay at dinala iyon sa kaniyang bibig upang kintalan ng halik. "H'wag ka nang sumali ulit sa pagchi-cheering sa susunod para 'di ka napapagod ng husto." Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o maiinis sa nangyayari. "Nakakakilig naman kayong tingnan," kinikilig na wika ni Jezel na nasa harapan na namin. "Pero, parang 'di naman natutuwa ang ate ko sa ginagawa ninyo sa kaniya." At malakas na tumawa si Jezel. "May bisita pala tayo?" sabad ni Mama na kapapasok lamang sa may pintuan. Pasimple kong binawi ang aking mga kamay kina Christian at Steven. Nagmano si Christian kay Mama at ganoon din si Steven. "Hmm... Sino siya?" tanong ni Mama sa'kin na itinuro pa si Steven. "Si Steven po, Ma!" turan ko naman kay Mama. "Upo kayo mga Iho," wika ni Mama. "Tuloy na rin po ako, Tita." Paalam ni Christian. "Uuwi ka na agad?" tanong ko kay Christian. Tumango siya sa'kin, "Bukas na lang tayo magkita ulit, Jana." "Ihahatid ko lang po si Christian sa labas." Paalam ko sa kanila. Hinatid ko sa may gate si Christian. "Salamat sa pagbi-..." Hindi ko na natapos ang sasabihin dahil kinuyumos na niya ako ng halik sa aking labi. "Christian!" hinihingal kong usal nang bitiwan niya ang aking labi. "See you tomorrow!" nakangiti niyang sambit. Pinapasok muna niya ako sa loob at siya na ang kusang nagsara sa gate. Pagpihit ko paharap ay nakatayo na si Steven sa aking harapan. "Uuwi ka na rin ba?" tanong ko sa kaniya. "Hindi pa naman." Napasimangot naman ako sa sinabi nito. "Eh bakit ka lumabas?" Pagtataray ko sa kaniya. "Ang tagal mo kasing pumasok. Isa pa mas mahangin dito," nakangisi niyang turan sa'kin. "Umuwi ka na rin kaya?" asar kong sabi sa kaniya. "Aah... Aah... Aah..." mapang-asar nitong sabi habang umiiling-iling. "Uuwi lang ako kapag malinaw na ang usapan natin," paanas pa niyang sabi. "Anong usapan?" maang kong tanong sa kaniya. "Na ako ang magiging escort mo sa grad ball." Lumapit ito sa kinatatayuan ko. Halos magkadikit na ang aming mga katawan. Umangat ang kamay nito padapo sa aking pisngi at hinaplos niya ako roon. "Bakit sinabi ko ba 'yon?" Patuloy kong pagtataray sa kaniya pero lihim na nanginig ang aking mga tuhod. Hinapit niya ako sa aking baywang kung kaya't mas lalong nagdikit ang aming mga katawan. "Bakit ka nanginginig?" nakangisi niyang wika at tinitigan ako sa mata. "Ako? Nanginginig? Hindi kaya!" masungit kong sabi sabay irap sa kaniya. Mahinang tumawa ito kung kaya napatingin ako sa kaniya. Dahan-dahang lumapit ang mukha niya sa'kin at sinibasib ako ng halik sa aking labi. "Ako ang escort mo sa grad ball!" Hinihingal niyang sabi nang bitiwan ang labi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD