30

2876 Words

NASA CHAPEL si Kate. Malalim na ang gabi at dapat ay natutulog na siya dahil sa operasyon niya kinabukasan ngunit hindi niya magawa. Natutulog na ang kanyang mga kapatid. Sinubukan niyang pumuslit ngunit nagising si Andre. Sinabi niya na nais niyang mapag-isa muna. Ang bayaw mismo ang naghatid sa kanya sa chapel sa floor nila. Susunduin daw siya nito roon kapag handa na siyang bumalik sa kanyang silid. “Kayo na po ang bahala sa akin bukas,” ani Kate sa munting tinig habang nakatingin kay Hesus na nakapako sa krus. “Ipinauubaya ko na po sa inyo ang buhay ko, ang lahat. Anuman po ang kapasyahan N’yo sa akin ay tatanggapin ko. Patuloy po sana N’yong patnubayan ang mga mahal ko sa buhay. Kung sakaling... Kung sakali pong panahon na para umalis, sana ay tulungan N’yong matanggap iyon ng mga ka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD