Pagsapit ng uwian ay mabilis ang aking kilos dahil papasok pa ako sa trabaho.
Pwede naman na sana akong mag-resign, pero nanghihinayang pa rin kasi ako sa pwedeng sahurin mula rito.
Saka baka manibago rin ako kung bigla kong ihihinto ang mga nakasanayan ko nang gawin.
Pagsakay ko ng jeep ay napansin ko si Steven sa fastfood na may kaakbay na babae.
Saktong nakasakay na ako ng jeep nang lumingon ito at magtama ang aming mga paningin. Ngumiti ito sa'kin na ginantihan ko naman ng irap. 'Di ko na ito nilingon pa.
Pagdating sa trabaho ay agad kong binati ang aming store manager na si Mam Kath.
"Hi, Mam Kath!" Nakangiting bati ko sa kaniya.
"Hello, Jana! Nagmamadali ka 'ata?" Ganting bating tanong nito sa'kin.
"Late na po ako!" tugon ko naman sa kaniya.
Tumingin ito sa kaniyang pambisig na relo.
"Thirty minutes pa, Neng!" naiiling nitong wika.
"Weh? 'Di nga?" 'Di makapaniwalang sagot ko sa kaniya.
Mahinang tinampal ako nito sa noo.
"O siya, magbihis ka na at baka matuluyan ka ngang ma-late," anas niya sa'kin.
Mabilis ang mga kilos kong nagpunta ng comfort room at nagpalit agad ng uniporme. Naglagay pa muna ako sa mukha ng make-up at saka inilagay sa loob ng locker ang aking mga gamit.
Pagdating ko sa bundy clock ay nakita kong may limang minuto pa ako bago mag-time in.
"Jana, mag-time in ka na at marami ng customer." Tawag sa'kin ni Mam Kath.
Nag-time in ako at ibinalik ang DTR sa lalagyan niyon.
Dahil maraming customer, umalalay muna ako sa likuran ni Jen.
Ito ang kahera at ako naman ang tatakbo para sa mga order ng kaniyang customer.
Nang nasa kalagitnaan ng customer na si Jen ay napasinghap kaming lahat sa ginawa ng customer nito.
Binato niya si Jen ng barya dahil ang tagal daw umabot ng pila sa kaniya.
Napaiyak naman si Jen sa ginawa ng kaniyang customer.
"Excuse me, Mam. Hindi po 'ata tamang batuhin niyo ng barya ang aming kahera dahil lamang sa kadahilanang matagal po kayong nakapila," inis kong sabi.
"Dapat kasi priority ninyo ang mga senior citizen at hindi kayo lalamya-lamya sa mga galaw niyo." Pagtataray ng matandang customer.
"Kaya nga po tayo may priority lane, Ma'am para roon po kayo pumila." Pinipigilan kong tumaas ang aking boses gawa ng matanda itong kaharap ko.
"Customer is always right!" mataray nitong tugon sa'kin.
"Yes, but we also have a right to respect, Ma'am!" mahinahon kong saad sa kaniya at diniinan ko pa ang salitang respect.
"Where is your, Manager? I want to talk to her," mariin nitong sabi.
Hinawakan ako ni Jen sa balikat na patuloy lamang sa kaniyang pag-iyak. Niyakap ko ito at pinakalma.
"Baka matanggal tayo," humihikbi nitong sabi.
"Sshh... Don't worry, akong bahala sa'yo." Pagpapakalma ko sa kaniya.
"I want to talk to your, Manager," ani ng bastos na matandang customer.
Tinalikuran ko ito at lihim na inismiran. Lumapit ako kay Mam Kath at sandaling nagpaliwanag sa mga nangyari.
"Binugahan mo sana ng tubig." Biro naman nito sa'kin.
"Pwede ba? Tiyakin mo lang na 'wag matanggal si Jen, gagawin ko talaga 'yang sinabi mo." Hamon ko pa sa kaniya.
"Loka!" natatawang turan nito sa'kin bago tuluyang lumabas.
Sumunod ako kay Mam Kath nang lumabas ito ng office. Muli akong bumalik sa likuran ni Jen at sinabihan ko itong ipagpatuloy na namin ang aming trabaho.
Nakita kong matagal na nag-usap sa sulok ng mesa sila Mam Kath at ang matandang customer. Napansin ko ring panay ang tingin nila sa'kin.
"Jana, baka naman matanggal ka?" naiiyak na bulong ni Jen.
"Sshh... Relax ka lang. May tiwala ako kay Mam Kath." Kumindat ako kay Jen.
"Eh, pa'no kung matanggal ka nga?" muling anas nito sa'kin.
"E 'di tanggal," nakangiting bulalas ko sa kaniya.
