Chapter 25

1886 Words
Steven Reyes (POV) Hindi ko natiis na 'di ito yakapin nang marinig ang kaniyang sinabi. "Nakakainis ka na!" humihikbing bigkas nito sa sarili. Alam kong para sa akin ang narinig kong sinabi nito, kaya dali akong lumapit sa kaniya at niyakap siya mula sa kaniyang likuran. Napansin ko na hindi matandain si Jana sa lugar kagaya na lamang kanina na para itong naliligaw sa gitna ng mga puno. "Pakinggan mo kung saan nanggagaling ang tinig nina Ice at Lyn," ani ko pa sa kaniya. Doon pa lang ito tila nahimasmasan at saka pinakinggan ang tinig ng mga kaibigan. Hinila ko na siya patungo sa direksyon nina Ice at Lyn. Hindi ko inaasahang madulas 'to sa pagbaba sa aking likuran. Kung kaya naman mabilis kong inikot ang aking katawan pahiga para masalo ang katawan ng dalaga. Niyakap ko ito sa kaniyang baywang nang matiyak na maayos lang siya kahit pa nga may nararamdaman akong makirot sa likurang bahagi ng aking katawan. Nasisiyahan akong makita ang pag-aalala sa kaniyang mukha lalo na ang naluluha nitong mga mata nang mahawakan ang aking sugat sa likod na bahagi ng aking katawan. Mas lalo akong napahanga sa kaniya na sa kabila nang panginginig niya sa paghawak sa dugo ay nagawa pa rin niya akong lagyan ng gamot at alagaan. Kumuha ito ng pagkain ko at sa sobrang pagkainip ko sa paghihintay sa kaniya ay lumabas ako ng tent. Bagay na 'di ko sana ginawa dahil naabutan ko silang dalawa ni Christian na naghahalikan. Kuyom ang mga kamaong mabilis na nagbalik sa loob ng tent at isinigaw ang pangalan ng dalaga. "Jana!" malakas kong tawag dito. Nakasimangot ako nang pumasok ito. Inabot niya sa'kin ang cup noodle ngunit 'di ko iyon inabot. Akmang aalis na ito nang pigilan ko sa kaniyang kamay kaya napadausdos siya sa aking katawan. "Ay kabayo!" bulalas nito. "Mas gwapo naman ako sa kabayo!" bulong ko sa kaniya. "Ba't ka ba nanghihila?" asik niya sa'kin. Hinapit ko siya sa kaniyang baywang. "Steven!" malakas na bulalas nito. "Dito ka lang pwede?" malambing kong wika sa kaniya. Akala ko ay 'di niya na ako pagbibigyan kaya laking tuwa ko nang manatili ito roon at subuan pa ako nito ng pagkain sa kahilingan ko na rin sa kaniya. Nang magpaalam itong pupunta sa pila ng mga kagrupo namin ay dali akong sumama. Naghubad ako ng t-shirt upang makapagbihis nang panibagong damit. "B*stos!" Malakas na bulalas ni Jana. Natawa ako sa reaksyon nito dahil daig pa niya ang naeskandalo at tumalikod pa siya sa'kin. Minadali ko ang pagbibihis upang malapitan ito agad. Niyakap ko siya mula sa kaniyang likuran. Siniko niya ako sa dibdib at mabilis na lumabas ng tent. Natatawang sinundan ko ito palabas at malalaking hakbang ang ginawa ko para makalapit agad dito. Pumunta ako ng comfort room at pagbalik ko ay wala na si Jana. "Si Jana ba nakita niyo?" tanong ko kina Lyn at Bryan habang sweet na sweet na nagsusubuan pa ang dalawa. "Nagpaalam Pre na maglalakad-lakad daw muna diyan sa tabi-tabi," tugon naman ni Bryan na patuloy sa pagsubo kay Lyn. "Sh*t!" mahinang mura ko. "H'wag kang mag-alala Pre, babalik din iyon agad," ani pa ni Bryan. Madilim sa paligid ng campus at tanging street light lang ang nagbibigay liwanag dito. Delikado para kay Jana ang mag-isang maglakad lalo na at babae pa naman ito. Bukod pa roon ay maraming estudyante ngayon dito na galing sa ibang campus na maaaring bumastos sa kaniya. Hinanap ko ito sa paligid ng lugar ngunit 'di ko siya nakita. Binalikan ko ang mapunong lugar at hinanap siya roon ngunit wala rin. Pumunta ako sa parking lot at baka sakaling doon ito nagtungo. Pero, walang Jana akong nakita roon. "Sh*t! Nasaan ka na ba, Jana?" nag-aalalang usal ko sa sarili. Bagsak ang balikat na bumalik ako sa pila ng aming grupo. "Nandito na ba si Jana?" tanong ko kay Ice nang makalapit ako rito at umupo sa katabing upuan nito. "Wala pa, Papa Steven," tugon naman nito sa'kin. Marahas na napabuga ako ng hangin. "Saan naman kaya maaaring magpunta iyon?" Nag-iingay ang trompa dahil pinaghahanda na ang lahat para sa susunod na activity. Ngunit wala roon ang isip ko dahil si Jana lang ang tanging inaalala ko ng mga sandaling iyon at kung saan ito maaaring magtungo. Nakita kong papalapit na si Jana sa'min. Tatayo na sana ako nang matigilan ako sa planong paglapit kay Jana. Nakita kong magkahawak kamay sila ni Christian. Nagtagis ang mga bagang ko at parang gusto kong suntukin si Christian ng mga sandaling 'yon. Naramdaman ko ang pagtapik ni Bryan sa aking balikat upang pakalmahin ako. "Saan ka galing?" malamig kong tanong kay Jana. "Naglakad-lakad lang diyan sa paligid," tugon naman nito sa'kin. "Sh*t!" bulalas ko at sinuntok ng isang kamao ang palad ko. Padaskol akong tumayo mula sa pagkakaupo at marahas na umalis sa lugar na 'yon. Nagtungo ako sa mapunong lugar at doon nagpalamig ng init ng ulo. Nang mahimasmasan ako at maalalang kami ni Jana ang representative sa pagkanta ay malalaki ang mga hakbang na bumalik ako sa lugar kung saan naroon ang mga kagrupo ko. Nakita kong umaawit na si Jana sa stage at lalapitan ko na sana 'to nang biglang sumulpot si Christian mula sa kung saan. Ito ang nagpatuloy sa pagkanta at siya rin ang naging kapareha sa pag-awit ni Jana. Nanlumo ako sa nakitang pag-iyak ng dalaga lalo na nang humagulgol ito sa dibdib ni Christian. Pakiramdam ko ay galit sa'kin si Jana sa ginawa kong pag-iwan sa kaniya. "Ang t*nga mo Steven! Nagpadala ka sa emosyon mo," gigil kong mura sa sarili. Nanatili ako rito sa madilim na bahagi ng lugar at masakit na pinanood ang bawat galaw nina Jana at Christian. Nang matapos sila sa pag-awit ni Christian ay gusto ko sanang lapitan ang dalaga, ngunit nakita kong nilapitan sila ng isa sa mga VIP guest. Naghintay ako ng ilang sandali bago sila lapitan sana ngunit tinawag naman silang dalawa ng emcee. Parang gumuho ang mundo ko nang makita ang ginawang the moves ni Christian. May pabulaklak at pagtatapat segwey sa harap ng maraming tao si g*go. Hindi ko na hinintay pa ang sagot ni Jana sa sinabi ni Christian. Lumayo ako sa lugar na 'yon. Tanging malakas na hiyawan ng mga taong naroroon at ang malakas na sinabi ng emcee na 'Congratulations, Mr San Rafael!' ang siyang huling naulinagan ko mula roon. Selos na selos ang aking pakiramdam at parang gusto ko nang umalis sa campus. "Ang t*nga mo Steven! Ang t*nga-t*nga mo!" mura ko sa aking sarili. Huminto ako sa paghakbang at isang malakas na suntok ang binigwas ko sa puno. Umagos ang dugo sa aking kamao at 'di inalintana ang hapding sumisigid mula roon. "Ang t*nga ko!" gumagaralgal kong sambit. "Jana..." Napaupo ako sa malalaking ugat ng punongkahoy at naihilamos ang mga palad sa aking mukha. Matagal ako sa ganoong ayos at 'di ko na namalayang nakatulog na pala ako. ****** "Steven..." Mahinang yugyog sa'kin ng pamilyar na tinig ni Jana. "Jana..." Idinilat ko ang mga mata at ikinurap-kurap upang makatiyak na ang dalaga nga ang nasa aking harapan. "Bakit naman dito mo pa naisipang matulog? Kanina ka pa namin hinahanap" asik nito sa'kin. Ipinilig kong ang ulo at baka nagkakamali lamang ako ng tingin sa taong kaharap. Kunot noong hinawakan nito ang kamay ko at pinakatitigan niyang maigi iyon. Narinig ko ang malakas na pagsinghap nito nang makitang umagos ang dugo mula sa sariwang sugat na nagmumula roon. "Ano'ng nangyari sa kamay mo?" pautal-utal niyang tanong sa'kin. Napangiti ako nang muling masilayan ang kaniyang nag-aalalang mukha. Kinabig ko siya sa kaniyang ulo at walang babalang sinibasib ng halik sa kaniyang labi. Totoo ngang si Jana ang nasa aking harapan at hindi ito isang guni-guni lamang. "Jana," hinihingal kong anas nang bitiwan ang kaniyang labi. "Anong nangyari sa kamay mo?" saad nito sa'kin. "Halika na sa tent at gamutin natin 'yan," patuloy sa pag-aalalang sambit niya at pilit akong hinihila patayo nito. Ngunit imbes na ako ang mahila niya patayo, siya ang muling bumalik sa aking katawan dahilan para mapalapit ang mukha nito sa mukha ko. Sa pagkakataong iyon ay muli ko siyang kinintilan ng halik sa kaniyang labi. Halik na habang tumatagal ay palalim ng palalim at parang ayoko nang tigilan pa. "Jana! Steven!" Dinig kong sigaw ni Bryan. Mabilis na kumalas mula sa akin si Jana. "Jana!" Pigil ko sa kaniyang kamay. "Halika na, gamutin natin 'yang sugat mo at baka magka-impeksyon pa 'yan." Hila nito sa'kin. Tumayo ako nang 'di binibitiwan ang kamay nitong nakahawak sa'kin. Humakbang na kami patungo sa aming tent. Naabutan namin sina Bryan, Ice at Lyn na umiinom ng kape. "Lyn, pasuyo naman ako pakuha sa medkit," utos ni Jana rito. Hinawakan nito ang kamay ko at hinugasan muna niya iyon ng tubig galing sa bottled water. "Anong nangyari riyan, Papa Steven?" natitilihang tanong ni Ice. "Nasagi lang. Hindi ko kasi napansin ang puno dahil madilim," tugon ko kay Ice. Puno nang pagdududang tumingin sa'kin si Bryan at ngumisi ang g*go na parang alam na alam ang totoong nangyari. "Ang malas ng puno," nang-uuyam pa niyang sabi. Sinamaan ko siya ng tingin na parang sinasabing manahimik ito. Tawa naman ng tawa ito na ikinataka nina Jana at Ice. "Tulog na ang iba at tayo na lang ang gising pa kaya 'wag na kayong maingay." Pananaway ni Lyn at inabot ang medkit kay Jana. "Salamat!" Pasasalamat ni Jana kay Lyn. "Saan ka ba kasi nagpunta, Steven?" tanong naman sa'kin ni Lyn. "Naglakad-lakad lang diyan sa ta- Ouch!" daing ko nang maramdaman ang hapdi ng alcohol sa aking kamao. Kinuyom ko ang isang kamao sa sobrang hapdi na naramdaman at 'di ko naiwasang mapapikit sa sobrang sakit. "Dahan-dahan naman!" Pinipigilan kong mapabulyaw. "Ang laki-laki mong tao pero takot ka sa alcohol," sermon sa'kin ni Jana. "Kasalanan mo 'to eh," 'di ko napigilang sabi. "Ikaw nga 'tong may kasalanan dahil hindi ka dumating. Nagprisi-prisinta kang kumanta pero ikaw 'tong wala!" paasik nitong sabi. "Dumating ako," mahinang sagot ko sa kaniya. Natigilan naman ito at matamang tumingin sa aking mukha. "Sinungaling!" Idiniin nito ang bulak na may alcohol sa aking sugat. "Sh*t!" napangiwing mura ko nang maramdaman ang muling pagsigid ng hapdi sa aking sugat. "Dahan-dahan sabi!" 'Di ko na napigilang mapataas ang boses. "Gamutin mong mag-isa 'yang sugat mo!" paismid nitong sabi at tumayo mula sa pagkakaupo. Maagap kong pinigilan siya sa kamay upang 'di ito umalis. Baka mamaya ay makasama na naman nito ang g*gong Christian na 'yon. "Bitiwan mo nga ako!" Nagpumiglas ito ngunit lalo ko lamang hinigpitan ang pagkakahawak sa kaniyang kamay. "Sorry!" mahinahon kong sambit. "Patawarin mo na Jana, baka mamaya ikaw naman ang hahanapin," sabad naman ni Ice. "Oo nga, saka 'wag na sabi kayong maingay at natutulog na sila. Tayo na lang ang gising sa kanilang lahat." Tinuro pa ni Lyn ang mga tent kung saan naroon ang ibang mga kasama naming natutulog na. Padabog na muling naupo si Jana sa aking harapan kinuha nito ang bulak at muling idinampi sa aking kamao na may sugat. Kinindatan naman ako nina Ice at Lyn na kasalukuyang nakatayo sa may likurang bahagi ni Jana. Lihim naman akong napangiti sa itsura nito. Nakabusangot kasi ang mukha nito at halos 'di maipinta. Tinapik ako ni Bryan sa balikat at saka ito lumipat sa tabi nina Ice at Lyn.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD