Chapter 03

1534 Words
“Kumain ka na?” tanong niya sa malalim at seryosong boses. Nahihiya man ay wala rin akong nagawa kundi umamin. Sa maghapon kasing pamamalagi sa gym ay maghapon din akong hindi nakakain. Hindi umayon sa dami ng mga tao ang kakaunting pagkain na inilaan ng mga volunteers para sa amin.   Lihim kong inamoy ang sarili nang makapasok kami sa kaniyang kotse. Lalo akong ginapangan ng hiya lalo’t sa puntong ito ay hindi na kanais-nais ang aking amoy. Nasisiguro kong kanina pa niya iyon napansin ngunit binabalewala lamang niya.   “Bibilhan na lang kita sa malapit na fast food resto mamaya,” aniya sabay pa-andar sa sasakyan. Nanatili lamang ang tingin ko sa harapan at pinagmasdan ang madilim na kalsadang tinatahak. Hindi ko alam kung sa paanong paraan ako makikitungo sa kaniya. Paano kung hindi niya magustuhan ang sasabihin ko? Paano kung ayaw niya sa kung ano man ang ipapakita ko? Sa puntong ito, kung pakakawalan niya ako ay wala na akong matutuluyan pa. Sa huli, ako rin ang kawawa.   “Uh… salamat po.”   He stayed silent while driving. Hiyang hiya ako dahil sinasapawan ng manly at musky niyang perfume ang aking amoy. Sa kutis kong marungis, batid kong pinandidirihan na niya ako. Sana naman ay hindi siya mag-iisip ng kung ano-ano.   I have known him for so long. Siya si Alet na bestfriend ni Ate Ada halos isang dekada na ang nakalilipas. Siguro ay nasa labing isang taong gulang ako noong huli ko siyang makita sa Isla Agunaya dahil lumuwas na siya ng Maynila at hindi na bumalik pa. At kung hindi ako nagkakamali, parang ka-edad lang niya si Kuya Kaloy na nasa twenty two o twenty three dati. So does it mean na nasa thirty’s na siya ngayon? Hindi halata.   But now that almost eight years have gone, nakilala kaya niya ako nang makita ako sa unang sulyap? Kumpara kasi noong eleven years old pa lang ako, wala pa sa balikat ko ngayon ang tangkad ko.   Sa parte naman niya, nakilala ko siya kaagad dahil bahagya lang naman ang pagbabago sa postura at tindig niya. Kung itsura o mukha naman ang pag-uusapan, hindi maipagkakaila na marami roon ang nag-transform. Ang laki-laki ng ikinaguwapo niya. Para siyang greek God na hindi ko mawari kung taga ibang bansa ba o taga-rito lang.   Anuman iyon, sure akong proud si Ate Ada sa kung ano ang narating niya. Imagine, ang dating mangingisda ay isa ng model. Hindi ko man alamin, sure akong sikat siya hindi lang sa Maynila kundi sa buong Pilipinas.   Nagpakawala ako ng buntong-hininga nang mapansing sa sentro na ng Capgahan ang biyahe. Kaunting drive na lang at mararating na namin ang sinasabi niyang fast food resto.   Iidlip na sana ako nang bigla siyang magsalita. Nanindig naman ang mga balahibo ko dahil sa gulat.   “Kumusta ka? Totoo bang ikaw lang ang nakaligtas sa inyo?”   Marahan akong lumingon sa kaniya. Sa pagtama ng aming mga mata, kaagad niyang iniwas ang tingin sa akin at mabilis na ibinalik sa kalsada.   “O-opo, ako na lang po.”   He remained silent. Nag-alburuto naman ang puso ko sa sakit dahil naalala ko na naman ang mga magulang ko. I know I have to be adamant. Kailangan ko na mag-move on. Kailangang ipaubaya na lang sa awtoridad ang labi nila kung sakali mang hindi naman malala ang pagkakasunog nila.   Ang sakit lang isipin na wala man lang akong paalam sa kanila. Paano ko iyon gagawin kung nanggaling ako sa bahay ng aking kaklase? Noong gabing iyon, abala kami sa pag-aaral para sa aming research defense. Nalaman ko lang na mayroon ng sunog nang marami na ang nagsisisigaw sa labas at nagmula raw iyon sa aming sitio.   Hindi ako makapaniwala.   Para ako ngayong kuting na nawalay sa ina. Anumang pagpipigil ko ng luha, ang mahalaga ay mailalabas ko ang bigat na ito. Days after now, everything will come into place. Makaka-ahon din ako kahit mahirap. Makakabangon din ako para sa aking pangarap.   Ilang sandali pa ay huminto sa isang drive thru ang sasakyan. Pinagmasdan ko lamang kung paano mag-order roon si Tito Alet at ang kahera naman ay halos maglululundag sa tuwa nang mapansing model ang kausap niya. Namangha ako nang mamataan kung gaano siya kasikat. Kahit pala rito sa Isla Capgahan ay sikat na sikat ang kaniyang pangalan.   “Thank you Arlet!” tili ng kinikilig na kahera saka inabot ang order. Nang abutin sa akin ito ni Tito Alet, namilog ang mga mata ko at nagpasalamat.   “Itatabi ko lang sa isang gilid ang sasakyan. Sandali lang.”   Tumango ako at hinintay ang kaniyang abiso. Saka ko lamang inabalang buksan ang container nang i-park na niya ang kotse.   The whole time na kumakain ako, hindi ko na pinansin pa kung dugyot ba ang paraan ko kung paano ako kumain. Ang alam ko lang ay nasasarapan ako. Ang alam ko lang ay gumagaan na ang pakiramdam ko. Kumpara sa kanina ay hindi na nagsusumigaw sa atensyon ang sikmura ko.   Mabuti naman at tahimik lang siya sa kaniyang cellphone, mukhang may ka-text o ka-transaction. People in showbusiness are too busy. Hindi malabong kinansela niya kung ano ang appointment para lang masundo ako sa gym na iyon.   Dumighay ako nang mahina nang maubos ang isang baso ng softdrinks. Inilapag ko sa dashboard ang pinagkainan at sinigurong nakasupot ito sa plastic.   “Done?” he asked while looking at his phone. Pinatay niya iyon saka pinatong sa manibela ang mga bruskong braso.   “Opo, tito…”   Napansin kong nagsalubong ang kaniyang kilay sa aking sagot. Bigla akong kinabahan, may mali kaya sa sinabi ko?   “Why are you calling me Tito?”   Napalunok ako. Hala, ginalit ko ba siya?   “U-uh, s-sorry po. Ano pong pwede kong i-itawag s-sayo kung ganoon?”   “Hindi mo naman ako tito o kaano-ano. You can call me ‘kuya’ if you want. Pero mas kumportable ako kung Alet na mismo ang itatawag mo sa akin.”   “Sige po.”   Nang paandarin niyang muli ang sasakyan, saka ko ibinaling sa labas ng bintana ang aking pansin. Litaw na litaw ang ganda ng buwan, taliwas sa kahindik-hindik na larawan nito noong masaksihan ko ang pangyayari kagabi. Para akong na-trauma. Ang hirap para sa akin ang tumingala sa kalangitan ng gabi dahil ang trahedyang iyon ang patuloy kong naaalala.   Gayunpaman, pinatunayan ng langit ang awa nito sa akin. I may have only remained in my family but here came my hero. Sana lang ay hindi na magbago ang kaniyang isip. Sana ay kupkupin pa niya ako hangga’t sa maka-ahon na ako sa pait ng kahapon.   Huminto pa si Kuya Alet sa isang bukas na establishment upang ibili raw ako ng damit. Siya mismo ang bumaba suot ang kaniyang mask at shades saka pumili ng disenteng damit para sa’kin.   Mga limang minuto lang siguro akong naghintay dito sa loob ng sasakyan. Saka lamang siya bumalik dala ang paper bag ngunit sa bintana mismo ako kinausap. Nagtaka ako bigla kung bakit hindi siya pumasok.   “Magpalit ka muna. May isang t-shirt at denim pants d’yan. Huwag kang mag-alala, tinted naman ang salamin kaya hindi ka makikita mula rito,” aniya saka inabot sa akin ang paper bag. Nang tumango ako ay saka niya isinara ang pinto at matamang naghintay sa labas.   Marahan kong inisa-isa kung ano ang kaniyang binili. Sa brand pa lang at tela, alam na kaagad na mamahalin. Gaya ng sabi niya ay maingat kong pinili ang plain t-shirt na kulay navy blue at ang denim pants. Saka ako naghubad at hirap na nagpalit dahil sa sikip ng pwesto.   Matapos magbihis, iniligpit ko ang hinubad kong damit at itinago sa paper bag. Sinuklay ko muna nang tatlong beses ang buhok gamit ang daliri saka binuksan ang pintuan.   “Okay na po.”   Mula sa pagkakasandal, umayos siya ng tayo at naglakad patungo sa driver’s seat. Pinasadahan niya ako ng tingin nang makaupo na siya sa aking tabi.   “Kasya naman ba?”   “Opo, sakto lang. Maraming salamat.”   He just nodded. Na-i-ilang kaya siya sa akin?   “Magche-check-in tayo sa hotel para makapagpahinga, okay? Masyado nang malalim ang gabi para magpatuloy pa sa biyahe paluwas ng Manila. Ilang taon ka na ba?”   Saglit akong napa-isip-isip sa kaniyang sinabi. Ibig sabihin ay sa Manila talaga ang destinasyon namin at hindi rito sa vicinity ng Capgahan?   Kung ganoon nga ay kailangan nga munang magpalipas ng gabi rito bago tumulak sa biyahe. Delikado na.   “Nineteen na po ako,” sagot ko.   “Okay, good.”   Bakit kaya niya tinanong iyon? Bawal ba mag-check-in kung eighteen pababa ang kasama? Hindi rin naman siguro big deal kung magkasama kami sa iisang kwarto ‘di ba? Ngunit kung iisipin ko iyon, hindi ko mapigilang mag-init ang pisngi ko.   Ano ba Diana, kailangan niyo mag-check-in dahil kailangan niyo magpalipas ng magdamag. Iyon lang!   Nang imaneho na niya ang sasakyan patungo sa direksyon ng hotel, pinanatili ko sa bintana ang aking pansin. Kinakabahan man dahil unang beses kong makasama ng isang lalaki sa iisang kwarto, nilabanan ko na lang ito ng ibang dahilan. Mabilis lang ang oras sa gabi kaya hindi rin ito magtatagal. Bukas, hindi na ito mauulit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD