Chapter 05

2237 Words
“H-hello po?” nanginginig kong sabi nang makuha ko kay Kuya Alet ang cellphone. Napalunok ako at huminga nang malalim. Kinakabahan ako sa hindi malinaw na dahilan. Siguro’y dahil naiisip ko na baka masungit itong fiancee niya na siyang magbibigay atensyon sa akin.   Subalit nang marinig mula sa kabilang linya ang kaniyang boses, agad din akong nabunutan ng tinik sa lalamunan.   “Hi! Kumusta ka? Ako ito, si Dahlia.” tanong nito sa masiglang boses. Oh, so her name is Dahlia. Ano kaya ang istura niya sa personal? Siguro ay maganda siya. Saka sa babaeng tipo ni Kuya Alet, nasisiguro ko na sopistikada at elegante ang kaniyang type.   Tumalikod ako mula kay Kuya Alet saka ngumiti nang pangiwi.   “A-ayos lang po ako, kahit medyo na-trauma…” Humina ang huling salita sa aking sinabi. Suminghap ko at pinaglaruan ng mga daliri ang labi.   “Hmm, ayos lang ba ang hotel kung saan kayo naka-check-in ngayon? Huwag kang mahihiyang magsabi kay Arlet kung hindi ka kumportable ha?”   Saglit akong lumingon sa likod, nananatili pa rin ang tingin niya sa akin na animo’y binabantayan ang kilos ko. Sa puntong iyon ay hindi ko napigilang mailang. Ano kayang mapapala niya kung nakamasid lamang siya nang matagal sa likod ko?   “Wala pong problema sa akin. Ayos na ayos lang po ako. Sobra pa nga po akong nagpapasalamat dahil may kumopkop po sa akin. Pasensya na po agad sa abalang maidudulot ko.”   “Ano ba, ayos lang. Saka mainam na rin ito at ng may kasama naman kami ng fiance ko sa malungkot na bahay na ito. O siya, magpahinga na kayo at maaga pa ang biyahe bukas. See you soon darling!”   “Sige po.”   Nang maibaba na niya ang linya, saka lang uli ako nakaharap muli kay Kuya Alet. Inabot ko sa kaniya ang phone ngunit hindi niya inilahad ang kaniyang kamay.   “Ipatong mo na lang doon,” sabay turo sa mesang nasa tabi ng headboard. “Pakipindot na rin ang switch ng ilaw.”   “Sige po.”   Sinunod ko ang kaniyang utos. Nang ipatong ko sa lamesita ang kaniyang  cellphone, saka siya humiga sa posisyon kung saan ang isang braso ay nakaunan sa kaniyang ulo. Pumikit siya at maamong natulog.   Inalis ko ang twalya sa aking buhok at isinabit sa rack ng bathroom. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa switch ng ilaw at maingat itong pinindot. Sa isang iglap, nagdilim ang lahat. Ilang segundo pa ang pinalipas ko upang makahagilap ng liwanag. Tanging sinag na lang ng buwan sa bintana ang tangi kong paraan upang maaninag ang kama ngunit bigla itong naglaho. Diyos ko, baka mamali pa ako ng higa dito kung basta-basta na lang akong hihiga.   Huminga ako nang malalim. Abot-abot na ang tahip ng dibdib ko habang naglalakad papalapit sa kama. Sa sobrang dilim ng paligid ay napakapa-kapa na lang ako upang mahagilap ang unan. Ngunit sa unang lapag ng aking palad, namilog agad ang mga mata ko nang maramdaman ang tangos ng kaniyang ilong.   Mahina akong napamura.   “S-sorry po!” sigaw ko. Napatakip ako sa bibig ko at lalong dinapuan ng hiya nang maramdamang kumilos siya. Sa isang iglap, maliwanag na umilaw ang lampshade sa kung saan ko ipinatong ang kaniyang cellphone. Grabe.   “Don’t mind it. Humiga ka na,” sambit niya sa pagod na boses. Muli siyang humiga at ibinalik sa dati ang posisyon.   “Sorry po talaga, sorry po—”   “Shh, it’s okay…”   Napakurap-kurap ako at bahagyang hinila ang unan. Gusto ko rin sanang hablutin ang kumot kaya lang ay nakapatong ito sa ilalim ng kaniyang unan. Napalunok ako at suminghap. Ito na ba ang sinasabi ni Ate Dahlia ukol sa hindi pagiging kumportable? Paano kung dahil iyon sa presensya ni Kuya Alet?   Wala akong nagawa. Tahimik akong humiga nang nakatalikod sa kaniya. Ipinikit ko ang aking mga mata at ipinahinga ang sarili mula sa nakakapagod na araw. Wala pang bente kwarto oras ang nangyari sa Agunaya kaya paano ako makakatulog kung iyon ang bumabalik-balik sa aking isipan?   Samu’t saring mga ala-ala ang naukit na sa isla na iyon. At ngayong naglaho na lahat mula sa akin, hindi ko mapigilang isipin na baka isang araw ako naman ang kunin ng langit. Sa kabila ng lahat ng ito, pipiliin ko ang maging masaya. I’ll make my family proud amidst all the pain they left me. Ako man ang natitirang lipi sa amin, siguro ay may dahilan din ang tadhana. Sadyang hindi ko pa oras upang malaman iyon.   Pero bakit ganoon?   Walang kamatayang hindi masakit pero ang daya naman kung matatapos ang buhay ng mga magulang ko nang ganoon lang. Namatay si Ate Ada nang dahil sa heart disease. Nalunod naman sa loot si Kuya Kaloy. Sila Nanay at Tatay… namatay nang hindi ko manlang nakikita sa huling sandali. Kung totoo mang na-abo sila sa malawakang sunog, ano ang magagawa ng iyak ko?   Nabuhay na lang yata ako upang makasaksi ng walang sawang kamatayan.   Kung iyon ang purpose ko, sino na ang susunod?   Sinumpa ba ako?   Bakit ganito?   “Shh…” Mahinahon sa pag-usal nito si Kuya Alet. Lintik, bakit ba hindi ko napigilang humikbi?   Isang singa ang ginawa ko at huminga nang malalim. Umaasa na sa susunod kong pagpikit ay matitigil na ako sa pag-iyak. Ngunit sa halip na tumahan ay lalo pa akong naiyak.   Naramdaman ko ang mahinang tapik ni Kuya Alet sa aking balikat. Mariin akong pumikit nang iharap niya ako sa kaniya.   “That’s okay… you’ll get used to it.”   He carressed my face. Habang nakapikit ako ay naramdaman ko ang maingat na pagpawi ng kaniyang hinlalaki sa gilid at ilalim ng aking mata. Sa ginawa niya ay lalo akong naiyak. Sa ginawa niya ay lalo akong nahabag sa lahat-lahat ng aking sinapit. Nais kong sabihin lahat ng saloobin ko ngunit masyado na akong nag-iinarte kung gagawin ko pa iyon.   “Salamat po dahil nandyan kayo ni Ate Dahlia…”   Nang imulat ko ang aking mga mata, namataan ko ang nag-aalala niyang ekspresyon. Hindi maipagkakaila na naawa siya sa sinapit ko. Sino ba kasing mag-aakala na ang dating walong taong gulang na masaya ay makararanas ng ganito? Masyado na akong nasaktan noon kahit si Ate Ada pa lang ang namatay. Ngayong wala na ang lahat, hindi malabong kailangan ko na talaga ng makakapitan at masasandalan.   Noong gabing iyon, doon ko napatunayan na sa kabila ng lahat, may awa pa rin ang langit. Hindi ako pinabayaan. Hindi ako hinayaang mag-isa. May kumalinga pa rin sa akin kahit hindi ko kadugo at kapamilya.   Sa paglipas ng isang linggo, unti-unti akong nasanay. Tinulungan ko ang sarili ko.   “Na enjoy mo ba? Kapag off ko na, saka uli tayo magsha-shopping!” masayang sabi ni Ate Dahlia nang makauwi kami galing mall. Isa-isa naming ibinaba ang mga dalang paper bags na naglalaman ng mga damit at cosmetics na binili mula sa mga mamahaling stores. Nangingiwi ako habang pinagmamasdan ito. Lahat ng nakikita ko ngayon ay ibinili niya para sa akin.   “Opo, sobra kong na-enjoy. Maraming salamat po talaga…”   “Sus, eto naman! Hindi ka naman others. Basta kung may kailangan ka, sabihin mo lang ha?”   Umupo ako sa sofa at ngumiti sa kaniya. “Sige po.”   “O siya, magpapahinga na ako. Bahala ka na dyan sa mga pinamili natin. Enjoy!”   Sa isang iglap, naiwan akong mag-isa rito sa sala kaharap ang sandamakmak na mga paper bags.   Grabe. Sa loob ng isang linggo kong pamamalagi rito sa Maynila sa poder ni Kuya Alet at Ate Dahlia, sobra-sobra ang atensyon na nailaan sa akin. Para nila akong anak. Kung pagtuunan nila ako ng pansin ay para nila akong kadugo. Ang sarap-sarap sa pakiramdam na nagagawa nila akong alagaan na parang anak nila at hindi sila pumalya na pasayahin ako.   Isang nurse sa private hospital si Ate Dahlia. Araw-araw ang kaniyang duty at tuwing linggo lang walang pasok. Maaga siyang pumapasok at gabi na umuwi. Hindi man minsan abutan sa paggising at pagtulog, sinisiguro niyang may naiiwang pagkain sa hapag bago umalis.   Samantala, si Kuya Alet naman ay alternate ang schedule ng trabaho. Araw-araw ang workout niya dito sa bahay. Hindi ko siya madalas makausap dahil masyado siyang concentrated sa ginagawa. Seryoso siya sa trabaho niya bilang model at talagang kina-career ang bawat workout at diet.   Sa kanilang dalawa, si Ate Dahlia ang mas close ko. Siya rin ang bumili ng cellphone para malibang ako sa kanilang bahay kahit papano. Bagaman naiilang, pinipilit ko namang makisama kay Kuya Alet. Gayunpaman, masaya ako na napunta ako sa poder nila. Masaya ako na sila ang binigay sa’kin ng langit bilang bago kong pamilya.   Sa maghapong iyon, dinala ko sa aking kwarto ang lahat ng paper bags. Isa-isa kong sinukat ang mga dress at ilang mga sem-formal attires na magagamit ko para sa aking lakad. Sinubukan kong suotin ang pink knife pleated skirt at binagayan ito ng baby blue sando. Amoy bago man, hindi ko na ito hinubad.   I also tried all the cosmetics. Hindi pa ako ganoon kasanay ngunit ginamit ko na lang na guide ang mga tutorials sa youtube. I painted my lips with light pink at nag-apply ng contour. I also put blush ons. Hindi ko na pinakialaman ang aking kilay dahil satisfied na ako roon.   Iniwan ko ang magulo kong kwarto at excited na kumatok sa pinto ng kwarto nila Ate Dahlia. Nang bumukas ang pinto, napipi ako sa aking nakita.   Hindi ito ang unang beses na makita siyang topless. Literal na model siya kaya bakit pa ako nagugulat sa ganda ng build ng kaniyang katawan?   Pinasadahan niya ako ng tingin. Napalunok ako sa paraan kung paano niya ipinukol ang naniningkit niyang mga mata. Bakit parang hindi niya nagustuhan ang pananamit ko’t istura? Pangit ba ako sa ayos ko ngayon?   “Si Ate Dahlia po?”   Umiling siya. “Wala rito, nasa kusina siya’t nagluluto.”   “Ah sige po.”   Tatalikod na sana ako ngunit bigla niya akong tinawag. Sa puntong iyon, binalot na ako ng kaba.   “May lakad ka? Bakit ganiyan ang suot mo?”   Napakurap-kurap ako at pinasadahan ng tingin ang sarili. “Ah nag-try lang po akong gamitin ang mga pinamili kanina. Hindi ba maganda tingnan?”   Nagkibit-balikat siya habang nakatitig sa aking pananamit. Nang ibalik niya sa mga mata ko ang atensyon, saka pa lang ako nakahinga nang maluwag-luwag.   “Ayos naman. Masyado nga lang maikli.”   I nodded. “Sige po, maraming salamat.”   Hindi pa niya isinara ang pinto nang tumalikod ako. Habang naglalakad ako patungo sa kusina ay tila ramdam ko ang paninitig niya sa akin. Binalewala ko na lang iyon. Nagulat yata siya dahil unang beses pa lang niya akong makita nang ganito ang suot.   Natagpuan ko sa kusina si Ate Dahlia, abala siya sa niluluto niyang menudo ngunit nang makita ako ay halos mapatili siya sa nakita. Abot-langit ang puri niya at tila eksaheradang hindi makapaniwala sa aking ayos. Natawa na lang ako at paulit-ulit na nagpasalamat.   Hindi na nakapagtataka kung bakit mahal ni Kuya Alet si Ate Dahlia. Sino ba namang hindi mahuhulog sa tulad niya? Kulang na lang ay pwede na rin siya maging model. Hindi lang siya maganda, napakabusilak din ng loob niya upang tanggapin ako rito nang buong buo at alagaan na para niyang kadugo.   Ayaw man niya akong kumilos at gumawa ng gawaing bahay, ako na mismo ang nagkukusa kapag umaalis siya para sa trabaho. Sa bawat araw, unti-unti ko nang sinanay ang sarili ko sa balitang napapanood sa TV. Nakakalungkot isipin dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin matukoy kung sino ang pasimuno ng malawakang sunog.   Nabalitaan din na maraming labi ang halos na-cremate na mismo sa trahedya. Wala ni isang natagpuang buhay matapos kaming i-rescue roon. Mangilan-ngilan lamang ang mga na-identify na labi at wala roon ang pangalan ng aking mga magulang.   Araw-araw kong pinanalangin na sana makatanggap ako ng update tungkol  sa labi nila. Kahit iyon na lang sana upang mailagay naman sila sa maayos na hantungan. Sana’y darating din ang araw ng katuparan nito.   Mabilis na sumapit ang Miyerkules, pagkagising ay nasiguro kong nasa trabaho na si Ate Dahlia. Nang bumangon ay saka ako naglakad patungo sa kusina.   “Good morning po,” bati ko kay Kuya Alet. Mag-isa lang siya ngayon sa hapag at mukhang kadarating lang din. Bagong ligo siya at amoy na amoy ang panlalaki nitong bango. He’s wearing his sporty muscle tee at kitang kita ang laki ng mga muscles ng magkabila niyang braso.   Umupo ako sa kaniyang tapat. Pinagmasdan ko siya at hinintay na batiin niya rin ako pabalik. Napakibit-balikat na lang ako nang magsandok siya ng kanin at ulam nang hindi ako pinapansin.   Siguro ganito talaga ang personalidad niya. Cold, tahimik, at medyo masungit.   Akma ko na sanang kukunin ang sandok ng kanin nang bigla niya akong pigilan. Nagulat ako nang i-abot niya sa akin ang platong nasa harap niya na siya niyang pinunan ng pagkain kanina.   “Sa’yo ‘to,” aniya nang walang kaemo-emosyon. Inalis niya ang blangkong plato sa aking harapan at ipinatong doon ang kaniya.   “S-salamat po,” malumanay kong sagot. Tumango siya.   Siguro ay kailangan ko nang masanay. Sigurado akong hindi ito ang unang beses. Sigurado ako na mauulit pa ito. Sigurado ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD