"Oo, ang ganda!" manghang bulalas ko.
Nilublob kong muli ang aking kamay sa tubig at muling naglapitan ang mga isda sa aking mga daliri.
Tuwang-tuwa kong pinagmasdan ang mga 'yon.
"Nakakatuwa!" masayang bulalas ko.
"Mabuti naman at nagustuhan mo." Kinilabutan ako nang maramdaman ang init ng kaniyang hininga sa may bandang batok ko.
"Christian!" paanas kong usal sa kaniyang pangalan.
"Pa'no mo nga pala nalaman ang lugar na 'to?" utal kong tanong sa kaniya.
"Dito po kasi ako nag-aral," anito.
"Talaga?!" masayang sabi ko at nilingon ito.
"Yep!" nakangiting bigkas nito.
"Galing naman! Kaya pala VIP guest ka rin ngayon." Mahinang tumawa ako.
"Tsk! 'Di mo pa nga talaga ako kilala," naiiling nitong wika.
Tumingin ako sa kaniya at inisip ang mga sinabi nito.
Totoo ngang 'di ko pa siya gaanong kilala, dahil ang tanging alam ko lang naman sa kaniya noon ay leader ko siya sa samahan at nag-aaral ding tulad ko. Ni hindi ko nga inalam kung saan siya nag-aaral.
Ang mahalaga lang naman kasi sa'kin noon eh makita at makasama ko siya. Masaya na ako 'nun!
Hinawakan nito ang isang kamay ko at dinala niya iyon sa kaniyang bibig.
'Attention to all, please come back to our lines, so that we can start our next activity.'
Hayag ng malakas na boses ng tagapagsalita na nagmumula sa ingay ng trompa.
"Tara na!" Aya ko sa kaniya.
Ngumiti ito sa'kin at saka maingat na hinila ako sa kamay. Naglakad kaming magkahawak kamay pabalik sa pila.
Narinig ko ang pagsinghap nina Ice at Lyn nang nasa harapan na nila ako.
Titig na titig silang lahat sa aming dalawa ni Christian, bagay na pinagtakhan ko dahil alam ko namang kilala na nila ito sa concert pa lamang ng campus.
"Dito na muna ako, Jana." Paalam ni Christian sa'kin.
Tumango ako sa kaniya at tumalikod na ito sa amin. Doon ko pa lamang napagtantong magkahawak kamay kaming dalawa.
"Saan ka galing?" malamig na tanong ni Steven.
"Naglakad-lakad lang diyan sa palibot," tugon ko naman sa kaniya.
"Sh*t!" Narinig kong mura nito at sinuntok ng isa niyang kamao ang isang palad niya.
"Bakit?" takang tanong ko sa kaniya.
Hindi siya kumibo bagkus ay tumayo lamang 'to at saka umalis.
"Anong problema 'nun?" maang kong tanong kay Lyn.
"Kanina ka pa kasi 'nun hinahanap, eh hindi ka naman niya makita-kita," sagot naman ni Lyn.
"Pa'no ka naman niya makikita eh kasama mo pala si Christian at mukhang safe naman pala ang pinanggalingan niyo." Parunggit naman sa'kin ni Ice.
"Hah? Ano'ng ibig mong sabihin?" maang ko pang tanong kay Ice.
Naguguluhan kasi ako sa mga sagot nila sa'kin.
"Kayo na ba ni Christian?" balik tanong sa'kin ni Lyn.
"Hindi!" mabilis na bulalas ko.
"Sigurado ka?" Paniniyak na tanong pa ni Lyn.
"Oo naman!" bigkas ko pa sa kaniya.
"Tsk! Alam mo Jana, sana ako na lang ikaw," natatawang saad ni Ice.
"Bakit naman?" maang kong tanong sa kaniya.
"Ang haba kasi ng hair mo, Girl!" natitilihang sagot nito sa'kin.
"Eh sino ba kasi sa dalawa ang pipiliin mo?" naiiling na tanong ni Lyn.
"Pipiliin?" naguguluhang balik tanong ko naman kay Lyn.
"Alam mo Jana, kailangan mong mamili sa kanilang dalawa. Para habang maaga pa ay alam na nila kung saan sila lulugar diyan sa puso mo," litanya sa'kin ni Lyn.
"Kailangan mong maging totoo sa kanila at higit sa lahat kailangan mong mamili talaga sa kanila para pagdating ng panahon ay hindi sasakit ang ulo mo," seryosong sabi naman ni Ice.
Natahimik ako sa sinabi nila, "Bakit kasi may pagpili?"
"Ano ba kasi ang level nila, sa'yo?" magkapanabay na sabi nina Ice at Lyn.
"Girls, tara na! Masyado nang seryoso ang usapan ninyo. Marami pa tayong gagawin," Sabad naman sa amin ni Jessa.
Tahimik na sumunod na lamang ako sa kanila.
Inumpisahan ang next activity. Bawat campus ay may representative sa pagbirit.
Malapit na kaming tawagin pero wala pa rin si Steven.
"Nasaan na kaya ang Kolokoy na 'yon," pabulong kong bigkas sa sarili.
"Darating 'yon 'di ka matitiis 'nun," bulong sa'kin ni Ice.
Tinawag na ang campus namin pero walang dumating na Steven.
Bilang representative, tumayo ako at lumapit sa emcee.
"Ms. De Castro, it's nice to know that you're the one who gonna sing for us," nakangiting sambit ng emcee sa'kin.
"Yes, Sir! For the sake of my campus," nakangiting tugon ko rito.
"So, where is your partner?" patuloy na tanong nito sa'kin.
"Ahm, nandiyan lang po 'yon sa tabi-tabi, Sir. Lalabas din po 'yan pag nagsimula na akong umawit," nakangiwing saad ko.
"Oh... There's a choreography scene pala?" patuloy nitong sabi.
"Okay, you may start now, Ms. De Castro." Pumalakpak ito at sinundan iyon ng ibang mga taong naroon.
Nagsimula akong umawit kahit hindi ko siguradong darating si Steven.
What if I never knew
What if I never found you
I'd never have this feeling in my heart
How did this come to be
I don't know how you found me
But from the moment I saw you
Deep inside my heart I knew
Naramdaman ko ang pag-agos ng mga luha mula sa aking mga mata. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak o kung para saan ang mga luhang 'yon. Pero, pakiramdam ko ang sakit-sakit ng aking dibdib at kailangan ko iyong iiyak.
Baby your my destiny
You and I were meant to be
With all my heart and soul
I give my love to have and hold
And as far as I can see
You were always meant to be my destiny
Napatingin ako sa taong kumanta. Ang tahimik na luha ko ay nauwi sa paghagulgol nang makita kong papalapit sa'kin si Christian.
"Christian!" usal ko sa kaniya.
Niyakap niya ako nang mahigpit at patuloy naman akong humagulgol sa kaniyang dibdib.
Maybe all we need is just a little faith,
Cause baby I believe that love will find a way.
(Song credited to the rightful owner.)
Pagtatapos ni Christian sa kanta habang patuloy naman niya akong yakap.
Malakas na nagpalakpakan ang mga taong naroroon at kinikilig na naghiyawan pa ang iba.
"Ang swerte naman ni Ate Girl kay Kuya!" kinikilig na hiyaw ng isang bakla mula sa kung saan.
"Sinurpresa mo nga kami, Ms. De Castro," kinikilig na wika naman ng emcee.
"Hindi ko ini-expect na si Ms. De Castro pala ang girlfriend ni Mr. San Rafael. Gosh!" Sigaw ng isang VIP guest mula sa stage.
Lahat ng iyon ay naririnig at natunghayan ko kaya naman lalong umagos ang malakas na pagluha mula sa aking mga mata.
"Sshh... Tahan na!" Marahang hinagod nito ang aking likuran.
"H'wag mo na silang pansinin," saad pa nito sa'kin.
"Parang gusto ko na lang maging bula," sumisinok-sinok kong wika sa kaniya.
Narinig ko ang mahinang pagtawa nito. "Sira, hindi ka magiging bula dahil wala ka namang sabon at tubig na dala."
Natawa naman ako sa sinabi nito. Pinahid niya ng panyo ang aking mukha na hilam ng mga luha.
Marahang hinila niya ako sa bandang tabi at tinulungan munang maayos ang aking itsura.
"Congratulations, Ms. De Castro, Mr. San Rafael!" Napalingon kami sa nagsalita.
Ang isa sa mga VIP guest na nasa entablado ang lumapit sa'min. Inilahad nito ang kamay niya sa'min at tinanggap naman iyon ni Christian kung kaya't nakipagdaupang palad din ako.
"Nice song! And I feel kilig factor to both of you! Hindi mo naman sinabi sa'kin, Bro na maganda pala ang girlfriend mo. Just bring her in our office." Tinapik pa nito sa balikat si Christian.
"Soon!" Tinapik din ito ni Christian sa balikat.
Naguguluhang nagpalipat-lipat ako ng tingin sa kanilang dalawa at inulit ko pa sa isipan ang kanilang mga salita.
"Okay, Bro! Nice to meet you again, Ms. De Castro," nakangiting bumaling ito sa'kin.
Nakangiting tumango naman ako sa kaniya. Tumalikod na ito at humakbang na palayo sa amin.
"Christian..." Tawag ko sa binata.
Lumingon ito sa'kin, "Gusto mo bang umalis muna tayo?"
Umiling-iling ako sa kaniya.
"I just want to say, thank you for saving me," madamdamin kong wika sa kaniya.
Kumunot ang noo nito, "Saving from?"
"Sinalo mo ako sa pang-iiwan sa'kin ng ka-partner ko." Kumuyom ang aking mga kamao.
Ngumiti ito sa'kin, "Hindi naman kita sinalo eh."
"Hah?" maang kong saad sa kaniya.
"Ako pa nga ang nahulog sa'yo," makahulugang wika nito.
Pakiramdam ko ay namula ng husto ang aking mga pisngi.
"Grabe ka lang makahugot din." Tinampal ko 'to sa kaniyang braso.
Tumawa ito ng malakas na kalaunan ay sinabayan ko naman.
'Calling the attention of Mr. San Rafael and Ms. De Castro, to please come over here.'
Narinig kong tawag sa'min ng emcee.
"Tinatawag tayo," pabulong kong anas kay Christian at tumingin ako sa kaniyang mukha.
"Tara, puntahan muna natin," nakangiting sambit nito.
Hinawakan nito ang kanang kamay ko at humakbang kaming magkahawak kamay patungo sa tumawag sa'min.
"Congrats, Mr. San Rafael!" nakangiting saad ng emcee kay Christian.
Ngumiti naman dito si Christian.
"Tayo ba ang nanalo?" bulong ko kay Christian.
Nagkibit balikat naman ito sa'kin. Tumahimik na lang ako at hinintay ang mga mangyayari.
Tumugtog ang isang malamyos na awitin.
Nanlaki ang mga mata ko ng may lumapit sa aming mga estudyante mula sa taga ibang campus.
Bawat isa sa kanila ay may dalang tig-isang tangkay ng Red Roses at inabot iyon sa'kin.
Narinig ko ang malakas na hiyawan ng mga taong nasa paligid pati na rin ang mga kaibigan ko at kagrupo sa mismong campus ko.
"Ano 'to?" naguguluhang tanong ko sa sarili at nahagip ng mata ko ang nakangiting si Christian sa aking tabi.
"Ikaw ba may gawa nito?" namumulang tanong ko sa kaniya.
Nagkibit balikat muli ito at patuloy lamang sa kaniyang pagngiti sa'kin.
"Jana, ang haba ng hair mo!" kinikilig na hiyaw sa'kin nina Ice at Jessa.
"Iba ka talaga, Jana!" impit na tili naman ni Lyn.
Muli akong tumingin kay Christian dahil pakiramdam ko talaga ay ito ang may kagagawan ng mga nangyayari.
Nang matapos ang pag-abot sa'kin ng mga bulaklak ay lumapit ang emcee kay Christian upang iabot ang mikropono rito.
Tumingin muna ito sa'kin at muling nginitian ako nito.
"Jana," panimulang usal nito at hinawakan pa ang isa kong kamay.
Matinding hiyawan at kilig ang maririnig sa buong paligid.
"Jana... Gusto kita!" madamdamin nitong wika.
Dinala nito ang kamay ko sa kaniyang labi at doon hinalikan.
"Hindi mo kailangang sumagot ngayon dahil handa akong maghintay para sa'yo," patuloy nitong sabi at muling hinalikan ang aking kamay.
"Christian!" naluluha kong usal.
Niyakap ako nito nang mahigpit. "Handa akong maghintay para sa'yo, Jana."
"Salamat, Christian! Salamat!" Ginantihan ko rin ang yakap nito sa'kin.
"How lucky you are, Ms. De Castro!" nakangiting saad ng VIP guest na lumapit sa'min kanina.
"Congratulations, Mr. San Rafael!" matinis na sigaw ng emcee sa harap ng mikropono.
"Kiss! Kiss!" hiyawan ng mga taong naroon.
Namumula ang aking mga pisngi na tumingin kay Christian at nakita ko ang pagsilay ng ngiti nito sa labi.
Dahan-dahang bumaba ang mukha nito palapit sa aking mukha. Dinampian niya ng halik ang aking pisngi.
Malakas na hiyawan at tilian ng mga taong naroon ang maririnig sa buong campus.