SUNUD-SUNOD ang murang pinakakawalan ni Phoenix. Hindi niya matanggap na nakakaramdam na siya ng awa sa babaeng suspek ng pagkamatay ni Xavier. Kanina nang makita niya ang reaksyon nito pagkakita sa bahay na iyon. Nang makita niya ang luhaan nitong mukha, ang panginginig ng kamay at ang pagkalito sa mga mata nito, there seemed to be drawing pain in his chest. Nasasaktan din siya sa hindi niya malamang dahilan. It is too early to feel this, ilang araw pa lang niyang nakakasama ang babae sa iisang bahay, but why he felt like---no. And he couldn't accept that he was starting to feel sorry for the woman. Kaya ibinuhos na lang niya ang galit sa pagpapatakbo ng mabilis ng kaniyang sasakyan. He sighed and stopped his car in the wide parking space in front of the Fortalejo Empire. Wala sana s

