Chapter 04

2253 Words
Important note: Isla Agunaya and Isla Capgahan are two fictional and neighboring islands that can be found in the vicinity of Palawan. These locations were purposely created to fulfill their purpose embarked in the entire plot of Day Series.     **   CHAPTER 04   Kakaiba ang tingin na ipinukol sa amin ng receptionists nang ipaalam ni Kuya Alet ang aming pag-check-in. Bagaman maayos at malinis naman ang aking pananamit, kapansin-pansin pa rin ang pagiging marungis ng aking balat. Hinigpitan ko na lang ang hawak ko sa hawakan ng paper bag at yumuko pang lalo. Nakita ko kasi ang sarili ko sa salamin kanina at ganoon pala kadugyot ang pagmumukha ko. Diyos ko!   Hindi na ako nakinig pa sa transaksyon nila. Nanatili lang ang aking pagyuko at tahimik na tinitigan ang aking paa. May bahid pa ng putik ang aking tsinelas. Buti na lang at nakalusot pa ako sa hotel na ito.   “Kaano-ano po ang kasama sir?” rinig kong tanong ng receptionist. Ganoon na lang ang gulat ko sa mga sumunod kong narinig.   “Kapatid po.”   Napalunok ako. Hindi kaya maita-track iyon? Nagsinungaling siya at baka magkakaso iyon!   Pero bahala na. Siya rin naman ang kumausap diyan. Labas na ako riyan.   “Let’s go,” baling niya sa akin nang makuha ang susi. Pinaglaruan niya ito sa kaniyang kamay at nauna nang maglakad sa akin.   Sumunod ako sa kaniyang likod at dahan-dahang naglakad. Ang tahimik ng paligid. Kung magsasalita siguro ako ay aalingangaw na sa buong bulwagan. Saka lang siya huminto nang matapat na sa elevator. Hinintay niya akong tumabi sa kaniya at doon pa lang pumindot.   Halos mapatingala ako sa tangkad niya. Grabe, hindi naman siya ganito kabrusko noon ha? Nang tumangkad ako, mas lalo pa siyang tumangkad, dahilan kung bakit hanggang siko lang niya ako.     Sa pagbukas ng pinto ng elevator, ipinatong niya ang malaki niyang palad sa likod ko at iginiya ako papasok. Tiim-bagang akong naglakad kasabay niya at umikot ng pwesto.   Nakabibingi ang katahimikan. Dinig na dinig ko ang lalim ng kaniyang paghinga at ang baritonong pagtikhim niya paminsan-minsan. I kept on behaving as much as I can. Pakiramdam ko kasi ay mapapagalitan niya ako sa oras na magkamali ako ng galaw.   Hindi ko pa siya lubusang nakikilala ngunit base sa pagkakatanda ko noon, madalas siya sa bahay para makipagkwentuhan kay Ate. Nakikipagtawanan naman siya at minsa’y binibiro-biro ako. At dahil walong taong gulang pa lang naman ako noon, nakikibuhat din siya sa akin.   Ngayon, bata pa rin kaya ang tingin niya sa akin? Sa paningin niya, musmos pa rin kaya ako at nangangailangan ng atensyon?   Nineteen na ako. Kung tutuusin ay pwede na rin akong mag-working student at maging independent. Ngunit sa sobrang biglaan ng mga pangyayari, hindi ko na rin talaga malaman kung ano ang susunod na gagawin. Ang alam ko lang ay kailangan ko ng tulong. Hindi ko pa magagawang bumangon nang nag-iisa.   Saka lang kami humakbang palabas nang huminto na sa pag-akyat ang elevator at bumukas na ang pinto nito. Tahimik naming tinahak ang pasilyo at huminto sa isang pinto kung nasaan ang kwartong inilaan para sa amin.   Sinubukan niyang pihitin ang doorknob nang hindi pa ginagamit ang susi. Napansin ko ang pagkunot ng kaniyang noo nang mapihit niya ito. Ibig sabihin ay hindi naka-lock?   