Jamie Ann "Jana" De Castro (POV) "Marunong ka palang magmaneho ng sasakyan?" manghang tanong ko kay Christian. Pauwi na kami mula sa overnight camping na aming pinanggalingan. "Tinuruan ako ni Papa, magmaneho," tugon naman niya sa'kin. "Bakit hindi mo 'to ginagamit 'pag pumapasok ka ng campus?" tanong kong muli sa kaniya. "Hah? Ah, eh, magastos kasi sa gasolina. Mas matipid pa rin ang mag-commute." Alanganing ngiti nito sa'kin. "Kunsabagay!" kibit balikat kong sagot sa kaniya. Habang nasa biyahe ay panay ang kwento nito sa'kin. Halos hindi ako nainip kasama ito kahit pa nga naipit kami sa trapik. Binuksan ko ang cellphone na bigay nito sa akin at binasa ko ang text messages na natanggap ko mula kay Ice. Nasa bahay na raw ang mga ito. Sumabay kasi ito kina Lyn at Bryan sa pag-uw

