LUHAAN ang mga matang napatingin si Aloha kay Phoenix. And for the first time, kahit nanlalabo ang mga mata niya dahil sa luha ay nakita niya pa rin ang asul na mga mata ng lalaki na may ibang emosyon maliban sa galit na palaging nakikita niya sa mga mata nito. Pero saglit lang iyon at agad ding nawala. “Anong meron dito? Kanino ba itong bahay?” tanong niya ulit nang hindi man lang ito umimik. Naguguluhan siya. Hindi pa rin nawala ang sakit sa dibdib niya. “Wala ka bang naaalala sa bahay na iyan?” balik-tanong nito na ang mga mata ay nakatutok na sa malaking bahay. Napatitig na naman siya roon. Pilit niyang inaalala kung ano ang meron sa bahay na iyan na kailangan niyang maalala. Bahay ba nila ito dati? “Iyan ba ang bahay natin dati?” mahinang tanong niya. Nagsisikip na naman ang di