"Wala naman tayong magagawa kung 'yan ang pasya nila. Ang mahalaga maipabatid ko rin sa customer na 'yan na hindi sa lahat ng panahon ay lagi nilang gagamitin sa atin ang salitang 'Customer is always right!', it's so unfair to us. Nagtatrabaho tayo nang maayos tapos sila pwede tayong bastusin, gano'n ba 'yon?" dagdag ko pang sabi.
"Mabuti ka pa kaya mong gawin 'yan," malungkot na wika ni Jen.
"Pwede mo ring gawin 'yan, Jen! May karapatan pa rin tayong mga empleyado na ipagtanggol ang ating mga sarili." Tinapik ko sa balikat si Jen.
"O siya, gawin na natin ang ating mga trabaho." Tumango ito sa'kin bilang pagtugon.
Nang kumonti na ang tao ay nagpaalam na ako kay Jen na lilipat na sa may bandang kusina upang doon naman tumulong.
Habang hindi pa ako tinatawag ni Mam Kath, nilinis ko muna ang mga station at sinanitize.
Hinugasan ko ang ibang mga equipment na nakita ko sa may sink.
"Jana, please come to the office." Tawag sa'kin ni Mam Kath.
Habang papunta ng office ay 'di ko naiwasang kabahan.
"Ano nga kaya ang desisyon ni Mam Kath? Sana kasi 'di mo na lang pinatulan 'yong matanda. Pero, tama lang naman na ipagtanggol ko rin minsan ang karapatan naming mga empleyado," ani ko sa sarili.
Nag-aalalang nakatingin sa'kin si Jen na parang sinasabing 'Jana!'
Nginitian ko naman ito bago tuluyang pumasok sa loob ng office.
"Have a seat, Jana." Tinuro pa ni Mam Kath ang upuan, kaya naman umupo ako roon.
"So, alam mo naman ang pwedeng mangyari sa'yo once na sagutin mo ang isang customer, right?" tanong nito sa'kin.
"Yes po!" tugon ko naman sa kaniya.
"Sa palagay mo, ano ang unang offense mo?" tanong pa niyang muli sa'kin.
"Sinagot ko po ang customer at hindi ko po ikaw tinawag agad," nakalabi kong tugon sa kaniya.
"What else?" dagdag pa niyang tanong.
Umiling-iling ako kay Mam Kath dahil wala na akong ibang maisip na dahilan at saka iniyuko ang aking ulo.
"Sa susunod Jana, bugahan mo ng tubig para umalis na lang agad ang customer at nang 'di na humakot pa ng atensyon ng ibang customer, okay?" Napatingala ako sa sinabi nito.
"Mam Kath!" malakas kong bulalas sa kaniya.
"Joke lang!" Malakas na tumawa ito at saka nag-peace sign sa'kin.
"Anyway, ang customer na 'yon ay isa sa mga inspector ng ating store. Kinausap niya akong ipromote ka dahil pumasa ka sa pagsubok nila," matamang sabi ni Mam Kath.
"Pero, Mam Kat-..." Naputol ang anumang sasabihin ko nang iabot nito ang isang papel at ballpen.
"Basahin mo muna 'yan bago ka mag-react diyan. Babalikan kita after thirty minutes. Basahin mong maigi at unawain bago mo pirmahan, okay?!"
Lumabas na ito at naiwan akong tulalang nakatitig sa papel na iniwan nito.
Binasa ko iyon at inunawang maigi 'gaya nang sinabi nito.
Nakasaad roon na pinopromote nila ako bilang isa sa mga bagong manager ng store.
Nanlaki pa ang mga mata ko nang makita sa bandang dulo ang salitang 'Congratulations! Job well done!'
Naluluha ako sa saya pero hindi ko magawang pirmahan ang recommendations.
Hindi ko magawang pirmahan dahil iba ang gusto kong gawin after graduation.
Gusto kong mag-apply ng trabaho sa ibang kumpanya upang masubukan ang aking kursong tinapos.
Alam kong sure work na 'tong ino-offer sa'kin pero gusto kong masubukan ang aking kakayahan sa larangan ng aking tinapos sa ibang kumpanya.
Muling pumasok si Mam Kath mula sa pintuan.
"So, nakapag-decide ka na ba?" nakangiting tanong nito sa'kin.
"Opo," tugon ko sa kaniya.
"Congratulations, Jana!" Nakangiting inilahad nito ang kaniyang kamay.
Tinanggap ko ang pakikipagkamay ni Mam Kath sabay abot sa kaniya ng papel na pinapipirmahan niya sa'kin bago ito lumabas kanina.
Tiningnan nito ang papel at manghang napatingin ito sa'kin.
"Hindi mo tinatanggap?" manghang bulalas niya at saka tumingin sa'kin.
"Napakaganda ng alok, Mam Kath. Pero hindi ko po ito matatanggap," nakangiting tugon ko sa kaniya.
"Bakit?" malungkot niyang tanong sa'kin.
"Hindi pa po ako nakaka-graduate at parang hindi pa po ako handang tumanggap ng anumang trabaho after ko pong grumadweyt," nakangiting turan ko kay Mam Kath.
"Kaloka ka! Ang iba nagkukumahog na ma-promote tapos ikaw biyaya na tinatanggihan mo pa," naiiling nitong wika sa'kin.
"Salamat na lang po sa offer, Mam Kath." Lumapit ako sa kaniya at niyakap ko ito nang mahigpit.
"Salamat din po sa pagiging mabuting katrabaho sa'kin," gumagaralgal ang boses kong saad sa kaniya.
"Aysus, nagdrama ka naman," naiiling nitong wika.
"Hindi kaya!" paismid kong turan sa kaniya.
Nagkatawanan kaming dalawa at lumabas na kami ng opisina upang pumwesto na ako sa harap ng counter.
Kahera kasi ang naka-plot na schedule sa'kin sa araw na 'yon.
Magkatabi kami ni Jen ng kaha kaya kinalabit ako nito.
"Ano'ng nangyari?" tanong niya sa'kin.
"Ayos lang naman, Jen. H'wag ka na masyadong mag-alala sa'kin." Ngumiti ako sa kaniya para mapanatag ito.
Tumango ito sa'kin at muli kaming tumutok sa aming mga trabaho.
Lumipas ang ilang oras at nakapag-break na rin ako ng muling dumami ang customer.
Mabilis akong sumalang sa kaha para matulungan ko si Jen sa pagkuha ng orders.
Lumipat ng pila ang ibang mga customer sa aking hanay at inistima ko ang mga 'yon.
Napatingin kami sa may pintuan nang marinig namin ang malakas na tilian ng mga kababaihan.
Nanlalaki ang mga mata kong nakatitig kay Christian habang naglalakad ito papunta sa aking hanay.
Pumila ito sa bandang dulo at ngumiti sa'kin nang pagkatamis-tamis.
"Oh my gosh, ang gwapo niya!" Malakas na hiyaw ng isang baklang nakaupo sa mesang malapit sa may gilid ng counter.
"Bhe, kunin natin ang number niya," tumitiling saad ng kasama nitong bakla.
Lumapit kay Christian ang isang bakla at nagpakuha ito ng litrato na pinagbigyan naman ng binata.
Sumunod naman ang isang dalagita na nagpakuha ng litrato sa kaniya hanggang sa nasundan pa ng ibang mga kababaihan at kabaklaan.
Nagkagulo na ang mga ito sa harap ni Christian.
Dahil ito na ang susunod kong customer at wala na rin masyadong tao, nagpaalam muna ako kay Jen na lalabas ng kaha.
Tumango naman ito sa'kin at lumabas na ako ng kaha.
Nilapitan ko si Christian at hinawakan sa kamay.
"Okay guys, layuan niyo muna ang boyfriend ko kung ayaw niyong mabugahan kayo ng apoy," mataray kong taboy sa mga nagkakagulong bakla at kababaihan dito.
Hinila ko si Christian palayo sa mga ito at dinala ko siya sa may sulok malapit sa comfort room.
"Tama ba 'yong narinig ko?" nakangiting tanong niya sa'kin.
"Na ano?" maang kong tanong sa kaniya.
"Sinabi mo sa kanilang boyfriend mo ako," nakangiting turan niya sa'kin.
"Sinabi ko lang 'yon para layuan ka nila noh!" nakataas ang kilay na anas ko sa kaniya.
Natawa naman ito sa'kin, "Hindi ka pa ba uuwi?"
"Malapit na rin akong mag-out," sagot ko naman sa kaniya.
"Hintayin na lang kita para sabay na tayong umuwi," ani niya sa'kin.
"Sure ka ba riyan?" tanong ko naman sa kaniya.
"Uhuh!" Tumango-tango pa siya sa'kin.
"O siya, rito ka na muna at babalik na ako sa trabaho para makapag-out na rin ako." Paalam ko sa kaniya.
Tumango ito sa'kin at hinalikan muna niya ang kamay ko bago iyon binitawan.
"Ang swerte naman ni Ate Girl!" kinikilig na sabi ng isang bakla sa gilid.
"Sana ako na lang siya!" natitilihang wika naman ng babae sa may malapit din doon.
Naiiling na lumayo ako kay Christian at lihim na nangingiti sa aking sarili.