Chapter 9

1621 Words
Christian San Rafael (POV) “Congrats, Bro!” Bati ni Roy sa'kin at kinamayan ako nito. “Sa wakas! Nasabi mo rin sa kaniya, Bro.” Tinapik ako ni Albert sa aking balikat bilang pagbati. “Let’s call it a celebration!” anas naman ni Leo sa'kin at nakipagsanggang balikat. "Tawagin ko lang si Jana at aalis na rin tayo," saad ko sa kanila. Tumango naman sila sa akin bilang tugon. Nilingon ko si Jana na kasalukuyang tumutulong sa paglilinis. Napansin kong tahimik ito mula pa kaninang magtapat ako sa kaniya. Hindi ko tuloy alam kung galit ba siya sa aking ginawa. "Binigla ko rin kasi!" ani ko sa sarili. Naglakad ako palapit sa kaniyang kinaroroonan. Tumikhim muna ako bago nagsalita, "May maitutulong ba ako, Jana?” Lumingon siya sa akin at nginitian niya ako. Nawala ang anumang agam-agam na aking nadarama. "Sabay na tayong umuwi, Jana." Hinawakan ko ang isa niyang kamay at dinala iyon sa aking bibig. Pinaulanan ko iyon nang maliliit na mga halik. “Ang sweet naman!” Kinikilig na wika ng isa niyang kaklaseng babae, na si Jessa. “Sige na Jana, sumabay ka na sa kanila kami na ang bahala rito.” Pagtataboy naman ng isa pa niyang kaklase na si Kevin. “Ingatan mong kaibigan namin Kuya Christian ha, kundi lagot ka sa amin,” nakataas ang kilay na sabi ni Lyn at diniinan pa ang salitang 'Kuya.' “Pangako, iingatan ko ang kaibigan ninyo!” Tinaas ko ang kanang kamay sa kanila bilang panunumpa. “Christian, pwede mo ba akong ipakilala sa friend mong drummer?” saad naman ni Ice sa'kin. "Ice!" bulalas ni Jana. Pinandilatan pa niya ito ng kaniyang mga mata at kinurot sa tagilirang bahagi ng baywang nito dahilan para malakas na sumigaw ito. Nagtawanan naman kaming lahat sa kanilang dalawa. Dumaan muna kami sa bar kung saan kami tumutugtog ng grupo madalas. Nag-celebrate kami kagaya ng request ni Leo. Tamang inom lang naman ang ginawa namin dahil kasama namin si Jana. “Salamat at pinagbigyan ninyo akong umawit kayo sa campus,” naluluhang sabi ni Jana. “Wala 'yon, gaya nga nang sinabi namin kanina basta ikaw Jana, walang problema!” tugon naman ni Roy rito. “Malakas ka kaya sa amin!” Kumindat si Leo kay Jana. "Bro, sabi ko naman sa'yo 'wag mong kikindatan nang ganiyan si Jana at baka magulpi ka na talaga ni Christian," anas naman ni Albert kay Leo. "F*ck you!" turan naman ni Leo rito. Inakbayan ko si Jana at binulungan sa kaniyang tainga, “Ang cute mo pala kapag namumula ang iyong mga pisngi.” Kinurot niya ako sa aking kanang hita. "Jana!" hiyaw ko naman dahil ramdam ko ang sakit nang ginawa niyang pagkurot. Tawa naman nang tawa sina Albert, Leo at Roy sa aming dalawa. Hinuli ko ang kamay ni Jana at dinala iyon sa aking bibig. Hinalikan ko siya roon nang hinalikan dahilan na lalong ikinapula ng kaniyang mga pisngi. ---------- Nalaman ni Pinuno ang ginawa kong pagtatapat kay Jana kung kaya naman ipinatawag ako nito at kinausap. Pinapalitan niya ako bilang leader ni Jana dahil na rin sa pinaiiral na batas ng samahan. Hindi siya tumututol kung magkaroon man kami ng relasyon. Iyon nga lang ay hindi rin kami pwedeng magsama sa mga activities ng samahan lalong-lalo na sa pagtuturo sa mga bata. Hindi pinapayagan ng samahan ang pagsasama