Tinulak niya ang pinto. Nang mabuksan ito nang malawak, ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko sa nakita. Oh my god! May isang babae na buhat-buhat ng kayakap nitong lalaki at kapwa sila walang saplot habang nakatayo sa tabi ng kama! Mabilis na tinakpan ni Kuya Alet ang mga mata ko at marahas na sinara ang pinto.   “F-uck!” malutong niyang mura. Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi sa takot na baka may masabi rin ako. Abot-abot ang tahip ng dibdib ko habang nakatakip pa rin ang palad niya sa aking mukha. Mga segundo lang siguro ang itinagal nito saka ibinaba ang kamay.   Aaminin kong nakapanood na ako ng ganoong eksena sa mga romance movies ngunit sa totoong buhay ay hindi pa. Ang intense pala kung personal itong napapanood! Gosh!   “Nakita mo?” baritono niyang tanong. May diin iyon at halatang halata ang iritasyon.   “O-opo…”   “F-uck.”   Naninindig ang mga balahibo ko sa kaniyang mga mura. Hindi ko alam kung nagalit ba siya dahil nakita ko o nagalit siya sa sarili niyang katangahan. Sino ba naman kasi ang  magbubukas ng kwartong hindi laan para sa amin?   Bumukas muli ang pinto. This time, may roba nang suot ang babae at mataman kaming kinausap.   “Anong kailangan nila?” aniya at tiningala si Kuya Alet. Hindi ko lang alam kung napansin ba niyang sikat ang kaharap niya dahil may suot itong shades. Siguro ay hindi.   “Ito ang hotel room na inilaan sa’min ngayon. Matanong ko lang kung tama ba kayo ng kwarto.”   She nodded. Nilingon niya sa likod ang kaniyang kasama at tinanong kung tama ba sila ng pasok. Ilang sandali pa ay narinig ko ang singhap ng babae. Tila nagulat dahil nagkamali nga sila ng kwartong pinasok.   “Oh my God! I’m so sorry. Give us time to dress ourselves,” natatarantang turan niya sa amin saka isinara ang pinto. Nang tingalain ko naman si Kuya Alet sa gilid, sumandal siya sa pader at humalukipkip.   Yumuko siya sa akin nang mapansing nakatingin ako sa kaniya.   “First time mo makakita ng nagse-s*x?” he asked. Tila ingat siya sa kaniyang sinasabi at may bugso iyon ng gulat.   Umiling ako. “Nineteen naman na po ako. ‘Di ba’t ayos lang po iyon?”   “No. Bata ka pa.”   Pinilit kong hindi maipakita sa kaniya ang gulat na reaksyon. Tahimik lang akong tumango at hindi na nagsimula ng argumento. Oo, aaminin kong nagulat ko. Aaminin kong inosente ako sa ganoong bagay. But what’s the big deal? Dadaan din naman ako sa ganoon.   Is he overprotective? Kung bata at kapatid ang turing niya sa akin, then I would say na hindi naman ganito sila Ate at Kuya noon. Sa nakikita ko ngayon ay mas malala siya bilang tagakupkop ko. Mas malala siya.   Mga limang minuto lang kaming naghintay sa labas. Muling humingi ng tawad ang magkasintahan nang makalabas na sila nang may maayos na pananamit.   Nang makapasok kami, paulit-ulit na nagmura si Kuya Alet. Hindi maipinta sa kaniyang mukha ang frustrasyon lalo’t kagaganap lang ng milagro sa kwartong ito. Nang isara ko ang pinto, saka ko pinasadahan ng tingin ang buong kwarto. Maayos naman ang lahat maliban lang sa bedsheet at kumot na ngayon ay wala na sa ayos.   Lalapit na sana ako roon upang ayusin nang bigla nya akong pigilan.   “Ako nang bahala, maligo ka na muna roon,” aniya saka itinuro ang  bathroom. Mas humigpit na lang ang hawak ko sa paper bag at sumunod na lang sa kaniyang sinabi. Pumasok ako ng tahimik doon at saka sinara’t ni-lock ang pinto.   Hindi ko alam kung bakit ganoon ka-big deal iyon sa kaniya. Hindi naman na sana ako minor upang pagbawalang makakita ng ganoon. Besides, bukas na ang isip ko sa mga ganoong bagay. Kaya ano ang deal?   If he’s worrying that my innocence was being shattered just by witnessing it, pwes nagkakamali siya. Mukha lang akong inosente pero marami na akong alam. Siyempre, nilulugar ko naman.   Isinabit ko sa rack ang paper bag. Isa-isa kong hinubad ang aking saplot saka pinaulanan ang sarili sa ilalim ng malamig na shower. Binula ko nang husto ang sabon saka siniguro na masasabunan lahat ng baho sa aking katawan. If feels good. Sa wakas ay hindi na dugyot ang tingin ko sa sarili ko.   Halos twenty minutes din akong nagtagal. Eksaherada ko rin kasing nilunod sa bula ang aking katawan. Famous ang kasama ko at kung iisipin ko na ganoon ako nadugyot at kabaho kanina,  nilalamon na kaagad ako ng hiya. Kung sana lang ay naayos ko pa ang sarili ko sa gym kanina, baka hindi rin ako inabot ng matagal sa paliligo.   Dito na rin ako mismo nagbihis. Isang oversized shirt ang pinili kong suotin upang kumportable sa pagtulog. Nang maayos na ang lahat, saka ko binalot ng twalya ang aking buhok at tahimik na lumabas bitbit ang paper bag.   Muntik na akong masamid ng sariling laway nang makita ang posisyon ngayon ni Kuya Alet sa kama. Naka-topless siya ngayon at tanging denim pants lang ang pang-ibaba niya. Kitang kita ang mumunting balahibo sa kaniyang dibdib at ang isang kamay ay inuunan ng kaniyang ulo. Mabuti na lang at tutok ang kaniyang pansin sa cellphone, dahilan kung bakit hindi niya nakita ang aking reaksyon.   Nang mapansing niyang nakatayo na ako sa labas ng bathroom, saka siya umayos ng posisyon. Bumangon siya at umupo sa tabi ng kama.   “Nandyan ka na pala.”   “O-opo…”   Inilapag niya sa headboard ang cellphone at muling hinagilap ang hinubad na damit. Hindi ko alam kung bakit nanatili lang akong nanonood dito sa kaniyang ginagawa. Para akong tuod sa pwesto ko na hindi makagalaw.   “Tara dito,” aniya nang masuot na ang damit. He tapped the bedsheet beside him, senyales na doon ako mismo uupo.   Inilapag ko sa ibaba ang paper bag. Hinimas-himas ko ang aking braso habang naglalakad palapit sa kaniya.   Ano kaya ang gagawin namin? Mag-uusap? Umahon bigla ang kaba sa aking dibdib.   Marahan akong umupo at tumingala sa kaniya. Seryoso naman siyang nakayuko sa akin at nakatitig sa aking mga mata na tila wala nang balak pang lumingon sa iba.   “Bakit po?” basag ko sa nakabibinging katahimikan. Nalipat bigla ang atensyon ko sa magulong ayos ng kaniyang buhok. Sadya ba iyon? Ang gwapo niyang tingnan.   “Ikaw lang talaga ang natira sa inyo?”   There he goes. Bumuntong-hininga ako at umiwas sa kaniya ng tingin. Hindi ko kayang sagutin iyon.   “Kadarating lang ng balita at ipinakita ang coverage ng media sa nasira nating isla. Gusto mo bang makita?”   Umiling ako. Baka iiyak na naman ako kung sakaling makita iyon. Totoo bang hindi ako nananaginip? Gustong gusto ko na balikan ang mga magulang ko pero… pero batid kong wala ng pag-asa. Saang anggulo ko man tingnan ang lahat, alam kong wala na sila.   “Paano po niyo nalaman na naroon ako sa gym?” tanong ko.   “Tumawag sa’kin ang Kuya Galileo mo. Nabalitaan niya kaagad ang nangyari at sinabi sa akin na tingnan ko raw ang sitwasyon niyo. Mukhang matagal-tagal pa raw ang uwi niya kaya sa ngayon, ako muna ang mag-aasikaso sa’yo.”   “S-salamat po…”   “Nasabi ko na rin sa kaniya ang tungkol dito. Sa ngayon, naghihintay na lang ako ng update. Wala ka bang sugat?”   Umiling ako. “Wala naman po.”   “Good.”   Naging tahimik na kami sa mga sumunod na sandali. Pinanatili ko lang ang tingin sa bintana habang siya naman ay tila nag-iisip ng sasabihin.   Gusto kong maiyak sa tuwa. Gusto ko siya pasalamatan. Gusto kong ipakita sa kaniya kung gaano ako kasaya dahil nandyan siya. Buong akala ko kasi ay habang buhay na akong mag-iisa. Mabuti na lang at dumating siya. Mabuti na lang.   Sa kwartong ito, walang ibang narito kundi ang kama, ilang mga palamuti, bintana, at bathroom. Ano kaya ang susunod kong gagawin? Matulog? Eh basa pa ang buhok ko at hindi pa naman ako inaantok.   “Anong grade ka na?”   Sa tanong niyang iyon, muli akong napalingon sa kaniya.   “Grade 12 na po.”   “Oh, ayos lang sa’yo kung ita-transfer kita sa Manila?”   Tumango ako. Kung iyon ang mas nakabubuti at doon siya mas mapapadali, bakit hindi? Saka magandang oportunidad iyon kung tutuusin. Ang kailangan ko lamang ngayon ay mag-adjust.   “I’ll talk to Dahlia about this. Maasikaso ka naman niya.”   Napaisip ako bigla sa kaniyang sinabi. Sino ‘yong Dahlia? Nanay kaya niya o kamag-anak? Ang bastos naman kung mismong Dahlia lang ang kaniyang tawag.   “Sige po, salamat…”   Still, I am more than grateful. Higit pa ang pagkakataong ito ngayon para sa akin. Sa kabila ng lahat ng nangyari, may dapat pa rin akong ipagpasalamat. Mahirap man tanggapin at unawain kung bakit ko ito nararanasan, someday life will be good enough to make me happy.   Biglang nag-ring ang phone niya sa headboard. Sabay kaming napalingon doon. Agad niya itong pinulot at sinagot. Tahimik naman akong tumayo at naglakad palapit sa bintana.   “Hello, love?” seryosong sabi ni Kuya Alet sa kausap. Nagpanting ang tainga ko sa narinig.   Oh? Ano raw? Love?   “Yeah… dito sa hotel… yupp. Kasama ko.”   Na-intriga ako bigla, girlfriend kaya niya ang kausap niya? Kung hindi, sino naman ang tatawagin niyang love?   “You want to talk to her?” sabi pa nito sa cellphone.  At dahil nakatalikod ako sa kaniya, lihim kong sinilip ang kaniyang ekspresyon.  Ganoon na lamang ang gulat ko nang mahuli kong nakatitig siya sa akin. My God.   Lilingon na sana ako pabalik sa  bintana nang bigla niya akong tawagin. Umahon bigla ang kaba sa aking dibdib. Ipakakausap kaya niya ako sa kausap niya ngayon? Huminga ako nang malalim.   Inilayo niya ang hawak na cellphone sa kaniya at inilahad sa akin.   “Bakit po?” maang-maangan kong tanong kahit alam ko na kung ano ang ibig sabihin nito.   “Kausapin ka raw ng fiancee ko,” sagot niya.   Sa puntong iyon, doon na namilog ang mga mata ko.   For real? Engaged na siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD