Chapter 21

1658 Words
Sumapit ang araw ng overnight camping at ginanap iyon sa pinakamalaking campus. Sa bawat campus ay mayroong benteng estudyante na representative bukod pa roon ang alumni students na ipinadala ng campus. Speaking of alumni students na aking magiging co-leader, hindi ko pa nga rin sila nakikilala at anong oras na ay wala pa rin sila. "Jana!" Rinig kong tawag sa'kin ni Lyn. Nilingon ko ito at tinanong, "Bakit?" "Nandito na raw ang mga co-leader mo," ani nito sa'kin. "Hay, salamat! Mabuti naman at dumating na rin sila," turan ko rito. Naglakad kami patungo sa aming tent upang kilalanin ang aking co-leader. "Nandito na pala sila eh," pahiyaw na sabi ni Rizza. Sinalubong kami ng mag-jowang sina Kiko at Jessa. "Dumating na ba ang co-leader ko?" tanong ko sa kanila na tinanguan naman nila. "Nasaan sila?" muling tanong ko sa kanila. "Naroon sa loob ng tent. Tsini-check nila kung maayos ang pagkakakabit ng bawat tent," tugon naman sa'kin ni Jessa. "O eh ba't 'di ka tumulong doon?" paismid kong tanong kay Kiko na panay lang ang hawak sa kamay ni Jessa. "Kaya na nila 'yon," kakamot-kamot sa ulong tugon nito sa'kin. Naiiling na tinalikuran ko ito at humakbang patungo sa may tent kung saan naroon raw ang isang co-leader ko. Pagpasok ko sa loob ng tent ay wala naman akong nakitang tao roon. Papihit na ko paharap palabas ng tent ng biglang may yumakap sa'kin mula sa likurang bahagi ng aking katawan. "Bitiwan mo ako!" Malakas kong sigaw at nagpumiglas ako sa pagkakayakap ng kung sinuman ito. "Sshh... Relax!" Paanas na sabi ni Steven. Nagtayuan ang mga balahibo ko sa batok nang maramdaman ko ang init ng hininga niya. Nagpumiglas ako sa kaniya at mabilis na hinarap ito. "Ano'ng ginagawa mo rito?" paasik na tanong ko sa kaniya. "Tutulungan ka!" nakangising sagot nito. "Ano?!" nagugulumihanang tanong ko sa kaniya. Ang alam ko kasi ay alumni students ang magiging co-leader ko at hindi isang varsity player. Pero, bakit may pakiramdam ako na ito nga ang co-leader ko?! "Nasaan ang co-leader ko na pinadala nila Ms. Catacutan?" mataray kong tanong sa kaniya. "Ako ang co-leader mo!" nakangisi niyang saad sa'kin. Natampal ko ang noo sa aking narinig. Sabi ko na at hindi nga ako nagkamali ng hinala. Saklap lang, Besh! "Since, ikaw naman pala ang magiging co-leader ko at wala naman akong ibang magagawa kundi ang tanggapin iyon, tulungan mo na akong igrupo ang mga kasamahan natin. Nang mabigyan na nang gawain at tuloy ay makakain na rin bago magsimula ang programa," mahabang saad ko sa kaniya. "Si Bryan na bahala riyan. Dito na muna tayo." Hinapit ako nito sa aking baywang at muling idinikit sa kaniyang katawan. "Steven!" malakas na bulalas ko sa kaniya at nagpumiglas ako mula rito. "Ang hilig mo talagang manantsing!" Sabay batok ko sa kaniyang ulo kaya nabitawan niya ako. "At ang hilig mo ring manakit," kakamot-kamot sa ulong wika nito. Binelatan ko 'to at mabilis na humakbang palabas ng tent. "Jana!" Rinig kong tawag nito sa'kin. Lumapit ako kina Ice, Lyn, Alyssa at Rizza. "Jana, nakilala mo na ba ang iyong co-leader?" tanong ni Lyn sa'kin. "Oo! Kilalang-kilala!" Paismid kong sagot sa kaniya. "Ba't mukhang high blood ka na naman Girl?" maang na tanong sa'kin ni Ice. "Ang bw*sit na Steven, siya ang co-leader ko!" gigil kong turan sa kanila. Sabay-sabay na napasinghap ang mga 'to at nagulat ako nang may biglang umakbay sa aking balikat. "Hi, Girls!" Bati ni Steven. Napangiwi ito nang sikuhin ko siya sa kaniyang dibdib. "Mapanakit ka talaga," nakangiwing wika nito. Narinig namin ang maingay na pagtunog ng trompa. "Attention to all students from different campuses, please make a line and group yourself into two team. Any moment of time, we will start the program," maingay na sabi ng emcee sa harap ng mikropono. "Okay guys, let's make a team first," wika ko sa aking mga kasamahan. Nasa kalagitnaan kami nang pagsasaayos ng grupo nang muling mag-ingay ang trompa. Ang ingay talaga ng trompa nila, nakakaturete sa tainga! "Calling the attention of all leaders from the group, please come over here at the stage and get your stabs now. Thank you!" muling sabi ng emcee. Nang maayos na namin ang bawat team, in-assign kong leader si Steven sa isang grupo. "Gusto kong magkasama tayo," nakalabing wika ni Steven. "Eh anong silbi mo rito bilang co-leader ko?" inis na tanong ko sa kaniya. "Pre, ikaw na maglider sa isang grupo tutal makakasama mo naman doon si Lyn. Magkasama naman kami ni Jana sa isang team." Tinapik nito si Bryan na tumango naman agad sa kaniyang sinabi. Napatampal naman ako sa aking noo sa sobrang kunsumisyon sa kanila. "Bahala na nga kayo!" inis kong wika at humakbang na palayo sa kanila patungo sa may stage. "Jana!" Sumunod pala sa'kin si Steven. "Pwede ba, lubayan mo muna ako at kukunin ko pa ang mga stab natin," Kunsimidong pakiusap ko sa kaniya. "Umupo ka na lang muna riyan at ako nang kukuha ng mga 'yon," nakangiting turan niya sa'kin at itinuro ang upuang nasa ilalim ng puno. Inalalayan pa muna niya akong makaupo roon bago siya tuluyang umalis. Habang hinihintay ko si Steven ay nag-scroll muna ako sa f*******: pantanggal inip. "Nakuha ko na ang mga stub," wika ni Steven na siyang umuntag sa ginagawa kong pagdutdot sa aking cellphone. "Tara, bumalik na tayo sa team!" ani ko sa kaniya. Tumango naman siya sa'kin at inalalayan pa niya akong makatayo. Naglakad na kami pabalik sa mga kasamahan namin. Pagdating doon ay naabutan na namin silang kumakain. "Jana, Steven, kumain na kayo!" Aya sa'min ni Lyn at inabot nito ang paper plate. "Share na lang tayo para 'di sayang ang plato," ani ni Steven at kinuha ang plato sa aking kamay. Nagsandok ito ng pagkain at saka inabot sa'kin ang platong puno ng laman na pagkain. "Ang sweet naman nila!" kinikilig na wika ni Ice. Pinandilatan ko 'to ng mata na humagikhik lang naman sa'kin. "Kumain na tayo para maayos na natin ang team," saad naman ni Steven. Sumubo lang ako ng kaunti at inabot ko na kay Steven ang plato. "Hindi mo ba ako susubuan?" nakangising tanong nito sa'kin. "At bakit naman kita kailangang subuan?" mataray na tanong ko sa kaniya. Mahinang tumawa naman ito sa'kin. Nagsimula nang tawagin ang bawat campus. Pinapila na ang bawat team at saka pinaupo. "Ang overnight camping na 'to ay binubuo ng iba't ibang activity kaya inaasahan namin ang inyong pakikiisa," wika ng emcee. Nagpalakpakan kaming mga estudyante bilang pagsang-ayon sa sinabi ng emcee. "Before we start, gusto naming ipakilala muna sa inyo ang ating mga makakasama na siyang magbibigay ng activity," muling sabi ng emcee. Isa-isang tinawag ng emcee ang mga taong makakasama raw namin na siyang magbibigay ng activity namin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Christian na isa sa mga tinawag. "Jana, 'di ba si Christian 'yan?" tanong sa'kin ni Jessa. Napakurap-kurap ang mga mata ko kay Christian at halos hindi ako makapaniwalang naroon ito. Nagtama ang aming mga paningin at kinindatan pa ako ni Christian na siyang dahilan nang panunukso sa'kin nina Jessa, Alyssa at Ice. "Mukhang may nagseselos," bulong sa'kin ni Lyn. Lumingon ako sa gawi ni Steven at nakita ko ang nakabusangot na mukha nito. Napapakamot sa ulong itinuon ko na lang ang pansin sa activity. Isa sa gagawing activity ay ang pagchi-cheering. Kaya naman tuwang-tuwa ang mga kasamahan ko sa grupo dahil meron na agad kaming representative para sa campus namin na walang iba kundi ako. Nagpraktis kami at may portion na aapakan ng babae ang likod ng lalaki. Si Oliver ang lalaking aapakan ko sa kaniyang likod at ito rin ang sasalo sa'kin sapagkat inayawan ko agad na makapareha si Steven. Habang nagpapraktis kami ay napansin ko ang panginginig at madalas na pagngiwi ni Oliver sa tuwing aapakan ko ang kaniyang likuran. Hinila ko 'to sa sulok at kinausap. "Okay lang ba talaga sa'yo na ikaw ang patner ko, Oliver?" "Pasensiya ka na, Jana. Ang totoo niyan hindi kasi ako pwedeng apakan talaga sa likod dahil maysakit ako riyan," nahihiyang hayag nito. Napasinghap ako sa kaniyang sinabi. "Oh my, ba't 'di mo sinabi agad?" "Nahihiya kasi ako sa inyo, lalo na sa'yo." Yumuko ito at tila maluluha na. "I'm sorry, Oliver!" Humakbang ako palapit dito at yayakapin ko na sana ito nang biglang hatakin naman ako ni Steven, kaya tuloy sa dibdib niya ako napadausdos. "Ay kabayo!" natitilihang sambit ko. "Ba't ka ba biglang nanghihila?!" pabulyaw ko pang anas kay Steven. "Ako na ang pa-partner kay Jana, Pre." Tinapik nito ang balikat ni Oliver. Ngumiti si Oliver at nagpasalamat sa amin. Nagpasalamat din ako kay Oliver bago muling bumalik sa pagpapraktis. Si Steven ang pumalit kay Oliver kaya ito ngayon ang inaapakan ko. "Ang bigat mo naman, Jana!" Reklamo nito sa'kin. "Magtiis ka dahil ginusto mo iyan!" pabulyaw na sabi ko sa kaniya dahil nakatayo ako sa kaniyang likuran. Natapos namin ang pagpapraktis kaya nagpahinga na muna kami. Maya-maya'y tinawag na kami para sa paggawa ng bonfire. Umupo kaming lahat bilang pabilog at gumawa ng bonfire sa gitna niyon. "For your first activity, isusulat ninyo sa papel ang name ng taong gusto niyong makasama habang buhay," anas ng emcee sa mikropono. "Pero, dapat 'yong tao na 'yon ay narito rin." Sabay tawa ng emcee na sinabayan ng iba pang mga taong narito. Nagtaas ako ng kamay para magtanong at pinansin naman iyon agad ng emcee. "Sir, pa'no po 'pag wala rito ang taong gusto mong makasama habang buhay, pwede po bang hindi na sumali?" Malakas na tanong ko sa emcee. "Bawal ang killjoy, Ms. De Castro! It is only for fun, 'wag masyadong seryosohin ang mga bagay. Lahat tayo ay kasali rito, no excemptions!" sagot naman sa'kin ng emcee. "Okay, Sir!" sagot ko naman dito. Isa-isa nang pinatayo at pinasabi ang name ng taong napili namin. Pagdating sa'kin ay tumahimik silang lahat. "Ang taong gusto kong makasama habang buhay ay si Lyn at Ice." Kinindatan ko ang dalawa. "Na-touch ako!" sabi ni Ice. "Siyempre mga kaibigan ko kayo eh," tugon ko naman sa kaniya. "I love you!" saad naman ni Lyn at niyakap kami ni Ice. "Talaga lang ha, eh ba't si Bryan ang sinulat mo?" nakaingos kong turan sa kaniya. "Oo nga, si Bryan ang love mo hindi kami," nakalabing wika naman ni Ice. "Sorry naman, akala ko kasi makakasama bilang jowa eh," humahagikhik na sagot ni Lyn sa'min. "Bakit kayo na ba?" paismid kong tanong sa kaniya. "Hindi noh!" mabilis na tugon naman nito. "Hindi raw, pero kuntodo dikit kay Bryan. Parang linta lang ang peg!" Buska pa ni Ice kay Lyn na pinamulahan ng pisngi. Si Steven na ang sumunod na nagsalita. "Ang gusto kong makasama habang buhay ay walang iba kundi ikaw, Jana." Tumingin pa 'to sa akin at nagtama ang aming mga paningin. Kinantiyawan tuloy kami at umugong ang malakas na 'Uy!' "Lakas talaga ng trip mo," nakasimangot kong sabi kay Steven nang bumalik 'to sa pagkakaupo sa'king tabi. "Hindi 'yon trip noh!" Inakbayan niya ako. Siniko ko siya sa dibdib at tinabig ang kamay niyang nakaakbay sa'king balikat. "Uy! Ang sweet nila." Panunukso nina Ice at Lyn. "Tse!" Paismid kong tugon sa dalawa na naghagikhikan pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD