CHAPTER 4
Third Person POV
Nakatayo si Miguel sa harap ng luma’t maalikabok na salamin, hawak ang kanyang EMF reader na patuloy na naglilihiwan ng ilaw. Nanginginig ang ilaw na para bang may malapit na presensya—isang presensyang hindi niya mahawakan, ngunit tiyak niyang naroroon. Huminga siya nang malalim, pilit inaabot ang bawat tunog, bawat kaluskos sa paligid.
“Miguel…” muling bumulong ang malamig na boses ni Isabel.
Napalingon siya agad, tinututok ang flashlight sa mga anino sa likod niya. Wala siyang nakita. Ngunit ang bigat ng presensya ni Isabel ay hindi maitatanggi. Nariyan siya, palapit ng palapit, tila naglalaro ng patintero sa kanyang takot.
“Show yourself,” bulong ni Miguel, nanginginig ang kanyang boses ngunit sinusubukang manatiling matapang. “Hindi mo na kailangan magtago. I’m here to help.”
Tahimik. Walang ingay kundi ang mahihinang kaluskos mula sa lumang kahoy na sahig. Nagpatuloy si Miguel sa kanyang paglalakad, iniikot ang kanyang flashlight sa bawat sulok ng madilim na kwarto. Alam niyang sinusundan siya ng kaluluwa, nararamdaman niya ito sa lamig ng paligid at sa panginginig ng kanyang balat.
Biglang may malamig na hangin na dumaan sa kanyang batok, at sumabay dito ang malalim na hagikgik—isang halakhak na puno ng lungkot at kasamaan. Si Isabel.
“Miguel…” bumulong muli ang boses, mas malinaw ngayon.
Napahinto si Miguel. “Anong gusto mo?” tanong niya, pilit hinahawakan ang kanyang lakas ng loob.
Walang sagot, ngunit biglang gumalaw ang mga kurtina sa dulo ng silid. Pumaspas ito, kahit wala namang bintana na nakabukas. Parang may kamay na humahaplos sa mga telang iyon, ginugulo ang dating katahimikan ng lugar.
Naramdaman ni Miguel ang mabilis na t***k ng kanyang puso. Kahit na sanay siya sa mga ganitong sitwasyon, kakaiba ang pakiramdam niya ngayon. Iba ang presensya ni Isabel—hindi lang siya galit, may mas malalim pang dahilan ang kanyang ginagawang pananakot.
Lumapit siya sa kurtina, inaninag ang mga sulok nito gamit ang kanyang ilaw. Nang bigla, isang malamig na boses ang pumutok mula sa likod niya.
“Don’t turn around.”
Napapikit si Miguel. Hindi siya makagalaw. Ang boses ni Isabel ay naroroon, malapit na malapit sa kanyang tainga. Sa loob ng ilang segundo, nag-alinlangan siya kung susundin ang sinabi o babalewalain ito. Pero mas pinili niyang manatili sa kanyang kinatatayuan.
“Why are you still here, Isabel?” tanong niya, bahagyang nanginginig. “What’s keeping you trapped?”
Tahimik. Walang sagot mula sa kaluluwa. Ngunit naramdaman niya ang presensya nito sa likod niya, mas lumalapit pa, halos nararamdaman niya ang malamig na hininga ni Isabel sa kanyang leeg. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari kapag lumingon siya, pero mas pinili niyang huwag gawin.
“I’m not going anywhere,” ani Miguel, sinusubukang gawing matatag ang kanyang tinig. “Tell me what you want, and maybe I can help you.”
Biglang may narinig siyang kaluskos. Hindi na siya nakatiis at nilingon ang kanyang likod, ngunit sa pagharap niya, isang matinding hampas ng malamig na hangin ang bumangga sa kanya. Tumalsik siya papunta sa lamesa at halos mabitawan ang kanyang mga gamit. Nang bumangon siya, nakita niyang lumilipad ang mga larawan at papeles sa ere, tila binabalot ng isang hindi nakikitang puwersa.
Hindi ito ordinaryong kaluluwa. Si Isabel ay galit, naliligaw, at may hinanakit.
“Help me?” muling bulong ng boses, pero ngayon ay puno ng hinanakit. “You can’t help me, Miguel. You don’t even know what happened…”
Napabuntong-hininga si Miguel, pilit na bumabalik sa kanyang pokus. “Then tell me,” sagot niya. “Ano bang nangyari sa’yo? Bakit ka nandito?”
Isang malalim na katahimikan ang sumunod. Ngunit sa pagkakataong ito, narinig niya ang isang kakaibang tunog—isang paghikbi. Hindi galit si Isabel ngayon. Nakarinig siya ng lungkot sa bawat paghinga ng silid. Lumapit siya sa gitna ng kwarto, tumingin sa paligid, at nagsalita nang mas malambot.
“Isabel, you don’t have to be alone. Kung may nangyari sa’yo dito, tulungan mo akong intindihin.”
Tumahimik ang lahat. Halos hindi gumagalaw ang hangin. Ngunit sa kabila ng lahat, naramdaman niyang hindi na siya tinatakot ni Isabel. Tumigil ang mga ilaw sa kanyang EMF reader, at ang lamig sa paligid ay tila humupa. Pero naroroon pa rin siya—naghihintay na marinig.
Si Miguel ay umupo sa sahig, inilapag ang kanyang mga kagamitan, at muling nagtanong.
“Kailangan mo bang sabihin sa akin kung sino ang gumawa sa'yo ng masama? Sino ang nagdulot ng pagkawala mo?”
Muling nagpakita ng senyales ang EMF reader. Umilaw ito, parang sumasagot ang kaluluwa ni Isabel.
“I’m listening,” sabi ni Miguel, hinihintay ang anumang senyales. Ngunit sa halip na boses, isang imahe ang dumaan sa kanyang isip—isang malabo ngunit makabuluhang larawan ng isang gabing puno ng takot. Nakita niya ang imahe ni Isabel, umiiyak, tumatakbo sa loob ng mansyon. May isang lalaki na nakatayo sa harap niya, hindi niya maaninag ang mukha, ngunit ramdam niya ang takot ni Isabel.
Biglang nanikip ang dibdib ni Miguel. Tumayo siya at naglakad palayo sa gitna ng silid. Hindi ito ordinaryong krimen. Malalim ang sugat na iniwan ng trahedyang ito sa mansyon, at si Isabel ay isa lamang sa mga biktima.
Naramdaman niyang muling bumigat ang hangin, ngunit hindi sa anyo ng takot. Tumayo siya malapit sa pintuan ng silid, hinawakan ang malamig na hawakan nito, at naghintay.
“Isabel,” marahan niyang sinabi, “I will find out the truth. I will make sure your story is told.”
Isang mahina, halos hindi marinig na boses ang sumagot mula sa dilim.
“Salamat…”
Pagkatapos ng bulong na iyon, naglaho ang bigat ng presensya. Si Miguel ay tumingin sa paligid, napansin niyang tila mas maliwanag na ang silid. Ang kwarto ay hindi na kasing dilim gaya ng dati. Tila may kakaibang katahimikan na bumalot sa mansyon, at alam ni Miguel na hindi pa ito tapos, ngunit natapos ang isang mahalagang yugto.
Lumabas siya ng kwarto, dala ang kanyang mga gamit. Sa kanyang paglalakad pababa ng hagdanan, ramdam niya ang bahagyang kaluwagan, ngunit sa kanyang isipan, alam niyang mayroon pang mga katanungang hindi nasasagot. Isa lang si Isabel sa mga kaluluwang natrap sa Perez Mansion. Marami pang misteryo ang kailangan niyang tuklasin.
At sa bawat hakbang na kanyang tinatahak, mas lalong lumilinaw na ang nakaraan ng mansyon ay mas madilim pa kaysa sa kanyang inaasahan.
Flashback
Nasa kalagitnaan ng gabi, patapos na ang shift ni Isabel bilang flight attendant. Pagod na pagod siya, ngunit masaya siyang makakauwi na sa mansyon ng kanyang kasintahang si Daniel. Si Daniel ay isang matagumpay na negosyante, at matagal na silang magkasama. Para kay Isabel, perpekto ang kanilang relasyon, o iyon ang kanyang akala.
Pagdating niya sa mansyon, kapansin-pansing tahimik ito, masyadong tahimik. Hindi tulad ng dati, hindi siya sinalubong ni Daniel sa pintuan. Naka-off din ang mga ilaw, at tila wala siyang kasama sa bahay. Pinakiramdaman niya ang paligid habang paakyat siya ng hagdan patungo sa kwarto nila.
Sa bawat hakbang, naririnig niya ang kaunting bulong mula sa likod ng pintuan ng kanilang kwarto. Pamilyar ang isa sa mga boses—si Daniel. Ngunit may isa pang boses na kasama niya, isang babae.
Pilit niyang pinalis ang takot na nararamdaman. "Hindi ito maaari," bulong niya sa sarili. Nang buksan niya ang pinto, tumambad sa kanyang harapan si Daniel at ang babaeng kalaguyo nito, magkahawak-kamay sa kanilang kama.
"Daniel!" sigaw ni Isabel, nanginginig ang boses. Nanginginig din ang kanyang buong katawan, at naramdaman niya ang biglaang pagbagsak ng lahat ng kanyang iniisip.
Nagulat si Daniel ngunit hindi nagpakita ng pagsisisi. "Isabel, I didn’t expect you to come home this early," sabi niya, halatang wala nang pagmamalasakit sa relasyon nila.
"Sinungaling ka!" sigaw ni Isabel. "Paano mo nagawa ito sa akin? Ibinigay ko ang lahat sa’yo, Daniel!" Nangingilid na ang kanyang luha.
Bago pa man makasagot si Daniel, biglang bumunot ng patalim ang babae. Nang hindi inaasahan ni Isabel, sinaksak siya ng babae sa tiyan. Bumagsak si Isabel sa malamig na sahig, hawak-hawak ang kanyang duguang tiyan habang unti-unti niyang naramdaman ang pagkawala ng kanyang lakas.
"Hindi mo na siya kailangan, Isabel," bulong ng babae habang iniiwan siya. At sa huling saglit ng kanyang kamalayan, nakita niya si Daniel na umaalis din, hindi man lang tinulungan o pinagsisihan ang ginawa sa kanya.
Present Day
Nasa ospital si Isabel, nakakabit sa maraming aparato at mga tubo. Ang kanyang katawan ay nasa coma, hindi kumikilos, walang kamalay-malay. Ngunit sa kanyang isipan, siya ay patuloy na gumagala sa mansyon—ang lugar ng kanyang trahedya.
Sa tabi ng kanyang kama, umiiyak si Lia Cruz, ang kanyang nakababatang kapatid. Si Lia, 25 taong gulang, ay hindi tumitigil sa pagbabantay sa ospital, umaasang isang araw ay magigising ang kanyang ate mula sa coma.
“Ate, ilang buwan ka nang nakahiga dito,” bulong ni Lia, ang kanyang mga mata ay namumugto sa walang katapusang pag-iyak. "Please, Isabel… gumising ka na. Miss na miss ka na namin ni nanay. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin namin."
Ang mga salita ni Lia ay tila bumabalik lamang sa kanya, walang tugon mula kay Isabel. Ang katawan ng kanyang kapatid ay nanatiling tahimik, tila natutulog lamang. Hindi alam ni Lia na sa loob ng isipan ni Isabel, patuloy siyang naipit sa pagitan ng buhay at kamatayan, patuloy niyang binabalikan ang alaala ng araw na siya ay pinagtaksilan.
Habang tulala si Isabel sa kanyang sariling mga alaala, hindi niya matukoy kung sino ba talaga siya. Naiisip niya ang pangalang "Isabel Torres," ngunit bakit tila may mga bahagi ng kanyang buhay na hindi niya maalala? Hindi niya alam na dahil sa coma, naligaw ang kanyang isipan at nawalan siya ng tamang pagkakakilanlan. Ang trauma ng pagtataksil at ang matinding sakit na dinanas niya ay bumura sa ilang bahagi ng kanyang alaala.
Hindi niya alam na siya rin si Elena Cruz, ang tunay niyang pangalan. Ang isip niya ay naglikha ng ibang personalidad—si Isabel Torres—bilang paraan upang takasan ang masakit na alaala. Ngunit habang siya ay nasa pagitan ng buhay at kamatayan, dumarating ang mga alaala ng kanyang pagkatao.
Sa ospital, si Lia ay patuloy na umiiyak. "Ate, naalala mo pa ba nung bata tayo? Ikaw ang laging gumagabay sa akin. Palagi mo akong pinapagalitan, pero ikaw din ang laging nandiyan kapag kailangan kita. Pero ngayon, ako naman ang mag-aalaga sa’yo. Ate, gumising ka na, please."
Si Lia ay halos mawalan na ng pag-asa, pero alam niyang hindi siya maaaring sumuko. Alam niyang darating ang araw na gigising ang kanyang kapatid. Hindi niya alam kung gaano katagal pa ang kanilang paghihintay, pero patuloy siyang magbabantay.
Sa mga mata ni Lia, hindi siya tumitigil sa pag-alala sa masasayang alaala nila ni Isabel. "Sana bumalik na ‘yung dating ikaw, Ate. Hindi ko alam kung paano ka namin babalikan kung hindi ka na magigising. Hindi mo ba kami naaalala ni nanay? Gising ka na, ate, please."
Sa loob ng isipan ni Isabel, may kaunting liwanag. Unti-unting nagsisimula siyang maalala—hindi siya si Isabel Torres, siya si Elena Cruz. Ang kaluluwa niyang nagkakamali ay nagsimulang mabuksan sa katotohanan. Siya ang anak na babae ni Aling Rosa, ang masipag na babae sa probinsya. At si Lia—siya ang kapatid niyang iniwan sa oras ng kanyang paglipad bilang flight attendant, ngunit ito rin ang taong pilit siyang binabalikan ngayon.
Habang umiiyak si Lia sa tabi ng kama ng kanyang kapatid, tila may bahagyang paggalaw sa daliri ni Isabel. Napansin ni Lia ang maliit na galaw na iyon, at kahit gaano kaliit, nagbigay ito ng pag-asa sa kanya.
"Ate? Gising ka na ba?" tanong ni Lia, na ang boses ay puno ng panginginig at pananabik. Alam niyang hindi pa tapos ang laban, pero sa maliit na senyales na iyon, alam niyang hindi siya mag-iisa.