Kinausap ako ni Ms. Catacutan tungkol sa gaganaping overnight camping ng iba't ibang campus.
Ako at ang ilang piling mga kaklase ko ay kailangang sumama sa overnight camping na 'yon.
Ako rin ang siyang napiling maging lider ng grupo.
"Pero, Ma'am..." Lumapit ako kay Ms. Catacutan.
"No but's, Ms. De Castro!" Pinal nitong hayag.
"Bakit po kasi ako?" pag-uulit ko pang tanong dito.
"It is because you're the one who chose to represents our campus," seryoso nitong sabi.
"Ma'am baka pwedeng iba na lang po." Pangungulit ko pa kay Ms. Catacutan.
"Sasama ka ba o ibabagsak kita para 'di ka grumadweyt?" pananakot niyang tanong sa'kin.
"Ay, sasama ako, Ma'am! Madali lang naman po akong kausap," nang-uuyam kong turan kay Ms. Catacutan.
"Good!" Ginulo pa nito ang buhok ko.
"Ma'am..." Ngumiti muna ako sa kaniya bago muling nagsalita.
"What?" mabilis niyang bulalas sa'kin.
"Baka naman pwedeng iba na lang po ang maging lider kahit sumama pa po ako sa overnight camping na 'yon." Lumuhod ako sa kaniyang harapan at nagsumamo.
"Ms. De Castro!" malakas niyang bulalas.
"Stand up!" natitilihang wika pa nito.
Lihim naman akong napangiti nang makita ang natatarantang anyo ni Ms. Catacutan.
"Yes! Sana umubra ang paawa epek ko sa kaniya," ani ko sa sarili.
"Kahit anong paawa ang gawin mo sa'kin, Ms. De Castro, hindi na niyan mababago pa ang nakatakdang mangyari sa'yo," natatawang saad nito.
Sumimangot ako, "Bakit naman gano'n, Ma'am?"
"Dahil galing na mismo ang order na 'yan sa Head ng Dean natin. So if you really want, kay Ms. Lynette ka makiusap," hayag pa nito sa'kin.
"Si Ms. Lynette po?" nakangiwing tanong ko sa kaniya.
"Yes, si Ms. Lynette. Siya lang naman ang Dean ninyo, 'di ba?" balik tanong niya sa'kin.
Nalintikan na, hindi ko madadaan sa pakiusap si Ms. Lynette. Tiyak na 'di papayag 'yon kahit lumuhod pa ako nang lumuhod sa harapan 'nun maghapon.
"Don't worry, Ms. De Castro, may makakasama ka namang alumni students na siyang magiging katuwang mo sa pagli-leader." Tinapik pa ako ni Ms. Catacutan sa aking balikat.
Gumuhit ang ngiti sa aking labi.
"Yes! Akala ko ay magsosolo akong maging lider."
"Of course not, 'di naman ako papayag na solohin mo 'yun, Iha," nakangiting sambit nito.
"Thank you, Ma'am!" malambing kong turan dito at yumakap ako sa kaniya.
Binigay niya sa'kin ang listahan ng mga kasama sa overnight camping. Pinasadahan ko iyon ng tingin at nakita kong kasama sina Ice at Lyn doon. May ilang studyante rin na nakalista roon at pawang mga di ko na kilala ang mga 'yon.
Pagdating sa silid aralan ay agad kong kinausap ang mga kaklaseng kasama sa overnight camping na 'yon. Nagtoka ako ng mga bagay na dadalhin nila para sa araw na 'yon.
Pagsapit nang uwian ay inaya ko sina Ice at Lyn na mamili ng mga dadalhin namin para sa overnight camping.
Palabas na kami ng campus nang bumusina at huminto ang sasakyan ni Steven sa tabi namin.
"Hi, Girls!" Nakangiting bati nito.
"Hello, Papa Steven!" malanding sagot naman ni Ice, rito.
"Pauwi na ba kayo?" tanong ni Steven.
"Hindi pa, mamimili kaming tatlo ng mga gagamitin namin para sa overn-..." Naputol ang anumang sasabihin ni Ice dahil kinurot ko 'to sa tagilirang bahagi ng kaniyang baywang.
"Ouch!" malakas na hiyaw nito.
"Napakadaldal mo talaga!" Gigil kong sabi sa kaniya.
"Grabeh ka talaga sa'kin," nakasimangot na anas ni Ice.
"Oy, tama na 'yan at baka magkapikunan pa kayong dalawa." Awat naman sa aming dalawa ni Lyn.
"Sakay na, ihahatid ko na kayo." Alok ni Steven sa amin.
"Tara!" ani ni Ice.
"Hindi na!" tutol ko naman at pinandilatan ko ng mga mata si Ice.
"H'wag na Steven nakakahiya naman sa'yo, maaabala ka pa namin." Tanggi rin ni Lyn kay Steven.
Mabuti pa 'to si Lyn marunong makiramdam eh.
"It's okay! Come in!" Binuksan ni Steven ang pinto ng kaniyang sasakyan.
"Kayo na lang sumakay magkita na lang tayo sa may J&J Mall." Naglakad na ako palayo sa kanila.
"Jana!" Tawag sa'kin ni Lyn.
Hindi ko nilingon ang mga 'to. Malalaki ang mga hakbang na lumayo na ako sa kanila.
Ewan ko ba kung bakit parang kumukulo ang dugo ko kay Steven mula nang makita ko 'to sa fastfood na may kaakbayang babae.
"Nagseselos lang, Jana?" asik ko naman sa sarili.
Patawid na ako sa kabilang kalsada nang may pumigil sa aking braso.
Pagharap ko rito ay napasubsob naman ako sa matigas niyang dibdib.
"Ano ka ba?!" bulyaw ko kay Steven nang makitang ito ang humila sa'kin.
"Ba't ba ang sungit mo? May dalaw ka ba ngayon?" balik tanong nito.
Dumapo ang kamay ko sa ulo niya at binatukan ko siya nang malakas.
"B*stos ka talaga!" gigil na gigil kong anas sa kaniya.
Hinapit niya ako sa aking baywang at kinabig ang ulo ko palapit sa kaniyang mukha saka sinibasib ng halik ang aking labi.
Marahas niyang hinalikan ang aking labi at pilit ginagalugad ang loob ng aking bibig.
"Woah! Ang sweet naman nila!" kinikilig na wika ng kung sino.
"Masyado namang pa-PDA ang mga 'to. Hoy, doon kayo sa hotel maglaplapan," hiyaw ng isang tinig na 'di ko alam kung kanino galing.
Dinig na dinig ko ang mga sinasabi nila at biglang umusok ang bunbunan ko sa inis dala nang pagkapahiya.
Inipon ko lahat ng buong lakas ko para maitulak ito nang malakas.
"Steven!" galit kong bulalas sa kaniya at binigyan ng isang malakas na sampal sa kaniyang kanang pisngi.
Nasapo nito ang kaniyang kanang pisngi at nakabusangot na hinarap ako nito.
"Ano bang problema mo, Jana?" madilim ang anyo nitong tanong sa'kin.
"Ikaw ang problema!" pabulyaw kong tugon sa kaniya upang mapagtakpan ang nararamdamang hiya sa aking katawan.
"Napakakulit mo!" bulyaw ko pang muli sa kaniya.
"Makulit pala ha!" Nabigla ako ng kaniyang kargahin at isinampay sa kaniyang katawan na parang sako lang ng bigas.
"Steven!" natitilihan kong hiyaw sa kaniya.
Pinaghahahampas ko 'to sa kaniyang likod ngunit 'di niya alintana iyon. Bagkus ay nagpatuloy lamang siyang humakbang palakad patungo sa kaniyang sasakyan.
Pagdating doon ay agad niya akong iniupo sa front seat at isinuot agad ang seatbelt sa aking katawan saka mabilis niyang ini-lock ang pinto sa side ko.
"Grabe ka, Jana! Kailangan mo pa talagang kargahin para lang sumakay rito?" Nahimigan ko ang inis sa boses ni Ice.
"Mukha bang feel kong sumakay rito?!" paismid kong sagot.
"Masarap bang humalik si Steven?" kinikilig na tanong naman ni Lyn.
"Tse!" Sabay irap ko sa kaniya.
Nagtawanan ang dalawa na kasalukuyang nasa back seat nakaupo.
Nakangiting pumasok naman si Steven sa driver seat.
Pinaulanan ko 'to ng sandamakmak na irap at akmang bubuksan ko na ang pintuan sa aking side nang tumunog ang lock niyon.
Tinapunan ko nang masamang tingin si Steven na tatawa-tawang binubuhay ang makina ng sasakyan.
Narinig ko naman ang mahinang hagikhikan nina Ice at Lyn sa may bandang likuran kung kaya tinapunan ko sila ng matatalim na irap.
Kung nakamamatay lang ang pag-irap, malamang kanina pa sila plakda lahat.
Upang kalamayin ang aking sarili, nagsalpak ako ng headset sa tainga at nagpatugtog ng maingay na kanta.
Sa ganoong paraan ay 'di ko maiisip na narito ako sa loob ng sasakyan ni Steven.
Hindi ko rin nililingon ito kahit pa nga sina Lyn at Ice.
Dahil naipit kami sa trapik, nakaramdam ako ng antok kung kaya't 'di ko naiwasang mapahikab.
Napapikit ko na ang mga mata ng biglang huminto ang sasakyan ni Steven. Muntik na tuloy akong mapadausdos sa harapan ng sasakyan.
"Ano ka ba?" bulyaw kong tanong kay Steven.
"Sorry!" Hinging dispensa naman nito.
"Bakit ka ba kasi biglang nagpi-preno?" pabulyaw ko pa ring tanong sa kaniya.
"Tama na 'yan, Jana!" asik sa'kin ni Lyn.
"Oo nga, Jana. Remember, nakikisakay lang tayo." Segunda naman ni Ice.
Naiinis na nanahimik ako sa pagkakaupo.
"Hindi ko naman kasi sinabing isakay niya kami," bubulong-bulong kong wika sa sarili.
May ilang sandali pa at nakarating na rin kami sa J&J Mall.
Matapos maiparada ni Steven ang kaniyang sasakyan sa parking lot ay agad akong tumalilis papasok sa loob ng mall.
Tinext ko na lang si Lyn na sundan ako sa comfort room dahil ihing-ihi na talaga ako.
Pagdating sa comfort room ay isang babae lang ang tao sa loob kaya swerteng nakagamit agad ako ng cubicle.
"Success!" mahinang hiyaw ko at parang luka-luka na naglululundag pa sa tuwa.
Naghugas muna ako ng kamay sa sink at saka inayos ang aking sarili.
Pagpihit ko ng pinto ay nabunggo ako sa isang katawan na nakaharang.
"Ano'ng ginagawa mo riyan?" pasuplada kong sabi kay Steven.
Tinabig ko 'to para maalis sa pagkakaharang pero hindi rin siya naalis.
"Ba't ba ang sungit-sungit mo?" Inakbayan niya ako.
Siniko ko siya sa sikmura dahilan para mapangiwi ito at maalis sa pagkakaakbay sa'kin.
Mabilis akong naglakad palayo kay Steven at hinanap ko sa paligid sina Ice at Lyn ngunit 'di ko sila nakita.
Nagulat ako sa paghawak ni Steven sa aking kamay at kinuha nito ang ibang gamit ko.
"Ano ba?!" pabulyaw kong turan sa kaniya.
"Ako na magdadala ng mga gamit mo," nakangiti niyang sambit.
Inirapan ko ito at hinayaan na lamang sa kaniyang trip. Nahiya rin ako sa paligid namin dahil pinagtitinginan na rin kami.
"Saan ba nagpunta sina Ice at Lyn?" tanong ko sa kaniya.
"Yown! Pwede ka naman palang magsalita ng 'di nakabulyaw eh," nakangising wika nito.
Sinamaan ko siya ng tingin at ngingisi-ngising nag-peace sign ito sa'kin.
"Nasa bookstore sila, doon na raw natin sundan." Hinawakan nito ang isang kamay ko at hinila na ako papunta sa bookstore.
Pagdating doon ay hinanap namin ang dalawa. Nakita namin sila sa tapat ng mga ballpen. Nilapitan ko ang dalawa.
"Nabili niyo na ba ang mga gagamitin natin?" tanong ko sa kanila.
"Oo, babayaran na lang," sagot naman ni Lyn.
Nang mabili na namin ang mga gagamitin ay nag-aya na akong bayaran ang mga 'yon sa kahera.
Napansin kong 'di ako masyadong kinikibo ni Ice. Malamang nainis ito sa aking pagsusuplada.
Nilapitan ko ito at kiniliti sa kaniyang tagilirang baywang.
"Jana!" malakas na bulalas ni Ice.
"Galit ka ba?" malambing kong tanong sa kaniya.
Inirapan ako nito at inilagay pa ang mga braso niya sa kaniyang dibdib.
"Minsan kasi nakakainis ka na," nagtatampong wika nito.
"Sorry na!" niyakap ko ito mula sa kaniyang tagiliran.
"Hmp!" Paismid nitong anas.
"Hoy, sali ako!" ani naman ni Lyn at lumapit ito sa'min.
"Teka lang, pa'no yang binabayaran mo?" sabi ko sa kaniya.
"Papa Steven, pakibayaran nga muna ito at makikiyakap muna ako sa kanila," humahagikhik na utos ni Lyn kay Steven.
Nakangiting lumapit si Steven kay Lyn at kinuha ang cart mula rito para siya na ang pumila.
Lumapit si Lyn sa'min ni Ice at niyakap kami nito. Para kaming mga luka-lukang nag-akapan sa gitna ng bookstore.
Nagulat ako nang may yumakap mula sa aking likuran.
"Nainggit ako sa inyo, Girls kaya makikiyakap din ako." Pinalungkot pa ni Steven ang kaniyang boses na animo'y totoong talaga.
"Group hug!" Malakas na sabi ni Steven at pinagdikit ang aming mga katawan.
Pero ang loko sa'kin lang talaga nakadikit ang kaniyang katawan.
"Kahit kailan ka talaga, mga ninja moves mo, Steven!" gigil na gigil kong bulong sa kaniya.
Malakas kong siniko ito sa kaniyang dibdib.
"Aray!" Mahinang daing nito.