ng dalawang volunteer na may relasyon sa pagtuturo dahil maaaring makaapekto iyon sa performance ng isang volunteer teacher. Hindi nga naman magandang tingnan kung ang dalawang magkasamang nagtuturo ay may relasyon. Pwede kasing makasama iyon sa imahe ng mga bata. Matagal ko na ring pinag-iisipang umalis sa samahan. Hindi ko lang maiwan-iwan si Jana dahil gusto kong ako mismo ang maging gabay niya roon. Itinuturing ko ng kaibigan si Pinuno kung kaya naman ay iginagalang ko ang bawat desisyon nito. Alam kong makabubuti iyon para sa lahat dahil siya mismo ang nagsabi sa akin noon na patapusin ko muna sa pag-aaral ang dalaga bago ko ito ligawan. Ngunit hindi ko iyon nasunod dahil hindi ko na rin kayang tiisin pa ang aking nararamdaman para sa dalaga. Lalo pa't alam ko rin namang marami sa mga kaedarang niyang binata ang naghihintay lamang nang pagkakataon na pumorma kay Jana. Ramdam na ramdam ko ang paghanga sa kaniya ng schoolmate niyang si Steven na isang varsity player sa kanilang campus. Yes, kilala ko si Steven dahil well-known sa larangan ng negosyo ang kaniyang yumaong ama na si Stefano Reyes. Isa sa mga hinahangaan kong business tycoon noong mga panahong nabubuhay pa ito. Kaylapit nga ni Jana sa'kin ngunit para naman siyang mga bituin na napakalayo at kayhirap abutin. At dahil nga sa mga sinagawang batas na aming sinusunod dito sa loob ng samahan, kinakailangan naming maghiwalay bilang kaniyang leader. Alam kong may pagtingin ang dalaga sa akin at 'di ko iyon sinamantala dahil ganoon din naman ang katugon kong damdamin sa kaniya. Gusto ko lang na ilagay sa tamang panahon ang lahat at pakiwari ko naman ay ito na rin siguro ang tamang panahon na iyon. At kahit hindi pa siya tapos sa kaniyang pag-aaral ay itutuloy ko pa rin ang pormal na panliligaw sa kanila. Hihingiin ko mismo ang basbas ng kaniyang mga magulang. Kung tutuusin ay kaya ko na siyang buhayin ngunit ayokong sapawan ang anumang piliing bokal ng dalaga sa buhay. Lingid kasi sa kaalaman ng lahat ng tao sa samahan ang totoong estado ko sa buhay. Ang alam lang nila ay isa rin akong estudyante sa kolehiyo na papalit-palit lamang ng kurso. Tanging si Pinuno lang din ang tunay na nakakaalam ng totoong pagkatao ko. Hinihintay ko na lang din tuluyang grumadweyt si Jana at tuluyan na rin akong magpapaalam sa samahan. Gusto ko na ring tumutok sa aking sariling buhay kasabay nang pagtutok sa aking negosyong napabayaan na. Tinatapos ko ang mga trabaho sa bahay kapag may klase kaming tinuturuan ni Jana para hindi ako nagkakaproblema sa opisina. Madalas sa telepono ko na lamang kinakausap ang aking sekretarya para i-check ang aking mga appointments at ayusin ang bawat oras ko sa trabaho. Pumapasok na lang ako ng opisina kapag bakante na ang oras ko sa lahat ng mga activities naming dalawa ni Jana. Tumutugtog man kami ng banda 'yon ay para na lamang sa aming katuwaan. Hindi namin ginawang hanapbuhay ang pagtugtog dahil may kani-kaniyang negosyo ring hinaharap sina Albert, Roy at Leo 'gaya ko. Alam nilang tatlo ang nararamdaman ko para kay Jana, kaya't pinakinausapan ko silang tumugtog kami sa campus ng dalaga. Ang alam lang ng tatlo ay may sorpresa akong inihanda para sa dalaga ng araw na ‘yon kung kaya naman mabilis ko silang napapayag. Masaya ako dahil sa wakas ay nasabi ko rin sa dalaga ang aking nararamdaman. Kahit pa nga may agam-agam akong baka bigla na lamang akong layuan nito. Hindi tinugon ng dalaga ang pagtatapat ko sa kaniya. Bagay na ipinagtataka ko at sa bandang huli ay nauunawaan ko rin naman. Ibig kong handa na siya sa oras na piliin niya akong makasama. Handa akong maghintay ng tamang panahon para sa aming dalawa. Ang importante lang sa ngayon ay nasabi ko rin sa kaniya ang aking nararamdaman. -------- Nabanggit niya sa'kin na bumagsak ang kaniyang cellphone kung kaya nakikigamit lamang siya sa kaniyang mga kaklase upang maki-text. Tamang-tama na napadaan ako sa mall kung kaya naman ibinili ko siya ng bagong labas na model ng cellphone. Dumaan ako sa bahay nila at masayang sinalubong naman ako ng Papa niya. Palibasa'y kilala na ako nito at madalas ko ring kakwentuhan sa kung anu-anong mga bagay. Mula sa taas ng hagdan ay pinagmasdan ko si Jana. Napakaamo ng kaniyang mukha 'gaya ng isang anghel sa langit na ipinadala rito sa lupa. Balingkinitan at perpekto ang pagkakahubog ng kaniyang katawan. Lihim naman akong napalunok nang makita ang mapuputi at makikinis niyang mga hita. Pati na rin ang perpektong pagkakahubog ng malulusog niyang mga dibdib. "Sh*t! Christian, behave!" ani ko sa isipan. "Hi!" Bati sa'kin ni Jana. "Hello!" Ganting bati ko naman sa kaniya. Tumayo ako mula sa pagkakaupo upang salubungin siya sa ibaba ng hagdan. "Gabi na, napadalaw ka?" nakangiti niyang tanong sa akin. "Gusto ko lang ibigay sa'yo 'to." Sabay abot sa kaniya ng paper bag. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita niya ang nametag sa paper bag. "Hala, hindi ko 'to matatanggap," anas niya sa'kin. "Tanggapin mo na. Regalo ko sa'yo 'yan para sa graduation mo," nakangiting sambit ko sa kaniya. "Naku, hindi! Masyadong mahal ang cellphone na 'to. Inubos mo na 'ata ang buong allowance mo para pambili nito," litanya niya sa'kin. Nasamid ako sa kaniyang sinabi kung kaya naubo pa ako. Dali naman niyang inabot ang baso ng juice sa'kin upang ipainom. Hinagod pa niya ang likurang bahagi ng aking katawan at naramdaman ko ang init ng kaniyang palad doon. Kung alam lang nito ang totoong estado ko sa buhay. "Ayos ka na ba? nag-aalalang tanong niya sa akin. Tumango naman ako sa kaniya bilang tugon. "Tanggapin mo na 'yang regalo ko. Sige ka magtatampo ako sa'yo." Pinalungkot ko ang boses sa kaniya. "Bakit naman kasi ang mahal nang binili mong gift. Sana 'yong medyo mura lang para hindi naman ako makunsensiya sa oras na masira ko ulit ang cellphone," nakalabi niyang tugon sa'kin. Hinawakan ko ang isa niyang kamay na nakapatong sa kaniyang mga hita. "Jana, please?" Pakiusap ko sa kaniya. Tumingin siya sa'kin at nagsukatan kami ng tingin hanggang sa ito ang unang umiwas. "Sige na nga!" napipilitan niyang sagot sa akin. "Yes!" Malakas kong sigaw at kinabig siya palapit sa'kin. "Thank you, Jana!" malambing kong sambit sa kaniya. "Pwede ko naman siguro isangla 'yan noh?" nakangiti niyang tanong sa'kin. Nagkatawanan kaming dalawa sa kaniyang biro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD